SB-Baggao, Cagayan

Directions Contact the organization

SB-Baggao, Cagayan Daytoy nga page ket naaramid tapnu maipaay iti kaalistuwan a pannakaited iti impormasyon kadagiti kailian babaen iti social media.

Launen na daytoy dagiti linteg, ordinansa ken resolusyon nga inkami maaramidan bayat iti panagtakem mi.

MGA KAWANI NG MAO AT LGU BAGGAO, PINARANGALAN SA 2026 REGIONAL NAFES AWARDSSa kauna-unahang pagkakataon, kinilala ang mg...
27/10/2026

MGA KAWANI NG MAO AT LGU BAGGAO, PINARANGALAN SA 2026 REGIONAL NAFES AWARDS

Sa kauna-unahang pagkakataon, kinilala ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Baggao sa ginanap na 2026 Regional National Agriculture and Fisheries Extension Services (NAFES) Awards sa Ilagan City, Isabela ngayong araw.

Iginawad ng Department of Agriculture–Regional Field Office 02 (DA-RFO 02) at Agricultural Training Institute–Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02) ang mga parangal bilang pagkilala sa mga natatanging programa at serbisyong nagpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa rehiyon.

Pinarangalan bilang Outstanding Agricultural Extension Workers sina Shirlyflor Tolentino, Josephina Javier at Jackilou Berbano. Kabilang din sa mga kinilala si Municipal Agriculturist Ghiner Manding.

Samantala, nakamit din ng LGU Baggao ang pagkilala sa kategoryang “Accomplishment Mo, Flex Mo!” Vlogging Contest. Tampok sa video entry ng Baggao ang inisyatiba ng Sangguniang Bayan na palakasin ang 86 Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa pamamagitan ng programang Organizational Strengthening.

Layunin ng programa na paunlarin ang kakayahan at patatagin ang pamamahala ng mga samahan ng mga magsasaka sa buong bayan upang mas maging organisado at epektibo ang kanilang mga gawain.

Malaki ang naging papel ng MAO sa pagsusulong ng mga programang ito sa pamamagitan ng patuloy na paghahatid ng tulong, pagsasanay at serbisyong pang-agrikultura sa mga lokal na magsasaka.

Halos isang taon ding isinulong ng Sangguniang Bayan ang adbokasiyang ito sa pamumuno ni Vice Mayor Rowel Gazmen, kasama sina SB Member Alex Gaspar, Chairperson ng Committee on Agriculture; SB Member Jomar Miguel, Co-Chairperson; at SB Member Ed Delos Santos, miyembro ng nasabing komite.

Patunay ang mga pagkilalang ito sa patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga kawani ng MAO upang palakasin ang mga samahan ng magsasaka at higit pang mapaunlad ang agrikultura sa Baggao.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

📸 PCTTO

MGA BAGONG STALL SA POBLACION PUBLIC MARKET, HANDA NANG TANGGAPIN ANG MGA VENDORNagsagawa ngayong araw ng aktwal na insp...
27/10/2026

MGA BAGONG STALL SA POBLACION PUBLIC MARKET, HANDA NANG TANGGAPIN ANG MGA VENDOR

Nagsagawa ngayong araw ng aktwal na inspeksyon ang Municipal Engineering Office, Market Office at Treasury Office, kasama ang mga stall occupant sa pansamantalang paglilipatan ng mga vendor sa kasalukuyang ipinapatayong Poblacion Public Market.

Nilagyan na ng pangalan at stall number ang mga puwesto upang matukoy ng bawat vendor ang kanilang itinalagang pwesto batay sa naging resulta ng raffle noong Agosto 5, 2026.

Bago ang inspeksyon, nagsagawa muna ng pagpupulong sa Poblacion Sub-Office na dinaluhan nina Engineer Reynaldo Miguel, Market Supervisor Johnny Columna, SB Member Ed Delos Santos, Market Association President Jerriel Billena, mga kinatawan ng Treasury at Engineering Office at iba pang stakeholders kung saan 39 ang dumalo rito.

Sa pagpupulong, ipinaalala ni Engr. Miguel na pansamantala lamang ang mga stall na gagamitin ng mga vendor kaya hindi muna pinapayagang baguhin o galawin ang anumang bahagi ng pasilidad.

Samantala, ayon kay Eduardo Guillermo ng Treasury Office, maaari nang simulan ng mga vendor ang paglilipat sa kanilang mga puwesto ngunit kinakailangan munang maayos ang mga hindi pa nababayarang obligasyon mula Enero hanggang Agosto.

Tinalakay rin ang iba pang hinaing at pangangailangan ng mga vendor kabilang ang ilang stall na wala pang roll-up door. Nangako namang bibigyang-pansin ng mga kinauukulang tanggapan ng lokal na pamahalaan ang mga ito tulad ng paglalagay pansamantala ng gwardiya na magbabantay para sa seguridad doon.

Para sa kaligtasan ng mga vendor at mamimili nilagyan din ng matting ang harapan ng mga stall upang makatulong na maiwasan ang aksidente habang nagpapatuloy ang konstruksyon ng karugtong na bahagi ng proyekto sa ikalawang palapag.

Matatandaan, muling tinalakay ng Sangguniang Bayan ang naantalang paglilipat ng mga vendors na dahilan upang bigyan ng ultimatum ang kontraktor na tapusin na ang proyekto.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

BASAHIN: Ms. Aysa Centeno at  Engr. Ronald Ortiz, pinarangalan bilang Best Planing Officer at Best Engineer dahil sa maa...
27/10/2026

BASAHIN: Ms. Aysa Centeno at Engr. Ronald Ortiz, pinarangalan bilang Best Planing Officer at Best Engineer dahil sa maayos na pagpapatupad ng farm to market road project (FMR) sa Barangay Bagunot, Baggao.

BAGGAO, HAKOT AWARD SA 2026 REGIONAL SUBAYBAYANI AWARDSBest Municipal EngineerBest Municipal Planning Officer Local Acce...
27/10/2026

BAGGAO, HAKOT AWARD SA 2026 REGIONAL SUBAYBAYANI AWARDS

Best Municipal Engineer
Best Municipal Planning Officer
Local Access Road Category - WINNER
Best Local Project Monitoring Committee
Best Local Access Road
Best Audio Visual Presentation
Most Compliant Post Project Implementer

Tumanggap din ng pagkilala si Mayor Leonardo Pattung at MLGOO Charlotte Aggabao dahil sa maayos at kapakipakinabang na implementasyon ng proyektong pang- imprastraktura sa Baggao.

Karangalan din na nakasama sa parangal ang Barangay Officials ng Bagunot sa pangunguna ni Punong Barangay Robert Cabunot, Vice- Mayor Rowel B. Gazmen, SB Chair on Infrastructure Hon. Roy Dumayag at Municipal Administrator Ms. Mylene Pattung.

Congratulations!

TINGNAN: LGU Baggao sa pangunguna ni Mayor Leonardo Pattung dumalo sa 2026 Regional Subaybayani Awarding Ceremony, Octob...
27/10/2026

TINGNAN: LGU Baggao sa pangunguna ni Mayor Leonardo Pattung dumalo sa 2026 Regional Subaybayani Awarding Ceremony, October 27, 2026.

Kasama sa nasabing programa si Vice Mayor Rowel B. Gazmen, SB Roy Dumayag, MLGOO Charlotte Aggabao, Municipal Administrator Mylene Pattung, Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Ronald Ortiz, MPDO Aysa Centeno at Bagunot Barangay Officials sa pangunguna ni PB Robert Cabunot.

Inaasahang tatanggap muli ngayong araw ng parangal ang bayan.

Magugunitang tumanggap ng parangal ang Baggao sa Provincial Level kung saan inuwi nito ang Local Project Monitoring Committee Excellence Award at Project Excellence Award.

61st Regular Session October 26, 2026SB Session Hall, San Jose, Baggao
26/10/2026

61st Regular Session
October 26, 2026
SB Session Hall, San Jose, Baggao

26/10/2026
STORM SURGE AT TSUNAMI WARNING SIGNS, ILALAGAY SA BAYBAYING LUGAR NG BAGGAO Inumpisahan na ng Provincial Government of C...
24/10/2026

STORM SURGE AT TSUNAMI WARNING SIGNS, ILALAGAY SA BAYBAYING LUGAR NG BAGGAO

Inumpisahan na ng Provincial Government of Cagayan, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang paglalagay ng storm surge at tsunami warning signs sa mga baybaying lugar kasama na ang Baggao.

Kabilang dito ang Sitio Linawan at Sitio Valleycove sa Barangay Santa Margarita.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagpapalakas sa kahandaan kung sakaling may kalamidad ayon kay Bonifacio Espirutu ng PDRRMO.

Dumalo sa pulong na ito si MDRRM Officer Narciso Corpuz.

Source: CPIO

12th COUNCIL NG BAGGAO, SUMALANG SA AKTWAL NA MOCK TRIAL Sumalang ang Sangguniang Bayan ng Baggao sa aktwal na mock tria...
23/10/2026

12th COUNCIL NG BAGGAO, SUMALANG SA AKTWAL NA MOCK TRIAL

Sumalang ang Sangguniang Bayan ng Baggao sa aktwal na mock trial sa ikalawang araw ng pagsasanay upang maisagawa sa tunay na sitwasyon ang kanilang natutunan sa Quasi-Judicial Functions.

Layunin ng aktibidad na higit pang mahasa ang mga miyembro ng konseho sa tamang proseso, mga panuntunan at paghawak ng mga kasong saklaw ng kanilang tungkulin.

Binigyan ang mga kalahok ng labin-limang (15) minuto upang isagawa ang naturang aktibidad.

Sa naturang mock trial, gumanap bilang mga hukom ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Rowel Gazmen habang may mga umaktong testigo at abogado para sa panig ng nagrereklamo o complainant at inirereklamo o respondent.

Ang pagsasanay ay inisyatiba ng Department of the Interior and Local Government o DILG upang magkaroon ng dagdag na kaalaman at maisagawa ng maayos ng mga lokal na mambabatas ang paglilitis ng kaso.

Maliban dito, tinuruan din sila sa paggawa ng mga angkop na desisyon dito.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

BAGGAO PNP, TINANGHAL BILANG "BEST PERFORMING CLASS A POLICE STATION” SA REGION 2Tatlong parangal ang naiuwi ng Baggao P...
23/10/2026

BAGGAO PNP, TINANGHAL BILANG "BEST PERFORMING CLASS A POLICE STATION” SA REGION 2

Tatlong parangal ang naiuwi ng Baggao Police Station mula sa Police Regional Office 2 matapos ang evaluation sa Regional Enhanced Managing Police Operations nitong Oktubre 22, sa Tuguegarao City.

Kinilala ang himpilan bilang Best Performer-Class A, Top Performing Police Station sa Anti-Illegal Gambling Operations, at Best Performing Police Station sa Anti-Illegal Logging Operations.

Patunay ang mga parangal na ito ng pagsisikap ng mga pulis ng Baggao sa pagpapatupad ng batas, paglaban sa ilegal na gawain, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan.

CONGRATULATIONS BAGGAO PNP!

(✍️ SB Ed Delos Santos)
📸 PCTTO

Address

San Jose
Baggao
3506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SB-Baggao, Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SB-Baggao, Cagayan:

Shortcuts

Share