30/05/2026
Isang napakalaking pasasalamat sa lahat ng nakiisa at lumahok sa ating Community Education on Disaster Awareness and Preparedness Seminar. Ang pagkakaroon ng ligtas at handang komunidad ay nagsisimula sa tamang kaalaman at kahandaan, at ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng ating sama-samang malasakit para sa kapakanan ng bawat isa.
Lubos din ang ating pasasalamat sa ating laging nandiyan na si Mayor Strike B. Revilla at kay BDRRMO Head Richard Quion sa pagpapahiram sa atin ng isang mahusay na resource speaker, si Mr. Johnny Garcia. Maraming salamat, Sir Johnny, sa pagbabahagi ng inyong kaalaman na nagbigay sa amin ng mahahalagang kasanayan para manatiling ligtas at laging handa.
Espesyal na pasasalamat din sa PRC 143 Dulong Bayan na pinangungunahan ni Chief Mark Tayco sa inyong walang sawang pagsuporta at dedikasyon sa paglilingkod sa ating komunidad.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pakikilahok ng bawat isa, patuloy nating binubuo ang isang mas ligtas, mas matatag, at mas handang komunidad laban sa anumang sakuna.
SAMA-SAMA TAYO SA SERBISYONG SUBOK, SERBISYONG PARA SA LAHAT! TULUY-TULOY ANG PAGBABAGO SA BAGONG BARANGAY DULONG BAYAN!
28/05/2026
Ligtas ang may alam!
Everyone is invited to attend our upcoming Community Education on Disaster and Risk Resilience.
Let's work together to keep our families and our community safe, prepared, and resilient against natural disasters.
ποΈ When: May 29, 2026 (Friday)
π Where: Dulong Bayan Covered Court
β° Time: 2:00 PM - 5:00 PM
This event is brought to you by Barangay Dulong Bayan, City of Bacoor, and the BDRRM.
See you there, Ka-Barangay!
26/05/2026
MAGANDANG ARAW AT MAGANDANG BALITA!
Para sa mga qualified college students ng Bagong Barangay Dulong Bayan, mayroon po tayong LIMANG (5) SLOTS para sa Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program.
Kung ikaw ay isang incoming 4th year college student, maaari kang mag-qualify sa programang ito.
Para sa karagdagang detalye, maaaring magtungo sa Barangay Hall.
MAY 27, 2026
9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon
Magkakaroon po ng screening at interview.
Huwag kalimutang magdala ng proof na kayo ay incoming 4th year student.
Maraming salamat po!
SAMA-SAMA TAYO SA SERBISYONG SUBOK, SERBISYONG PARA SA LAHAT! TULUY-TULOY ANG PAGBABAGO SA BAGONG BARANGAY DULONG BAYAN!
24/05/2026
BARKADA- Barangay At Kalinisan Day
Sapang Palay Street
CLEAN-UP DRIVE WEEK 21 para sa taong 2026
Tuluy-tuloy ang ating sama-samang pagkilos para mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating barangay. Sa bawat pakikiisa at pagtutulungan ng ating mga kabarangay, mas napapangalagaan natin ang ating kapaligiran.
DILG IV-A, DILG Cavite, DILG Philippines
SAMA-SAMA TAYO SA SERBISYONG SUBOK, SERBISYONG PARA SA LAHAT! TULUY-TULOY ANG PAGBABAGO SA BAGONG BARANGAY DULONG BAYAN!
20/05/2026
PHILHEALTH ID RELEASE ANNOUNCEMENT!
Attention to all residents of Barangay Dulong Bayan!
Maaari nang kunin ang inyong mga PhilHealth ID sa ating Barangay Hall.
Schedule: MONDAY TO FRIDAY
Time: 8:00 AM β 5:00 PM
Mangyaring magdala ng valid ID o authorization letter kung kukuha para sa kapamilya.
Maraming salamat po.
SAMA-SAMA TAYO SA SERBISYONG SUBOK, SERBISYONG PARA SA LAHAT! TULUY-TULOY ANG PAGBABAGO SA BAGONG BARANGAY DULONG BAYAN!
20/05/2026
Happy Birthday, Ate Charm Grayblas! π
Ang aming napakasipag na Barangay Secretary, na laging maaasahan sa bawat tungkulin at responsibilidad sa ating barangay. Isa sa Top 5 Best Performing Secretaries sa buong Lungsod ng Bacoorππ»
Maraming salamat Ate sa iyong tapat at walang sawang paglilingkod sa ating barangay. Hiling po namin na pagpalain ka ng mabuting kalusugan,at mas marami pang tagumpay sa iyong personal na buhay at paglilingkod sa ating Barangay.
Muli po, Happy Birthday and We love you Sec Charm!π₯°