30/11/2023
Ngayong araw, November 30, 2023 ang huling araw ng aming panunungkulan bilang Sangguniang Kabataan ng Queens Row East sa pamumuno ng inyong lingkod, SK Chairman Karina Mae Abigan, kasama ang SK Members - Bunso Adonis, Melvin Adonis, Rezy Mariano, Isay Cabangon, Jeremae Alico, Dann Pandato, Camille Espartero, Edziel Atienza at Desiree Bartolabac.
Limang taon at limang buwan na paglilingkod. Maraming salamat sa bawat Kabataan na nagluklok sa amin sa pwestong ito. Nag-uumapaw ang aming puso sa pasasalamat sa lahat ng naniwala, nakiisa at sumuporta sa bawat projects at activities. Paulit ulit namin babalikan ang mga alala kasama kayong lahat. MARAMING SALAMAT!
Maraming salamat din Mayor Strike Revilla , Cong. Lani M. Revilla , Vice Mayor Rowena Mendiola-Bautista sa ating mga konsehal ng bayan, maraming salamat sa lahat ng suporta.
Maraming salamat din sa ating SK Federation President, Mac Raven Espiritu at LYDO Angie Cariaso , sa pagabay at suporta. At kay Sir Andrianne Mark Ng na kauna unang nagbahagi sa amin ng kaalaman sa serbisyong publiko. MARAMING SALAMAT.
Maraming salamat din sa lahat ng mga ating bantay bayan, Barangay Secretary Joan Castro, Barangay Staff at lahat ng Barangay employees, sa mga tulong at pag-alalay.
Higit sa lahat, maraming salamat sa aming Kapitan, SIEGFRED DE LEON. Sa lahat ng payo, paggabay, pagsuporta at pagtitiwala. Naging isang kaibigan, ama at kuya sa aming lahat. Maraming salamat Kap Sieg.
Muli, KABATAAN NG SILANGAN, MARAMING SALAMAT. Buong puso namin ipagmamalaki, na minsan kaming naglingkod sa mga Kabataan ng ating Barangay. Hanggang sa muli!
SK QUEENS ROW EAST 2018-2023 NOW SIGNING OFF.
09/11/2023
HANAP MO BA AY TRABAHO?
Ano pa ang hinihintay mo? Mag-apply na sa ating STRIKE A JOB FAIR!
Para sa ibang detalye, bisitahin lamang ang link na ito:
https://csc.gov.ph/career/index.php
Abangan ang iba pang anunsyo ukol sa mga bakanteng posisyon sa City Government of Bacoor.
03/11/2023
SOON-TO-OPEN
New Home for the People of Barangay Queens Row East
Ang pinakamagandang LEGACY na maipagmamalaki natin na inihahandog at pamana, bunga ng pagsisikap at maayos na pamumuno ni KAPITAN SIEGFRED DE LEON para sa lahat ng residente ating Barangay, lalong lalo na para sa ating mga anak. Kasama ang kanyang Konseho:
Kagawad Ricky Vasquez
Kagawad Randy Soco
Kagawad Theodore Montes
Kagawad Danny Saez
Kagawad Carlito Limboy
Kagawad Nestor Tuballas
Kagawad Precy Condong
SK Chairman Karina Mae Abigan at Konseho
Treasurer Boy Montilla
Secretary Joana Castro
Simbolo ng maayos, matatag at disiplinadong liderato at Serbisyong Ramdam ng Tao!
Ito po ay tahanan ng mamamayan ng Queens Row East! ito po ay ating ingatan.
Maraming Salamat Mayor Strike B. Revilla at Kapitan SIEGFRED DE LEON kasama ang buong Barangay Council 2018-2023.
Congratulations for a Job well done!
31/10/2023
And it is official!
Earlier this morning, the newly elected SK Officials were proclaimed. They are expected to start their term on December 1, 2023.
From the SK Batch 2018-2023, CONGRATULATIONS!
SK Chairman: Hannah Clarisse Atienza
Sk Kagawad
1) John Carlo Untalan
2) Sally Beth Urtula
3) Sherwin Cuandra
4) Samantha Espartero
5) Steven Jay Semillano
6) Mary Grace Bali Balita
7) Mike Joshua Caรฑal
The Kabataan ng Silangan (Youth of Queens Row East) is waiting for your future projects and events.
Everyone, let's congratulate once again, our next Youth Leaders.
