05/06/2018
Youth Reform Movement Philippines
Youth Reform Movement PH is a group of young Filipinos that aim to promote social and political reforms in the government and among its constituency.
The group also wishes to inculcate the culture of shared destiny among Filipino youth by implementing programs that will allow them to participate and learn. The group intends to provide an opportunity to its members to engage themselves in pursuing reforms that will benefit the nation in general.
05/06/2018
Youth Reform Movement Philippines
05/06/2018
MAKIBEKI, MAKIWARLA, HUWAG MASHOKOT!
Ang buong Youth Reform Movement – Philippines (YRM PH) ay nakikiisa sa buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng taunang Pride Month ngayong buwan ng Hunyo. Muli, pagkakataon natin ito upang iladlad ang makulay nating kapa na hinabi mula sa ating mga kawsa at nilikha ng karaniwang mamamayang matagal nang lumalaban para sa pagpapaunlad sa pansariling kakayahan ng bawat isa upang may maiambag sa pagsulong ng ating pamayanan nang walang anumang panghuhusga at diskriminasyon na magiging balakid dito.
Sa isang konserbatibong bansa katulad ng Pilipinas, suntok sa buwan sa unang banda na buwagin ang diskriminasyon sa kasarian. Nagiging batayan ng paghahambing sa antas ng kalakasan at katalinuhan ang kasarian kung kaya’t kalalakihan ang itinuturing na higit na matapang, malakas, matalino, at may kakayahan kaysa sa kababaihan. Ito ang nakagisnang paniniwala na unti-unting naikintal sa isip ng mga nakatatanda: na kaya ng lalaki na lampasan ang mga babae at iba pang kasarian.
Suntok sa buwan nga ngunit unti-unti na rin itong nabuwag. Babae o lalaki ay may pantay na oportunidad na makapag-aral, makapaghanapbuhay, makaboto, at maging lideres sa mga kumpanya o sa pamahalaan.
Lumawak ang saklaw ng laban ni Juana! Naging inspirasyon siya sa kabaklaan, katomboyan, sa mga bisexual, transgender, qu**rs, asexual, pansexual o kahit mismo sa mga straight ngunit kakampi natin para sa pagkakapantay-pantay.
Kung ihahambing sa mga kababaihan, hindi ligtas sa diskriminasyon at panghuhusga ang mga kapatid natin sa LGBT+. Dahil sa itinuturing silang “iba” ng konserbatibong lipunan, hindi sila naiintindihan ng ating mga kababayan. Itinuturing na salot o kahihiyan sa kanilang pamilya. Nagiging sentro ng mapamintas na katatawanan. Nagiging biktima ng pagsasamantala. Napagkakaitan ng pagkakataong makahanap ng trabaho o makapagtayo ng negosyo dahil sa umano’y pagkakaiba sa kasarian. Napagkakaitan ng karapatan na maikasal sibil at magkaroon ng sariling pamilya dahil sa kawalan ng batas na may pagkiling sa kanila.
Dahil iba sa nakagisnan ang pagiging bakla, tomboy, o ano pa man, napagdududahan ang kakayahan ng ating mga kapatid na mabuhay nang marangal kagaya ng babae at lalaki.
Nawa’y maging instrumento nila tayo ng pag-asa upang mabago ang lipunan. Inaaanyayahan ang lahat na magkapit-bisig at manindigan para sa pagkakapantay-pantay sa kabila ng pagkakaiba sa kasarian, lahi, kulay, o antas ng buhay.
Ipinapanawagan nating maipasa na bilang batas ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill. Layon nito na lawakan pa ang kaalaman ng bawat Pilipino tungkol sa sekswalidad. Gayundin, isulong natin ang pagbabago sa depinisyon ng “marriage” sa ating Family Code upang masama roon ang same-sex civil unions. Pantay din na karapatan sa pagkakaroon ng sariling pamilya at sa ari-arian kagaya ng ordinaryong mag-asawa ang layon nito.
Ngunit, kasama ng mga proteksyon legal, malawak na pag-iisip pa rin ang gagamot sa sakit ng lipunang idinulot ng panghuhusga at diskriminasyon. Walang puwang sa pagiging Pilipino ang pagkakaroon ng isang makitid na pang-unawa.
Ibandila ang kulay ng pag-asa. Makibeki! Makiwarla! Huwag mashokot!
12/12/2017
Itutuloy ng Youth Reform Movement-PH (dating Youth for Miriam) sa pakikipagtulungan ng Bayani, Inc. ang taunang pamaskong bigas ng yumaong Sen. Miriam Defensor Santiago. Ang taunang programa ng senadora ay tradisyon na, kaya't minabuti ng aming grupo na ipagpatuloy ang ligayang inihahatid ng senadora sa mga maralitang pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas tuwing kapaskuhan.
Samahan at tulungan nyo kaming ipagpatuloy ang taunang pamaskong bigas ni Sen. Miriam. Iparamdam ang pagmamahal natin kapwa natin Pilipino. Para sa donasyon contact-in lang ang mga sumusunod:
Ej Clamor | 0929-481-6250
Carlo Salonga | 0927-743-2497
02/10/2017
PAMASKONG BIGAS NI MIRIAM 2017 HANDOG NG YRM-PH AT BAYANI INC.
Lingid sa kaalaman ng nakararami noong nabubuhay pa si Sen. Miriam tuwing kapaskuhan ay nagbibigay siya ng pamaskong bigas sa mga maralitang Pilipino. Bilang pagpapatuloy sa kanyang programa at adbokasiya muling ilulunsad ng YRM-PH ang Pamaskong Bigas ni Miriam sa ikalawang pagkakataon. Minabuti ng grupo na makipagtulungan sa BAYANI INC. na tumulong din sa kampanya ng senadora noong 2016 election. Ang mga benepisyaryo ng pamaskong bigas ni Miriam 2017 ay ang indigent communities sa lalawigan ng Cavite.
Para sa inyong donasyon at tulong, kausapin lang ang mga sumusunod:
EJ-09294816250
AC-09267432497
23/09/2017
Come and Join the Remembering of the One and Only Iron Lady of Asia
17/09/2017
Miriam is Forever We Love you Mommy Miriam and Daddy Jun For Life :) :) :)
17/09/2017
True Change is Coming
08/06/2017
In commemoration of the 72nd Birth Anniversary of the late Senator Miriam Defensor Santiago, there will be a Holy Mass on June 15, 2017, Thursday at 9:30 AM at the Loyola Memorial Park in Marikina City.
This event is open to public.
Thank you.
24/04/2017
Tayo po ay maki isa sa Million Volunteer Run 4 ng Philippine Red Cross salamat po :)
16/02/2017
Ano po ang masasabi nyo???
02/02/2017
Calling all Youth Leaders from the City of Stars!
Be part of the biggest gathering of QC's Youth Leaders!
Join the Quezon City Youth Reform Congress 2017
will be held on March 4, 2017 Saturday, 7:00am to 4:00pm at the Bulwagang Amoranto, 3/F Quezon City Hall.
Register now by clicking the link below.
https://docs.google.com/…/1FAIpQLScn4rk9wivzHKK70T…/viewform
07/01/2017
I'm Proud to Say