Barangay Zapote 1

Barangay Zapote 1

Share

Serbisyong Subok Na! Serbisyong Walang Kinikilingan at
Tapat sa Lahat 🥰

26/05/2026

Isang mapagpalang araw po sa mga minamahal naming mga kabarangay sa Barangay Zapote 1.

📢 MAGANDANG BALITA!

Handog po sa atin ng ating butihin at 24/7 City Mayor Strike B. Revilla sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at Public Employment Services Office, ang Basic Employment Skills Training (BEST) Camp.

Inaanyayahan po namin ang lahat na dumalo sa gaganaping seminar sa:

📅 Hunyo 4, 2026 (Huwebes)
🕗 8:00 AM – 5:00 PM
📍 3rd Floor, Revilla Hall, Bacoor Government Center, Bayanan, City of Bacoor.

📝 Para po sa registration,
maari po mag register sa link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdWNKRimTtltgJwzD4YGEgchc_9d5EbbScemCBpZcn8gNZlPA/viewform?usp=publish-editor

21/05/2026

PERMISSION TO POST ❤️

📢📢📢📢 MAG-ENROLL NA SA ALS ‼️✍️

Para po sa ating mga Bacooreñong Out of School youth and adults na gustong makapag-aral muli ng libre sa pamamagitan ng programa ng DepEd na Alternative Learning System - ALS (SY. 2026-2027) magpatala / mag-enroll na! 🙂

✔️ Para sa mga hindi nakapagtapos sa ELEMENTARYA (12 taong gulang pataas)

✔️ Para sa mga hindi nakapagtapos sa SEKONDARYA / JHS ( 16 taong gulang pataas)

1. Pumunta lamang dito sa Barangay Zapote 1.
2. Magdala ng photocopy birth certificate (PSA/NSO)
3. Report Card ( if available)
4. 1x1 and 2x2 ID picture

📌Maaari rin po kayong makipag- ugnayan sa ating ALS Teacher na si Sir TOM sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe o pagtawag sa FB, Messenger o sa numero ng telepono.

Ano pa ang inyong hinihintay? Tara na at malayang matuto!

📞(0969) 610 2437



❤️💚💙

21/05/2026

Mula po kay Punong Barangay Vivian Gawaran Ramirez & Council at sa lahat po ng bumubuo ng Barangay Zapote 1.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa aming butihin at 24/7 City Mayor, Strike B. Revilla, at sa buong What’s Kap Team ❤️❤️

Sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataong maipakita sa aming mga minamahal na kabarangay ang iba’t ibang programa, pang-araw-araw na aktibidad, serbisyo, at mga proyektong ating inilulunsad para sa kapakanan ng aming nasasakupan.

Makakaasa po kayo na patuloy pa po naming pagbubutihin at paiigtingin ang pagbibigay ng dekalidad, tapat, at pantay na serbisyo publiko tungo sa mas maunlad at mas progresibong Barangay Zapote 1 ❤️

14/05/2026

Paabiso po sa mga minamahal naming kabarangay sa Barangay Zapote 1

09/05/2026

Isang pagbati mula kay Punong Barangay Vivian Gawaran Ramirez and Council.

Isang maligaya at mapayapang pagdiriwang ng Fiesta sa ating lahat!

Sa gitna ng ating masayang selebrasyon, nawa'y manatili sa ating mga puso ang pasasalamat at pagkakaisa bilang isang komunidad. Sa gabay ng ating patron na si San Miguel Archangel, patuloy sana nating itaguyod ang kabutihan at malasakit sa isa't isa.

Ipagdiwang natin ang biyayang ito nang may kagalakan at pag-asa para sa MAS MAUNLAD AT PROGRESIBONG Barangay Zapote 1

09/05/2026

Sa mga nanay na laging may "baon" na payo, sa mga lola na taga-spoil ng apo, at sa mga single moms na kayang-kaya ang lahat— Isang malaking pagpupugay po sa lahat ng mga dakilang Ina ng ating Barangay.

Ang inyong pagmamahal ang nagbibigay-kulay at sigla sa ating sa bawat tahanan. Saludo po kami sa inyong dedikasyon at katatagan. Kayo ang tunay na MVP (Most Valuable Parent) ng ating komunidad.

Happy Mother's Day po sa mga kapwa ko Nanay sa Barangay Zapote 1 🥰🥰

Pagbati mula po kay Punong Barangay Vivian Gawaran Ramirez and Council

Want your business to be the top-listed Government Service in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Bacoor
4102