๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€-๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ

๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€-๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€-๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ, Government Official, Upper Ground Floor, Bacoor Government Center (Main Building)Brgy. Bayanan Bacoor Boulevard , City of Bacoor, Cavite, Bacoor.

Photos from ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€-๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ's post 03/06/2026

Masigasig na nagpartisipa ang Office of the Agricultural Services - Bacoor (OAS-Bacoor) sa katatapos lamang na Capability Building for City Peace and Order Council (CPOC) and City Drug Abuse Council/Secretariat. Ginanap ang aktibidad sa Fynn Boutique Hotel, Brgy. Panapaan 4, City of Bacoor, nitong Hunyo 1 at 2, 2026.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng City Local Government Operations Officer ng lungsod.

Inirepresenta ang OAS ni Mr. Joshua Villaluz, na bihasang Fishery Law Enforcer at Fish Examiner ng lungsod. Malaki ang misyong ginagampanan ng OAS-Bacoor sa paglutas ng problema laban sa Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing (IUUF) at iba pang krimen na may kaugnayan sa Fishery resources at fisherfolk.

Masigasig itong nilalabanan ng tanggapan habang nasa loob pa lamang ng municipal waters ng Bacoor upang hindi na maging problema sa iba pang karatig-bayan at lungsod.

Bukod dito, kabilang din sa mga tinututukan ng OAS ang pagsugpo sa banta ng mga makakaliwang grupo at ang paglaganap ng ilegal na droga sa sektor ng mga mangingisdang Bacooreรฑo.

Sa pamamagitan ng isinagawang pagsasanay, maayos na napag-usapan at naaprubahan ang mga Plans, Programs, and Activities (PPAs) na binalangkas at pinag-aralan ng OAS upang tugunan ang mga nabanggit na suliranin.Inaasahan na kagaya ng ilegal na pagdidinamita sa dagat, ang IUUF ay tuluyan na ring mabubura at masusugpo sa Bacoor Bay.

01/06/2026

NAGKAKAISANG MANDARAGAT NG BACOOR CITY


01/06/2026

BACOOR MANGROVE AREA โ€“ TIGNAN N'YO ANG BUNGA NG 19 TAONG PAGPAPAHIRAP!

โœจ ANG PINAKAMALAKING MANGROVE SA CAVITE โ€“ MULA SA MGA BAKAWAN PATUNGONG MALAKING PROYEKTO! โœจ

Tingnan nโ€™yo po! Ito po yung mga bakawan na tinanim natin 19 years ago, noong 2007 pa nung una kong naging mayor.

Ngayon, tayo na po ang may PINAKAMALAKING MANGROVE SA CAVITE! Hindi po natin inakala na magiging ganito kalaki at kalawak โ€“ simula pa noong una naming itinanim, taon-taon kaming nagtatanim at nag-aalaga hanggang ngayon.

Dito rin po mayroon tayong lugar para sa mga mangingisda โ€“ pwede silang magpark ng hanggang 300 bangka at may 200 puwesto libreng matutulugan. Protektado po sila rito kapag may bagyo, at meron pa tayong crab farming dito para dagdag kita ng mga kababayan.

Simula pa po noong 2007, pinaghirapan natin itong mangrove area โ€“ ngayon ay nasa 18 ektarya na, at target natin umabot ng 40-50 ektarya! Pinangangalagaan ito ng Lungsod ng Bacoor para sa mga mangingisda at proteksyon ng dagat natin.

Ingat po tayong lahat!โ€

As We Strike As One โ€” Dahil Sa Bacoor, At Home Ka Dito!

Photos from ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€-๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ's post 01/06/2026

ICYMI Matagumpay at makabuluhan ang naging kaganapan sa isang lecture workshop sa pagtitipon ng CBAP Cavite District 1 Bacoor Women. Ito ay binubuo ng labing-isang iba't-ibang churches.

Naging bahagi ang Office of the Agricultural Services sa nasabihing lecture workshop. Ang isa sa naging talakayin ay ang 'Vegetable Gardening at Hydroponics'. Ang layunin nito ay upang mapalawig pa ang kaalaman, kasanayan at maging daan ng pagkakakitaan at masustansyang pagkain ng pamilya.

