Barangay P.F. Espiritu IV

Call Directions Contact the organization

Barangay P.F. Espiritu IV Government Services

29/09/2026

Hi mga ka barangay update lang po
sa temporary account ni kap,
pwede nyo po sya imessage or i add po Zyvon Bautista .
tnx po😇

27/09/2026
23/09/2026

Good evening po .
Baka po may nag memessage or tumatawag po sa messenger ni kap Zy,
Pansamantala pong hindi gumagana ang kanyang Messenger.
pwede nyo po syang contakin sa number nya po kung may mga tanong or concern po .
Kap. Zy 09772172565.

Thanks po!

WHAT: DISTRIBUTION OF STUBS for SOLO PARENT FINANCIAL SUBSIDY📆WHEN:  SEPTEMBER 10,2026⏰📍WHERE: OLD PANAPAAN 2 BARANGAY H...
09/09/2026

WHAT: DISTRIBUTION OF STUBS for SOLO PARENT FINANCIAL SUBSIDY

📆WHEN: SEPTEMBER 10,2026
⏰
📍WHERE: OLD PANAPAAN 2 BARANGAY HALL (ACTION CENTER 2)

SCHEDULE FOR BARANGAY:

9AM TO 10AM - ANIBAN 1 AND 2
10AM TO 11AM - NIOG
1PM TO 2PM - ZAPOTE 1 TO 3
2PM TO 3PM - PANAPAAN 1 AND 2
3PM TO 4PM - PANAPAAN 3 AND 4
4PM TO 5PM - PANAPAAN 5 AND 6
————-

⁉️FAQs:

ANO PO ANG MGA DAPAT DALHIN SA PAGKUHA NG STUB:

1. Kung SOLO PARENT BENEFICIARY po mismo ang kukuha:

✅Photocopy of Solo Parent ID with 3 signature

2. For AUTHORIZED REPRESENTATIVE para sa beneficiary na hindi makakarating:

✅Authorization Letter

✅Photocopy of ID with 3 signature (claimant and bene)

MEDICAL MISSION | SEPTEMBER 1, 2026Isang matagumpay at makabuluhang Medical Mission ang isinagawa noong September 1, 202...
02/09/2026

MEDICAL MISSION | SEPTEMBER 1, 2026

Isang matagumpay at makabuluhang Medical Mission ang isinagawa noong September 1, 2026, na naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Ang serbisyong pangkalusugan ay mas nagiging makabuluhan kapag ito ay abot-kamay, sama-sama, at para sa lahat.

💚 Kalusugan ay kayamanan—alagaan, pahalagahan, at sama-samang isulong!






🩺❤️ LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ATING BARANGAY! ❤️🩺Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay P.F. Espiritu ...
28/08/2026

🩺❤️ LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ATING BARANGAY! ❤️🩺

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay P.F. Espiritu 4 na makiisa sa ating MEDICAL MISSION ngayong September 1!

📍 Health Center – Sitio Panapaan 5, P.F. Espiritu 4
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
🩻 Chest X-Ray hanggang 4:00 PM

🏥 MGA SERBISYONG HANDOG:

✅ PhilHealth YAKAP
✅ Libreng Medical Consultation
✅ Chest X-Ray
✅ Dental Check-up & Extraction (Bunot)
✅ ECG
✅ Family Planning – Implant

Huwag palampasin ang pagkakataong mapangalagaan ang inyong kalusugan. Libreng serbisyo para sa ating mga kabarangay!

❤️💙 Ang inyong kalusugan, aming prayoridad!
Makiisa, magpatingin, at alagaan ang kalusugan ng buong pamilya!

📌 ASPIRANT'S BRIEFINGPlanning to run in the upcoming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026? Make sure ...
26/08/2026

📌 ASPIRANT'S BRIEFING

Planning to run in the upcoming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026? Make sure you start your journey informed, prepared, and ready.
The Comelec Bacoor invites all interested BSKE 2026 aspirants to attend our: ASPIRANT’S BRIEFING
This briefing will help you better understand the rules, requirements, and responsibilities that come with running for public office.

