Kapitan Efren Dela Cruz

Kapitan Efren Dela Cruz

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapitan Efren Dela Cruz, Government Official, BARANGAY 14 ZONE 2, .

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 04/03/2026

USAPANG IMPRASTRAKTURA

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pamunuan ng Barangay 14 sa ahensya ng DPWH, muling nagsimula ang naantalang proyekto ng paglalagay ng Box Culvert sa kahabaan ng Langaray St., mula Pla-Pla St. hanggang Labahita St.

Dahil dito, inaasahan ang mabagal na daloy ng trapiko sa nasabing lugar habang isinasagawa ang proyekto.

Pinapayuhan ang mga motorista na pansamantalang iwasan ang pagdaan sa Langaray St. at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan habang isinasagawa ang proyektong ito para sa mas maayos na daluyan ng tubig at mas ligtas na kalsada sa ating barangay.

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 03/03/2026

WEEKLY CLEAN-UP DRIVE
Paglilinis ng Tanigue Creek

Nagsagawa ang pamunuan ng barangay, katuwang ang mga volunteers at residente, ng malawakang paglilinis sa Tanigue Creek. Gumamit ng bangka upang mas epektibong maalis ang mga naipong basura at maiwasan ang pagbabara na maaaring magdulot ng pagbaha.

Mahigpit na paalala sa lahat: Ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa creek at iba pang daluyan ng tubig. Panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran upang maiwasan ang sakit at sakuna.

Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat mamamayan. Makiisa at makibahagi para sa mas maayos at mas ligtas na komunidad.

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 24/02/2026

Streetsweepers at Declogger Tree Trimming Operation
📍 Macario B. Asistio Sr. High School – Main, along Pampano St.

Nagsagawa ng tree trimming ang ating Streetsweepers at Declogger Team upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at mamamayan sa paligid ng paaralan.

Paalala: Maliit na sanga lamang ang kayang putulin gamit ang kasalukuyang kagamitan ng barangay. Para sa malalaking sanga o puno, kinakailangan ng koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya na may angkop na kagamitan.

Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa para sa mas ligtas at maayos na komunidad.

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 23/02/2026

📢 ANNOUNCEMENT: SAMATADD - PHILHEALTH YAKAP REGISTRATION
Barangay 14 Zone 2 District II Caloocan City
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng BLOCK 6,7, 14, 15, 16 & 17 PH II A-3 na magpa-register sa PHILHEALTH YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program).
Isa sa Accredited YAKAP Clinic ang Barangay 14 Health Center.

đź“… DATE NG REGISTRATION:
February 24-27, 2026 Tuesday & Friday
9:00 am
Block 6 Chapel

👥 SINO ANG DAPAT MAG-REGISTER?
✔️ Lahat ng residente
✔️ Mga bagong rehistro sa PhilHealth
✔️ Mga nakapag-register noong nakaraang taon
– kinakailangang magpa-update / magpa-confirm ng kanilang YAKAP registration sa clinic
✔️ Wala pang PhilHealth?
– puwedeng magpa-rehistro at automatic na Barangay 14 Health Center ang inyong YAKAP Clinic

📝 MGA DADALHIN (ANY OF THE FOLLOWING):
✔️ PhilHealth ID (kung rehistrado na)
✔️ Kahit anong valid Government ID
✔️ Photocopy ng Birth Certificate

📌 PAALALA:
Isang (1) YAKAP Clinic lang ang maaaring piliin
Importante ang registration para maka-avail ng:
Free check-up at consultation
Selected laboratory tests
Mga piling maintenance medicines

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa Barangay 14 Health Center, makipag-ugnayan sa inyong Purok Leader, o sa pinakamalapit na PhilHealth office.

Makilahok po tayo para sa mas maayos at tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 21/02/2026

Bilang tugon sa mga hinaing at kahilingan ng mga residente, sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsukat sa kahabaan ng Tanigue St. bilang paghahanda sa planong pagpapatag at pag-aasphalt ng kalsada.

Ang proyektong ito ay naisulong sa DPWH sa pamamagitan ni Congressman Egay Erice at pakikipag-ugnayan ng Barangay 14 sa pamumuno ni Kap. Efren B. Dela Cruz, upang mapabuti ang kalagayan ng kalsada sa Tanigue Street na matagal nang usapin at hinaing ng mga residente.

Patunay ito na pinakikinggan at binibigyang aksyon ang boses ng komunidad upang matiyak ang mas ligtas, maayos, at komportableng biyahe para sa lahat.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at kooperasyon habang isinasagawa ang mga paunang hakbang para sa proyektong ito.

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 21/02/2026

7th Week of KALINISAN CLEAN UP DRIVE 2026




Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 18/02/2026

Bilang karugtong ng naunang pamimigay, may ilan pang residente ng Barangay 14 ang nabigyan ng wheelchair mula kay Kap. Efren Dela Cruz.

Patuloy ang tulong para sa ating mga residenteng nangangailangan sa ating komunidad.

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 16/02/2026

Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ayon sa abiso ng MERALCO.

đź—“ Petsa: Pebrero 18, 2026 (Miyerkules)

⏰ Oras: 10:00 A.M. hanggang 2:00 P.M.

📍 Apektadong Lugar: sa Block 28, 30 at 31 Alimasag Alley, Caloocan City

Ang power interruption ay isasagawa upang maayos at ligtas na maisagawa ang re-orientation ng mga linya ng kuryente.

👉 Pinapayuhan ang lahat na maghanda at mag-ingat.

👉 I-unplug ang mga appliances upang maiwasan ang pinsala kapag bumalik ang kuryente.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon.

Photos from Kapitan Efren Dela Cruz's post 14/02/2026

Walang plato, walang pormalidad, iisang mesa, iisang puso. ❤️

Valentine’s boodle fight ng mga Kawani ng Barangay, patunay na ang pagkakaisa ang tunay na lakas ng serbisyo.

Maligayang Araw ng mga Puso!

14/02/2026

Makisaya sa Fiesta Street Party ngayong February 14 | 7:00 PM sa Block 28 Plaza! 🎶

Isang gabi ng sayawan, musika, at masayang selebrasyon para sa ating pista. Sama-sama nating buhayin ang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan!

Kita-kits, Barangay 14! 🎉

14/02/2026

Sa pag-ibig at karunungan ng ating mga Senior Citizens, tunay na ginintuang taon ang kanilang inalay sa ating komunidad. đź’›

Inaanyayahan po ang lahat sa Golden Year Valentine Party ngayong February 14, 2026 | 5:00 PM sa Barangay 14 Main Hall.

Isang gabi ng pagpapahalaga, musika, at selebrasyon para sa ating mga minamahal na lolo at lola. ❤️

13/02/2026

Sa ika-15 Pebrero taon 2026, Malugod na ipagdiriwang ng Barangay 14 ang Pistang Bayan bilang parangal sa ating mga pintakasing patron:

Sr. San Roque - Patron ng Caloocan
Mahal na Birhen ng Nieva - Ina at Reyna ng Lungsod

Nawa’y patuloy tayong gabayan, pagpalain, at pagkaisahin sa diwa ng pananampalataya at pagmamahal sa ating komunidad.

Happy Fiesta, Barangay 14!

Want your business to be the top-listed Government Service?

Culinary Team

Attire

Website