Namahagi rin ang City Government of Bacoor - Office of the Agricultural Services ng agricultural inputs tulad ng organikong pataba (vermicast), mga gulay na pananim (seeds), at ilang hydroponics boxes, nutrient solutions, at seedling trays.

Sa natapos na kasanayan, malugod nilang tinanggap ang hamon na magsimula ng sariling vegetable garden at hydroponics.





31/05/2026

Isang Maligayang National Fisherfolk Day sa mga natatanging mangingisda ng Bacoor! ๐ŸŒŠ

โ€‹Mula sa panghuli ng isda, tahong, talaba, at iba pang yamang-dagat na ipinagmamalaki ng ating lungsod, ramdam namin ang inyong bawat patak ng pawis para sa inyong pamilya at para sa buong komunidad. ๐Ÿฆช๐ŸŸ
โ€‹Patuloy nating itaguyod, suportahan, at kilalanin ang kontribusyon ng ating mga bayani ng katubigan. Likas-kayang pangingisda para sa mas masaganang Bacoor!
โ€‹

31/05/2026

NGAYONG ARAW NG MGA MANGINGISDA ๐ŸŒŠ
"Mula sa Dagat, Para sa Bayan!"
Isang maikling AVP na handog ng Bacoor City Government, sa pamamagitan ng ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€-๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ , bilang pagpupugay sa kanilang walang sawang pagsusumikap at sa mga programang patuloy na sumusuporta sa sektor ng pangingisda.

Naratibo at Direksyon ni Joshua FCE R. Villaluz, RFP, DFW,FE
Sinematograpiya ni Mr. Kid Leviste at mga kasamahan sa City Information and Community Relations Department โ€“ Bacoor,
Sa pamumuno at buong suporta nina Mr. Allan G. Chua, Officer-in-Charge ng OAS-B, at Ms. Kristine Evangelista, Department Head ng CICRD-B.

Lubos na pasasalamat kay Mayor Strike B. Revilla, kay Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at sa buong Sanggunian Panlungsod ng Bacoorโ€”sa patuloy na malasakit at pagpapatatag ng mga programang para sa ating mga mangingisda.

Labis na pasasalamat rin kay Congw. Lani Mercado Revilla para sa patuloy na suporta at pag mamahal sa mga fisherfolk na Bacooreรฑo.

Sa dagat nagsisimula ang kwentoโ€ฆ at sa bayan itoโ€™y nagiging buhay.

29/05/2026

SUPORTAHAN NATIN ANG TINAPANG BANGUS NG MGA MANGINGISDA NG BACOOR!

Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay suportado po ito. Makikita po ito sa Barangay Digman-Kaingin โ€“ ang Tinapang Bangus na gawa ng ating mga mangingisda! Mabibili po ito dito sa nasabing barangay. Maraming salamat po sa mga asawa ng mga mangingisda na nag-aasikaso nito โ€“ sila po ang nagpapatakbo at kumikita dito. Suportahan po natin sila!

๐ŸŒŠ ISA PANG MAGANDANG BALITA!
Magtatayo po tayo ng COVERED AREA para sa ating Catfish Grow-Out Facility! Icocover po natin ito para makapaglagay ng maraming fish tank at mas mapadali ang pag-aalaga ng hito o catfish. Ito po ay magbibigay ng karagdagang kita para sa ating mga mangingisda habang sila ay nag-aalaga at nagbabantay dito!

Suportahan po natin ang mga negosyo at proyekto ng ating mga mangingisda!

As We Strike As One โ€” Dahil Sa Bacoor, At Home Ka Dito!

Photos from ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€-๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ's post 27/05/2026

Isang makasaysayang araw para sa sektor ng pangisdaan ng Bacoor City! ๐ŸŽฃโœจ

Matagumpay na isinagawa ang Blessing and Inauguration ng Fisherfolk Dormitory, Distribution of Fishing Paraphernalia, at Groundbreaking Ceremony ng kauna-unahang Catfish Grow-out Facility na pinangangasiwaan ng gobyerno at fisherfolk sa Cavite at buong Rehiyon ng CALABARZON.