📌 WHAT YOU’LL LEARN:
🔹 Election Laws and Rules
🔹 Qualifications and Disqualifications
🔹 Filing of Certificates of Candidacy
🔹 Campaign Regulations
🔹 Filing of SOCE
🔹 Other Important Reminders

We strongly encourage all aspirants to arrive early so you can register, settle in, and be properly prepared before the briefing begins.
Remember: Being a good candidate starts with knowing the rules. Understanding the process today can help you become a more responsible and informed public servant tomorrow.
✨ Know the rules. Be informed. Be ready.
See you 🫶🏻






📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAYMagkakaroon ng scheduled maintenance na maaaring magdulot ng pansamantalang pagkaw...
25/08/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY

Magkakaroon ng scheduled maintenance na maaaring magdulot ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng Bacoor City.

📅 Agosto 27–28, 2026 (Huwebes hanggang Biyernes)
🕚 11:00 PM hanggang 4:00 AM

Apektado ang ilang bahagi ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway at Gen. Tirona Highway, kabilang ang mga lugar sa Brgys. Panapaan VI at Habay I & II, pati na rin ang Andrea Village I & I-A, Sta. Lucia Subd., Phil Acres Village, at SM City Bacoor.

Ang maintenance ay bahagi ng reconstruction of facilities upang mapabuti ang serbisyo ng kuryente.

🔔 Mangyaring maghanda at ipaalam ito sa inyong mga kapamilya at kapitbahay. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

10/08/2026

🩷💉 LIGTAS TIGDAS, SAMA-SAMA NATING ISULONG! 💉🩷
📍 Barangay P.F. Espiritu IV, Bacoor City, Cavite

Ang tigdas (measles) ay isang nakahahawang sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Kaya naman, sama-sama nating protektahan ang ating mga anak laban sa tigdas! 👶🧒❤️

📢 MGA MAGULANG, MAKIPAG-UGNAYAN SA ATING BARANGAY HEALTH CENTER!
Siguraduhing kumpleto at napapanahon ang bakuna ng inyong mga anak.

Bakuna + Wastong Nutrisyon = Mas Malusog na Bata!
Bigyan ang ating mga anak ng masustansyang pagkain, sapat na pahinga, malinis na tubig, at regular na health check-up upang mapalakas ang kanilang kalusugan.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap Zyvon, katuwang ang council, ang ating Midwife, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Center at Barangay Nutrition Committee, patuloy nating isinusulong ang kalusugan, nutrisyon at proteksyon ng bawat bata sa ating komunidad.

💗 Ligtas na bata. Malusog na pamilya. Ligtas na Barangay PF Espiritu IV!

📌 MAGPABAKUNA. MAGING MAPAGMATYAG. MAGING LIGTAS SA TIGDAS!







SA PANAHON NG BAGYO, ANG SERBISYO AY HINDI NAGHIHINTAY. 🤝💙Nang dumaan ang bagyo at baha sa ating lugar noong nakaraang l...
10/08/2026

SA PANAHON NG BAGYO, ANG SERBISYO AY HINDI NAGHIHINTAY. 🤝💙
Nang dumaan ang bagyo at baha sa ating lugar noong nakaraang linggo, agad na kumilos ang Barangay PF Espiritu 4 upang matiyak na hindi mapapabayaan ang ating mga kabarangay.

🛶 Naghanda tayo ng mga bangka para sa pag-assist at agarang pagresponde sa mga nangangailangan.
🥣 Nagpaabot tayo ng masustansyang lugaw na may gulay upang may mainit at masustansyang pagkain ang ating mga kabarangay.
🧹 Patuloy ang paglilinis at pag-aayos ng mga drainage upang makatulong sa pagdaloy ng tubig at mabawasan ang epekto ng pagbaha.
👀 Tuloy-tuloy ang monitoring ng ating barangay upang mabilis na maaksyunan ang anumang pangangailangan.
🏠 Inasikaso at tinutukan natin ang mga kabarangay na kinailangang lumikas at manatili sa evacuation areas.

At sa tulong ng City Government of Bacoor, nakapaghatid din tayo ng pagkain at relief assistance para sa ating mga evacuees.

Bilang isang komunidad, hindi natin hinahayaan na may maiwan at mapabayaan. Sa panahon ng sakuna, mahalaga ang mabilis na aksyon, maayos na koordinasyon, at higit sa lahat, ang malasakit sa bawat pamilya.

Patuloy tayong magiging handa, maagap at kasama ninyo sa bawat pagsubok.

Barangay PF Espiritu 4 — Serbisyong may malasakit, pamumunong laging naririto para sa komunidad. 💙🇵🇭

Address

Doña Andrea Avenue
Bacoor
4102

Telephone

+639190770907

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay P.F. Espiritu IV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay P.F. Espiritu IV:

Shortcuts

Share