04/09/2026
Viral ang kuwento ng mag-asawang pumunta umano sa divorce hearing sa Nigeria, pero imbes na magmukhang magkahiwalay na ang loob, pareho pa silang naka-matching outfit sa loob ng korte. Napansin daw ito ng judge at tila napaisip kung buo na ba talaga ang desisyon nilang maghiwalay. Dahil dito, pinauwi muna umano sila at pinabalik na lang kapag sigurado na silang itutuloy ang diborsyo.