04/10/2026
💚 PUROKALUSUGAN SA BRGY. GABUT SUR | SUCCESSFUL ACTIVITY! 💚
Matagumpay na naisagawa ng Badoc Municipal Health Office ang PuroKalusugan sa Brgy. Gabut Sur noong October 1, 2026, bilang bahagi ng patuloy nating pagsisikap na mailapit ang dekalidad at accessible na serbisyong pangkalusugan sa bawat Badocqueño. 🩺💊
Sa pamamagitan ng PuroKalusugan, naihahatid mismo sa komunidad ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan—mula sa health assessment at consultation hanggang sa preventive at promotive health services.
Taos-pusong pasasalamat sa Barangay Officials, BHWs, health personnel, at lahat ng residente ng Brgy. Gabut Sur na nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad.
Patuloy nating isinusulong ang mas malusog na Badoc sa ilalim ng pamumuno at suporta ni Mayor Virgilio M. Calajate, katuwang ang ating mga barangay at health workers. 💚
Serbisyong pangkalusugan, mas malapit sa bawat Badocqueño!
Sa Healthy Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga! 🇵🇭