Pinangunahan ito ng Ama ng Lungsod, Hon. Strike B. Revilla, kasama ang buong suporta ng Sangguniang Panlungsod Members ng Bacoor City, katuwang ang napakasipag na kinatawan ng 2nd District of Cavite na si Hon. Lani Mercado-Revilla at 2nd District of Cavite Board Member, Hon. Alde F. Pagulayan.

Dumalo rin ang mga pangunahing partner- stakeholders at main supporters ng Lungsod para sa mga programang ito. Ito ay pagpapahayag ng mas malalim pang pagsuporta at kooperasyon ng LGU Bacoor upang maging tuloy- tuloy ang pag-unlad ng sektor ng pangisdaan kasama sina Regional Director Sammy Malvas ng Department of Agriculture โ€“ Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region IV-A, Atty. Paul Sanggalang, Vice President ng Frabelle Fishing Corporation, at Atty. Joseph Literal Assistant General Manager ng Philippine Reclamation Authority.

Ang Fisherfolk Dormitory ay inaasahang magsisilbing malaking tulong at pahingahan para sa ating mga mangingisdang mula pa sa malalayong bayan upang mas maipagpatuloy nila ang kanilang hanapbuhay sa dagat. Isa itong natatanging proyekto bilang kauna-unahang konsepto na naisakatuparan sa buong CALABARZON.

Kasabay nito, malaking biyaya rin ang pamamahagi ng mga fishing paraphernalia na makatutulong upang mabawasan ang gastusin ng ating mga fisherfolk at mas mapalakas ang kanilang kabuhayan.

At higit sa lahat, buong pagmamalaking ipinapaabot ng OAS Bacoor ang nalalapit na pagsisimula ng Catfish Grow-out Facility โ€” isang makabagong proyekto na kauna-unahan sa Cavite at Rehiyon, tungo sa mas progresibo at mas matatag na sektor ng aquaculture at pangisdaan. ๐ŸŽ–๏ธ๐ŸŽ–๏ธ๐ŸŽ–๏ธ

Lubos din ang aming pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng Barangay Sinbanali sa pangunguna ni Caridad Sanchez para sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing aktibidad. Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa para sa kapakanan ng ating mga fisherfolk at mamamayan.






27/05/2026

BLESSINGS AND INAGURATIONOF FISHER-FOLKS DORMITORY



26/05/2026

MGA BACOOREร‘O! BLESSING NG TEMPORARY SHELTER DORMITORY PARA SA MANGINGISDA โ€“ MAY 27!

MGA MINAMAHAL KONG BACOOREร‘O! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™

SA HUNYO 27 (MAY 27) po ay magkakaroon tayo ng BLESSING para sa ating TEMPORARY SHELTER DORMITORY para sa mga mangingisdang Bacooreรฑo! ๐ŸŽŠ

Ito po ay bunga ng pagtutulungan ng Lungsod ng Bacoor, Department of Agriculture, at FRABELLE! May kapasidad po itong tumanggap ng humigit-kumulang 200 MANGINGISDA.

Hindi na po kailangang matulog kung saan-saan pa ang ating mga mangingisdang Bacooreรฑo โ€“ mayroon na po silang ligtas at maayos na lugar para magpahinga at maghanda para sa kanilang paglalayag. Kasama na rin po ang basic utilities โ€“ LIBRE PO ANG PAGTIRA DITO!

Bukod pa po rito, mayroon din tayong FISHERMAN'S WHARF malapit lang dito โ€“ pwede na po nilang iparada ang kanilang mga bangka.

Talagang magandang balita po ito para sa ating mga mangingisda! Ingat po kayo lagi!

๐Ÿ’™โค๏ธ As We Strike As One โ€” Dahil Sa Bacoor, At Home Ka Dito! ๐Ÿ’™โค๏ธ

Want your business to be the top-listed Government Service in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Upper Ground Floor, Bacoor Government Center (Main Building)Brgy. Bayanan Bacoor Boulevard , City Of Bacoor, Cavite
Bacoor
4102

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm