28/08/2026
Maligayang Kapistahan, Tata Usteng! Sa pagdiriwang natin ating isabuhay ang tema ngayong taon na “Tata Usteng: Nakinig sa Diyos at Nagbagong Buhay.”
Hangad natin na magsilbing inspirasyon sa atin ang kanyang buhay upang magkaroon tayo ng matibay na pananampalataya at malasakit sa kapwa. Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Tanza, taos-puso ang ating pagbati ng isang ligtas at masayang kapistahan.