Marikina City Government - Gender and Development Office

Directions Contact the organization

Marikina City Government - Gender and Development Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Marikina City Government - Gender and Development Office, Government Organization, Baesa.

Iwagayway ang bandila ng pag-ibig!Ang Pride ay higit pa sa pagdiriwang, ito ay pagpapatuloy ng ating laban para sa isa't...
21/06/2026

Iwagayway ang bandila ng pag-ibig!

Ang Pride ay higit pa sa pagdiriwang, ito ay pagpapatuloy ng ating laban para sa isa't isa. Saang kulay man tayo sa bahaghari, karapatan nating lahat ang magningning at maging malaya!

Kaya patingkarin natin ang bawat sulok ng mundo.
Manatiling totoo sa sarili,
Manatiling ikaw,
Sa lahat ng pagkakataon
Sa lahat ng sandali 🏳️‍🌈

Happy Pride, Marikina!



🏳️‍🌈

Hindi lang Employed Workers, Empowered Workers din!Higit sa kakayanang makakuha ng trabaho at kumita para sa pamilya, ma...
11/05/2026

Hindi lang Employed Workers, Empowered Workers din!

Higit sa kakayanang makakuha ng trabaho at kumita para sa pamilya, mahalagang maibahagi rin sa ating manggagawa ang kaalaman ukol sa kanilang mga karapatan: na matimbang sa kaledad ng kanilang kakayahan, mabigyan ng makatarungang sahod, at masiguro ang ligtas na lugar sa paghahanap-buhay. Kaya’t inilunsad ng Lungsod ng Marikina ang Dialogue para sa Equal Employment Opportunity at Safe Working Environment sa pangunguna ng GAD Office katulong ang iba’t ibang partners ng Labor Day Job Fair sa SM Marikina.

Ang adhikain natin sa mga manggawa sa ating lungsod, sa Mayo uno at sa lahat ng araw, ay maisulong ang trabahong nararapat sa kanila: trabahong magbibigay sa bawat isa ng paggalang, proteksyon at pagpapahalaga.

Mabuhay ang Manggagawang Taga-Marikina!

396th Founding Anniversary: Kasaysayan, Kultura at PagkakaisaAyon nga sa ating Mayor Maan Teodoro, isang simple ngunit m...
20/04/2026

396th Founding Anniversary: Kasaysayan, Kultura at Pagkakaisa

Ayon nga sa ating Mayor Maan Teodoro, isang simple ngunit makabuluhang pagdiriwang ang ating naging paggunita sa ika-396 na taon ng pagkakatatag ng ating lungsod. Tunay na *Tatak Marikina*—hindi man marangya o magarbo, ngunit may malinaw na layunin: ipagdiwang ang ating pagkakakilanlan bilang mga Marikenyong pinahahalagahan ang pamilya, pagtutulungan, at inklusibong kaunlaran.

Mula sa mga aktibidad na nagpapanatili ng ating kasaysayan tulad ng *salamyaan* o kuwentong-bayan, pasasalamat sa ating pinakamatandang kapilya, pagbubukas ng Heritage Museum at Angkan-Angkan Night, hanggang sa pagpapalakas ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng Women Entrepreneurs’ Fair + Angkan Banchetto, weekend trainings sa kabuhayan at kasanayan, at Marikina Day Job Fair na may Gender-Responsive Career Talk—ang lahat ng ito ay matagumpay na naisagawa at nag-iwan ng mahalagang paalala ng ating pagkakaisa at kakayahan bilang isang lungsod.

Bigyang-pugay natin ang ating lungsod at ang ating mga pamilya o angkan hindi lamang sa pagkilala sa mayaman nating nakaraan, kundi lalo sa sama-samang paghubog ng mas maunlad at makabuluhang kinabukasan para sa lahat. Ang kuwento ng Marikina ay hindi nagtatapos sa anibersaryo—ito ay patuloy nating isinusulat sa bawat gawa ng malasakit, pagtutulungan, at pangarap na ating isinasakatuparan bilang isang komunidad. Ipagpatuloy natin ang kuwentong ito. 💙



Ngayong Araw ng Kagitingan, ating ginugunita at binibigyang pugay ang magigiting na beteranong Pilipino noong Ikalawang ...
09/04/2026

Ngayong Araw ng Kagitingan, ating ginugunita at binibigyang pugay ang magigiting na beteranong Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kanilang sakripisyo ay hindi lamang pamana ng kalayaan, kundi paalala na ang tunay na kagitingan ay walang kasarian.

Maligayang Araw ng Kagitingan!👨‍✈️👩‍✈️🇵🇭

06/04/2026




01/04/2026

Balikan natin ang makabuluhang buwan ng pagkilos, pagkakaisa, at pagbibigay-lakas sa kababaihan—maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating Women’s Month activities!

Hindi dito nagtatapos ang ating adbokasiya. Araw-araw, sama-sama nating isabuhay ang diwa ng “WE for Gender Equality” at “Lead Like the Babaylans, Filipinas.”

Mabuhay ang kababaihan! 💜

06/03/2026
NATIONAL WOMEN’S MONTH 2026 💜Mga kapamilya, beshies, barkada at buong community… Ready na ba ang mga bisikleta at balaka...
05/03/2026

NATIONAL WOMEN’S MONTH 2026 💜
Mga kapamilya, beshies, barkada at buong community…
Ready na ba ang mga bisikleta at balakang? 😄
Tara na at makiisa sa pinaka energetic na umaga para sa ating lahat!

📅 Linggo, Marso 8, 2026

🕠 5:30 ng umaga – Babaylan Bike Ride
Start sa Plaza Delos Alcaldes, finish line sa Gil Fernando Avenue.
Unang 200 babaeng riders, may FREE t-shirt kaya agahan na ang pag pedal.

🕕 6:00 ng umaga – Women’s Day ZumBabaylan Program sa Gil Fernando Avenue
Ready na ba ang stretching? Sabay sabay tayong gagalaw para sa lakas at empowerment ng kababaihan.
Pawis ngayon, glow later 💜

Dress code
Wear purple or Babaylan inspired outfit na may touch of purple.
Be creative.
Pwedeng fierce o pang warrior vibes.

Open ito para sa lahat. Babae man o lalaki, bata man o matanda.
Tara at ipakita ang suporta sa lakas at pamumuno ng kababaihan.

Pedal with power
Dance with pride
Lead like the Babaylans
Mabuhay ang Kababaihan 💜





02/03/2026

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍’𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔 💜

Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Marso ang Buwan ng Kababaihan na ngayong taon ay may temang:

Lead Like the Babaylans, Filipinas!

Bilang pagdiriwang, ating alalahanin at gawing inspirasyon ang lakas, talino, tapang, at kakayahan sa pamumuno ng mga Babaylan na nagsilbing gabay at haligi ng ating komunidad noon.

Sa kasalukuyan, isabuhay nating mga Marikeña ang diwa ng pagiging Makabagong Babaylan. Isang Filipinang may malasakit, may paninindigan, at may kakayahang manguna tungo sa isang makatarungan at inklusibong lipunan.

Mabuhay ang Kababaihang Pilipino! ♀️
WE can be EquALL! 💜





Address

Baesa

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marikina City Government - Gender and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Marikina City Government - Gender and Development Office:

Shortcuts

Share