09/01/2021
TINGNAN: Humigit-kumulang 115 na residente ng Talisay City at Victorias City ang inilikas ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng malawakang pagbaha sa Negros Occidental bandang ala una ng madaling araw kanina, ika-09 ng Enero 2021.
Pansamantalang dinala ang mga residente sa Catabla Covered Court at Victorias City Mall para sa karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan.
Ang pagbaha sa probinsya ay dulot ng malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan kahapon, ika-08 ng Enero 2021.
🇵ðŸ‡

02/01/2021