Barangay Habay II

Barangay Habay II

Share

A Local Government unit. Addressing the needs of its residents and implementing community programs. HABAY 2 : 09154657802
PNP : 09777520819
BFP : 09666959711

Photos from Barangay Habay II's post 01/06/2026

📚🏫 BRIGADA ESKWELA 2026 | HABAY ELEMENTARY SCHOOL

Sa diwa ng bayanihan at pagtutulungan, matagumpay na nakiisa ang ating Barangay Habay 2 sa Brigada Eskwela 2026 ng Habay Elementary School.

Kasama ang ating mga Barangay Tanod, at HABAY II Emergency Response Team (ERT), nagsagawa tayo ng iba't ibang gawaing paghahanda upang masiguro ang ligtas, maayos at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagbubukas ng klase.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Punong Barangay Miles Bautista-Querijero At Barangay Council, bilang patuloy na suporta sa edukasyon at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras at serbisyo. Ang inyong malasakit at pagkakaisa ay patunay na ang tagumpay ng ating mga kabataan ay tagumpay ng buong komunidad.

Photos from HABAY II Emergency Response Team 's post 01/06/2026
Photos from Bacoor City Department of Tourism and Cultural Affairs's post 29/05/2026

Mga Kabarangay,

Kayo po ay inaanyayahan ng City of Bacoor Tourism Department na sumali sa kanilang patimpalak.

Kung may mga katanungan po, nakasaad sa ibaba ang kanilang impormasyon para sa inyong gabay at pakikipag-ugnayan.

Photos from Barangay Habay II's post 28/05/2026

Continuation of Clean Up Drive.

28/05/2026
28/05/2026

Ceremonial Launch and Turnover of FREE PUBLIC INTERNET ACCESS Programs Site.

Photos from Barangay Habay II's post 28/05/2026

Paalala po sa ating mga Kabarangay na ang pag susunog o pagSisiga ng basura ay mahigpit pong ipinag babawal.

Ito po ay nakakasama sa kalusugan at pwedeng pag mulan ng sunog.

Agad na pinuntahan ang nasabeng report kasama ang Barangay at mga myembro ng HABAY II Emergency Response Team upang agad apulahin ang apoy at makapgbigay ng impormasyon ukol rito.

24/05/2026

Mag ipon na po tayo ng Tubig.

Photos from Barangay Habay II's post 21/05/2026

Patroling sa Gabe 🫡

Photos from Barangay Habay II's post 20/05/2026

4 Days Clean-Up Drive 🌿

Ang malinis na komunidad ay hindi lamang simbolo ng kaayusan, kundi repleksyon ng pagmamahal, respeto, at malasakit ng bawat mamamayan para sa susunod na henerasyon. Sama-sama nating panatilihing ligtas, maunlad, at maipagmamalaking tahanan ang ating Barangay Habay 2.

Sa apat na araw ng tuloy-tuloy na paglilinis, kasama ang buong masisipag at dedikadong grupo ng Peace-Corp|Tanod ng Barangay Habay 2 sa pangunguna ni Punong Barangay Miles Bautista-Querijero, na ang tunay na pagkakaisa at malasakit sa komunidad ay kayang magdulot ng malaking pagbabago. Naging matagumpay ang pagsasaayos at paglilinis ng ating mga ilog at kalsada upang mapanatiling ligtas, maayos, at malinis ang ating kapaligiran.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa pakikipagtulungan ng PENRO – Provincial Environment and Natural Resources Office, sa walang sawang suporta ng ating mahal na Mayor Strike B. Revilla , at sa Barangay Salinas 2 sa pangunguna ni Kap. Mark Guerrero Torno kasama ang kanyang mga tanod. Ang inyong pakikiisa at malasakit ay tunay na inspirasyon sa pagpapatibay ng diwa ng bayanihan at pagmamahal sa komunidad.

Sa panahon ng tag-ulan, higit nating kailangan ang disiplina, pagkakaisa, at pananagutan ng bawat mamamayan. Ang simpleng tamang pagtatapon ng basura, pakikiisa sa mga clean-up activities, at pangangalaga sa ating kapaligiran ay malaking ambag upang maiwasan ang pagbaha at sakit.

Want your business to be the top-listed Government Service in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Sagana Road, Barangay Habay II
Bacoor
4102