02/06/2026
๐๐๏ธ ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ฌ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐๏ธ๐
๐
When: Friday, June 5, 2026
๐Where: Barangay Hall Zone 4 (9:00AM โ 12:00NN)
Barangay Hall Zone 3 (1:00PM โ 4:00PM)
Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing gamit sa pag-aaral upang mas maging handa sila sa bagong taong panuruan.
Paalala po na dalhin ang stubs na inyong natanggap noong kayo ay nagpalista para sa mas mabilis at maayos na daloy ng distribution. Magkaiba ang oras ng distribution sa Zone 3 at Zone 4, mangyaring magpunta sa tamang lugar at oras kung saang Zone kayo nakatira. ๐๏ธ
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon ng ating kabataan! โจ
31/05/2026
๐ฆท SUCCESSFUL DENTAL SERVICE! ๐ฆท
Mula sa pamunuan ng Barangay Zapote 2, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Kap. Edwin Torres at ng buong konseho, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na FREE DENTAL CLEANING AND FLUORIDE APPLICATION.
Lubos din po ang aming pasasalamat kina Dra. Jhoana Torres-Llave at Ms. Kiarra sa kanilang oras, dedikasyon, at malasakit sa kalusugan ng ngipin ng ating mga kabarangay.
Ang serbisyong ito ay patunay ng ating patuloy na pagkakaisa upang mapanatili ang mabuting kalusugan ng bawat isa.
โจ "Strong Teeth, Brighter Smiles, Happier Lives!" ๐๐ฆท
30/05/2026
Isa na naman pong matagumpay na pagdaraos ng ating Barangay Assembly!
Mula po sa pamunuan ng Barangay Zapote 2, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Barangay Assembly. Ang inyong pakikilahok at suporta ay nagpapakita ng pagkakaisa at malasakit para sa ikauunlad ng ating komunidad.
Bagama't nagkaroon ng isang trahedya, ipinakita natin na sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa, at pananampalataya, ang anumang pagsubok ay ating malalampasan. Tunay ngang "Better Late Than Never" โ mahalaga ang bawat pagkakataong tayo ay magsama-sama para sa kapakanan ng ating barangay.
Muli, maraming salamat sa ating mga Barangay Staff, Barangay Tanod, 4P's Members, Senior Citizens, Persons with Disabilities (PWDs), Lupon Tagapamayapa, at sa ating mga kapatid na Muslim na walang sawang sumusuporta at nakikiisa sa mga programa at gawaing pambarangay.
Ang tagumpay ng ating Barangay Assembly ay tagumpay ng buong Barangay Zapote 2.
Maraming salamat po at mabuhay ang Barangay Zapote 2! ๐๐
28/05/2026
๐ฆท FREE DENTAL SERVICE (Zapote 2 resident)
๐
May 31, 2026 (Sunday)
โฐ 9:00 AM onwards
๐ Barangay Zapote 2, Zone 4 (half-covered court)
Services:
โข Fluoride application starts @ 9:00 am
โข Tooth cleaning (oral prophylaxis) registration start @ 9am cut-off time 1:00pm (limited slots only)
โ ๏ธ What to expect (important)
โข First-come, first-served โ arrive early (before 9 AM if possible)
โข Limited slots only
โข Basic services only (no braces, no major surgery)
โข You may need:
o Face mask
o ID / barangay resident confirmation (sometimes required)
________________________________________
๐ Tips so you donโt miss out
โข Bring water and patience (waiting time can be long)
27/05/2026
Naalala nyo po ba si Nanay Conchita Sedonio?
Sya po ang Senior Citizen na pagala gala sa labas ng dating Barangay Hall ng Zone 3 na atin pong kinupkop at inalagaan.
Sya po ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Malasakit. At kahapon, kami po ay nagpapasalamat na naging maasyos ang kanyang check up sa STRH.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tumulong kay Nanay Conchita. Mula kay Mayor Strike, CSWD sa pangunguna ni Reymar Regalachuelo Cruz, sa ating butihing Kapitan Edwin Torres, Kapitana Joy Torres sa pag aassist at sa ating Driver na si Andy Pilar.
Maraming salamat po sa inyong tulong at malasakit kay Nanay Conchita. Pagpalain po kayo.
27/05/2026
Maligayang pagdiriwang ng Eidโl Adha sa ating mga kapatid na Muslim! ๐โจ
Nawaโy mapuno ng kapayapaan, pagmamahalan, kasiyahan, at masaganang biyaya ang bawat tahanan.
Nawaโy patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal sa inyong pananampalataya at sakripisyo.
Mula po sa Pamunuan ng Barangay Zapote 2, taos-pusong pagbati ng isang mapayapa at makabuluhang Eid Mubarak! ๐โจ
26/05/2026
๐๏ธ๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐ฆ ๐๐๏ธ
Maganda araw, ka-barangay!
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, magkakaroon po tayo ng pamimigay ng school supplies para sa mga mag-aaral.
๐๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐ฏ๐:
๐
May 29, 2026
๐ญ๐ผ๐ป๐ฒ ๐ฏ: โฐ 10:00AM โ 12:00NN
๐SK Office
๐ญ๐ผ๐ป๐ฒ ๐ฐ: โฐ 3:00PM โ 5:00PM
๐Barangay Hall
โผ๏ธ๐๐๐ฅ๐ฆ๐ง ๐๐ข๐ ๐, ๐๐๐ฅ๐ฆ๐ง ๐ฆ๐๐ฅ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ข๐๐๐๐ฌ
*Magpunta on time para magpalista at makakuha ng stub. Limited lang ang school supplies kaya limited lang ang stubs.
Elementary:
200 stubs Zone 3
200 stubs Zone 4
Junior High School:
100 stubs Zone 3
100 stubs Zone 4
Senior High and College:
80 stubs Zone 3
80 stubs Zone 4
๐ฅ๐๐ค๐จ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ง๐ฆ:
โขSchool ID (A.Y 2025โ2026)
โขKahit anong patunay na ang estudyante ay aktibong mag-aaral (Report Card/School Card, Resibo ng Enrollment/Proof of Enrollment)
โขResidente ng Brgy. Zapote 2
๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฒ๐:
Elementary
๐
June 3, 2026
Zone 4: โฐ 8:00AM โ 11:00AM
๐ Barangay Hall
Zone 3: โฐ 1:00PM โ 5:00PM
๐ Barangay Hall (Zone 3)
Junior High to College
๐
June 6, 2026
โฐ TBA
๐TBA
25/05/2026
Ang pamunuan po ng Bagong Barangay Zapote 2 ay lubos na nag papasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maging matagumpay ang ating Sagala 2026.
Special Thanks
Councilor Levy Tela, Madam Agnes Irinco and Sir Ronald, Mr. Nemer Perez from RedFber sa pag sponsor po.
Nagpapasalamat din po kami sa lahat magulang, participants, escorts, at brgy staff at sa lahat ng bumuo ng programang ito. Ang inyong oras, effort, at suporta ang naging daan upang maging masaya, maayos, at makabuluhan ang ating pagdiriwang.
Maraming salamat din po sa ating mga barangay officials at sa buong komunidad na walang sawang nakikiisa sa mga gawaing nagbibigay saya at pagkakaisa sa ating lugar.
Nawaโy magpatuloy ang ating pagtutulungan at pagkakabuklod para sa mga susunod pang programa at selebrasyon.
Muli, taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat! ๐โจ