Alde Pagulayan

Alde Pagulayan

Share

Alagad ng bayan, naglilingkod sa sambayanan.

Photos from Alde Pagulayan's post 05/06/2026

Hello Bacoor!

Isang masayang araw para sa Bacooreñong mag-aaral! Sa pamamahagi ng bag at school suppplies sa Anibana Elementary School at Gov P.F. Espiritu Elementary School, nabigyan ng inspirasyon ang ating mga kabataan sa paparating na pasukan.

Kasama sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cong. Lani Mercado-Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Counc. Mike Bautista, Counc. Noly Galvez — na patuloy na nagbibigay suporta para sa kinabukasan ng bawat batang Bacooreño.



Photos from Alde Pagulayan's post 31/05/2026

Hello Bacoor!

Sinimulan ang Town Fiesta ng Citihomes Molino 4 sa pamamagitan ng makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya sa Our Lady of the Sacred Heart Parish.

Ipinagkaloob sa atin ang natatanging biyaya ng pamumuno ni Archbishop Chris John Brown, Papal Apostolic Nuncio to the Philippines, na nagbigay ng kanyang basbas at mensahe ng pagkakaisa at sama-samang pananalig ng ating komunidad. Kaisa sa pagdiriwang sina Kapitan Jeffrey Campaña, Councilor Rey Palabrica, Councilor Simplicio Dominguez, Councilor Horacio Brillantes, at HOA President Noel Gaelon na patuloy na nagbibigay suporta sa ating pamayanan.



27/05/2026

Hello Bacoor!

Isang makabuluhang araw para sa ating mga mangingisda! Sa pangunguna ni Allan G. Chua ng Office of Agricultural Services, matagumpay na isinagawa ang Blessing at Inagurasyon ng Fisherfolk Dormitory, pamamahagi ng mga kagamitang pangisda, at Groundbreaking Ceremony ng Catfish Grow-Out Facility.

Kaisa natin sa adhikain sina Hon. Caridad Sanchez, ang Brgy. Chairperson ng Brgy. Sinbanali, Regional Director Sammy A. Malvas mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 4A, at ang Frabelle Fishing Corp bilang katuwang sa pagpapaunlad ng industriya.

Kasama natin sa pagdiriwang sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cong. Lani Mercado-Revilla, at Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, na patuloy na nagbibigay suporta para sa ikauunlad ng sektor ng pangisdaan.



Photos from Alde Pagulayan's post 26/05/2026

Hello Bacoor!

Sa gitna ng krisis, muling sumibol ang pag-asa sa pamamagitan ng Reintegration Program at Kamustahan para sa ating mga OFW mula sa Middle East. Sama-sama nating itaguyod ang mas matibay na samahan na nakaugat sa pagkalinga at pagdadamayan.

Kasabay nito, isang makasaysayang hakbang ang naisakatuparan: Pormal na nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at PESO Bacoor, katuwang ang Department of Migrant Workers, ang MOA para sa pagtatatag ng OFW Center at DMW Cavite Provincial Office. Sa tulong ng Inter-Agency Convergence, masisiguro ang tuloy-tuloy na suporta, reintegrasyon, at proteksyon para sa ating mga OFW.

Ito ay patunay na ang pamahalaan at komunidad ay magkaagapay sa muling pagbangon, at patuloy na pagtataguyod ng bagong pag-asa para sa ating mga Bagong Bayani.



Photos from Alde Pagulayan's post 26/05/2026

Hello Bacoor!

Patuloy ang malasakit para sa ating mga nakatatanda sa tulong ng CSWD, matagumpay na naipamahagi ang Social Pension Payout para sa ating mga senior citizens.

Lubos ang pasasalamat sa pamumuno nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cong. Lani Mercado-Revilla, at Cong. Bryan ng Agimat Partylist, na walang sawang sumusuporta sa kapakanan ng ating kapwa Bacooreño.



Photos from Alde Pagulayan's post 26/05/2026

Hello Bacoor!

Equal Voices, Building Progress. Isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalawig ng kaalaman at pagtaas ng kamalayan, sa isinagawang legal seminar on gender based laws, at sa tamang reporting at referral mechanism ukol sa violence against women (vaw).



Photos from Alde Pagulayan's post 22/05/2026

Hello Bacoor!

Sa pangunguna nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Cong. Lani Mercado-Revilla, at Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, matagumpay na isinagawa ang Barangay Assembly para sa 2026 Ligtas Tigdas Campaign na naglalayong itaguyod ang kaligtasan at katatagan ng ating komunidad, kasabay ng masiglang pagpupulong kasama ang Local Youth Development Office (LYDO) at pakikiisa ng Samahan ng mga Bacooreñong Repormado (SBR) bilang paghahanda sa nalalapit na Brigada Eskwela upang sama-sama nating maisulong ang ligtas, maayos, at masiglang pagbabalik-eskwela para sa kabataang Bacooreño.



Want your business to be the top-listed Government Service in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Bayanan
Bacoor
4102