27/09/2023
Mabuhay Bacoor! Ikaw ba ay isang artist o mahilig sa sining ? Ito na ang pagkakataon para makilala mo at makilala ka ng mga Local Artist ng ating Lungsod ng Bacoor!
Inaanyayahan ang lahat ng Local Artist ng Lungsod ng Bacoor na makiisa at makilala sa gaganaping kauna-unahang General Assembly ng mga local artist ng ating Lungsod.
Ang programang ito ay ginawa ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang Bacoor Arts and Community Office upang tipunin ang lahat ng mga local artist ng Bacoor at mabigyan ng pagkakataon maipakita sa lahat ang kanilang angking talento.
Ang programa ay tatawaging Arts in the City bilang kontribusyon ng Bacoor Arts Community para sa selebrasyon sa paparating na Bakood Festival!
Bukas ang aming tanggapan para sa mga nais MAGTANGHAL AT mag-EXHIBIT ng kanilang mga artworks sa araw na inilaan para sa proyektong ito sa Bacoor Night Market! Narito ang link para sa iba pang detalye:
https://forms.gle/GMT5EnmV5ESkF56v7
Kulayan, Buhayin at Pasiglahin natin ang ARTS IN THE CITY Day sa October 1, 2023, 4pm sa Bacoor Night Market.
Please like and follow our official social media accounts:
FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/?g2=AQAg7HH66ltuqFCg6qlOGa6qIvz9PQMuAkjQWsIfZKdzmH%2FdpRz7unBXIZYXej82
Maraming salamat po.
05/09/2023
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฏ
All eyes here, Bacooreรฑos!
Check out the partial list of job vacancies waiting for you at our Mega Job Fair Caravan on ๐ฆ๐ฒ๐ฝ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ด at ๐ฆ๐ ๐ ๐ผ๐น๐ถ๐ป๐ผ.
Don't miss out on this opportunity โ share this post with your friends and start your career journey together!
Interested jobseekers are encouraged to pre-register at https://bit.ly/MegaJobFairCaravan-2023
You may check other vacancies on these links:
Part 1 - http://tinyurl.com/BacoorJobFairVacancies-Part1
Part 2 - http://tinyurl.com/BacoorJobFairVacancies-Part2
Part 3 - http://tinyurl.com/BacoorJobFairVacancies-Part3
26/08/2023
Isang napaka halagang talakayan ang isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Queens Row East noong nakaraang Linggo, August 20, 2023.
Nagsagawa ng Anti-Drug Abuse Campaign ang SK Queens Row East katuwang ang Bacoor PNP - Police Community Affairs Development (PCAD) sa pangunguna ni Police Major Renalyn Lim - Chief PCAD, Police Corporal Florenda Asotigue at Police Senior Master Sergeant Espiridion Matibag.
Kasabay nito, ay isinagawa ang Balik eSKwela Project ng SK Queens Row East para sa mga nakapag register at dumalo sa Anti-Drug Abuse Campaign.
Maraming salamat sa mga grupo ng kabataan at indibidwal na nakiisa sa mga projects na ito.
Maraming salamat din sa ating Punong Barangay Siegfred De Leon, sa patuloy na suporta sa proyektong pangkabataan.
19/08/2023
Kayo po ay aming iniimbitahan bukas para sa napakahalagang talakayan tungkol sa ANTI DRUG ABUSE CAMPAIGN.
EVENT NAME: ANTI-DRUG ABUSE CAMPAIGN
WHEN: AUGUST 20, 2023 (2:00PM)
WHERE: UPLAND BASKETBALL COURT
Bukod po dito, ang mga dadalo sa event na ito under Senior High School (Grade 11 and 12) at College Students ay maaring mabigyan ng Educational Supply Kit. LIMITED ONLY. Magregister sa link na ito.
BALIK ESKWELA Slot Registration Link (Limited Only): https://forms.gle/uK9SJ2e8m4RTZ7Fq9
PAALALA
> Antayin ang aming email confirmation na "CONGRATULATIONS" patunay na kayo ay qualified para sa munting Educational Supply. Again, limitado lamang po ito.
> Kung kayo ay qualified, kailangan po kayo po mismo ay umattend ng Anti-Drug Abuse Campaign. Kung kayo po ay hindi nakadalo, ibibigay po namin sa ibang attendees ang inyong slot.
> Ito ay exclusive lamang sa residente ng Barangay Queens Row East.
Maraming Salamat and see you bukas sa ating makiising talakayan tungkol sa ANTI-DRUG ABUSE CAMPAIGN.