Anakbayan UP Baguio

Directions Website Contact the organization

Anakbayan UP Baguio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Anakbayan UP Baguio, Political organisation, Baguio City.

Ang Anakbayan - UP Baguio ay ang pinaka-komprehensibong pambansa-demokratikong organisasyong masang nagbubuklod sa mga kabataan upang kamtin ang tunay na Pambansang Demokrasyang may Sosyalistang Perspektiba.

IN PHOTOS | Nakiisa ang Anakbayan UPB sa after-school terminal hopping ngayong araw upang talakayin ang World Bank-DOTr ...
07/10/2026

IN PHOTOS | Nakiisa ang Anakbayan UPB sa after-school terminal hopping ngayong araw upang talakayin ang World Bank-DOTr Jeepney Phaseout sa mga drivers. Kaugnay rin nito ang imbitasyon sa kanila na makilahok sa pagkilos sa darating na October 9 sa convention mismo ng WB-DOTr at ang Kapihan para sa mga drivers sa October 10.

Ngayong darating na October 9, may presentasyon ang World Bank para sa PTMP na bagong mukha ng modernisasyon sa Baguio sa pamamagitan ng "electrification" at forced scrappage na papalitan ang traditional jeepneys ng electric units.

Walang lugar ang ganitong uri ng mga programa na ang tanging dulot ay kawalan ng kabuhayan para sa mga tsuper at operator! Bilang mga estudyante at komyuter, marapat na makiaalam sa isyu at makiisa sa kanilang laban!

Sumama sa mga terminal hopping! Makiisa sa pagkilos ngayong October 9!

03/10/2026
03/10/2026

May bagong yugto ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng Department of Transportation (DoTr) kasama ang World Bank. Ang Baguio ay isa sa mga naidentify na highly urbanized city para sa pilot program ng World Bank-DOTr partnership. Sa ngayon, planning at pilot-development stage pa lamang ang Baguio.

Ayon sa balangkas ng partnership, isa-scrap ang mga lumang at pati na rin ang Euro 4 modern yunit para sa pagpasok ng mga full electric vehicles upang umabot sa bagong mga standards.

Ang pagscrap ng mga yunit ay sapilitang gagawin upang maikayod ang PTMP. Paano na ang pinaghirapan na pera para bumili ng Euro 4 engine na yunit?

Itong tanong ay nagmula kay Tatang Archie, 40 taon nang tsuper. Ang kanyang tradisyunal na jeepney ay ipinamana sa kanya. Paano na ang mga yunit na ipinamana sa mga tsuper?

Mahalagang itanong: Ang modelong ididisenyo ba para sa Baguio ay tunay na ibabatay sa kalupaang bulubundukin ng lungsod, mga ruta, kita ng operator, kabuhayan ng drayber at pangangailangan ng commuter?


30/09/2026

#๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ, ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐— ๐—ฌ๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ!

Kahapon, Setyembre 29, 2026, nakiisa ang Anakbayan UP Baguio sa isinagawang Kapehan sa Terminal sa Japanese Garden kasama ang mga tsuper at mga Terminal Hopping nitong mga nakaraang araw.

Layunin ng aktibidad na makipag-konsultahan sa mga tsuper dala ng muling pagsirit ng presyo ng langis. Bukod pa rito, layunin din sa talakayan na mapag-usapan ang DOTr-World Bank Partnership para itulak ang PUJ Modernization Program (PUJMP) matapos ng palpak na pagsasakatuparan nitong mga nakaraang taon.

Muling humaharap sa krisis ang sektor ng transportasyon dahil sa banta ng bagong panukala na World Bank funded modernization program ng pamahalaan. Isa sa posibleng dulot nito ang total scrappage sa mga traditional ang modern jeepneys upang mapalitan ng electric vehicles.

Mahigpit na nakikiisa ang Anakbayan UP Baguio sa laban ng mga tsuper at sa pagpapanawagan sa pagbabasura ng Oil Deregulation Law, VAT at Excise Tax, at ng World Bank Funded Jeepney Phaseout.





NO TO WORLD BANK-FUNDED JEEPNEY PHASEOUT! PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON, MULA AT PARA SA MASA! Mariing kinokondena ang ipi...
29/09/2026

NO TO WORLD BANK-FUNDED JEEPNEY PHASEOUT! PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON, MULA AT PARA SA MASA!

Mariing kinokondena ang ipinapatakbong WB-Funded Jeepney Phaseout mula sa DOTr at LTFRB. Matagal nang ipinaglaban ng mamamayan, kasama ng mga tsuper, ang pagtutol sa Public Transport Modernization Program (PTMP). Sa halip na pakinggan ang ating mga hinaing at tugunan ang mga problema sa implementasyon nito, tila gumagawa pa ng ibang naratibo ang DOTr para maipatupad pa din ang programa sa pagpasok ng World Bank.

Kailangang suriin nang mabuti ang papel ng World Bank sa mga proyektong may kaugnayan sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon. Hindi dapat maging daan ang mga programang tinatawag na โ€œdevelopmentโ€ upang higit na mailipat sa malalaking korporasyon ang mga serbisyong at industriyang matagal nang pinagkakakitaan at pinamamahalaan ng mga lokal na manggagawa. Mahalagang itanong kung bakit hindi higit na inilalaan ng DOTr at ng pamahalaan ang pampublikong pondo sa direktang pagsuporta sa mga tsuper, operator, at lokal na manufacturer. Kung tunay na layunin ng modernisasyon ang pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, dapat nitong tiyaking hindi isinasakripisyo ang kabuhayan ng mga manggagawa para lamang makamit ang isang partikular na modelo ng transportasyon. Sa ilalim ng kooperatiba-based na sistema, maaaring mapasailalim ang mga tsuper sa mga kontrata at obligasyong hindi naaayon sa kanilang kakayahan at pangangailangan.

Sa Baguio City, lalong mahalaga ang makabuluhang partisipasyon ng mga tsuper, operator, commuter, at iba pang apektadong mamamayan sa anumang pagpapasya ukol sa pampublikong transportasyon. Kaya naman, hinihingi natin sa LTFRB, DOTr, at Baguio City LGU na magsagawa ng tunay at makabuluhang konsultasyon sa mga tsuper, operator, commuter, at lokal na stakeholders bago magpatupad ng mga polisiyang may malalim na epekto sa kanilang kabuhayan at sa pampublikong transportasyon ng lungsod.

Iginigiit natin ang isang programang modernisasyon na tunay na nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan; Isang pampublikong transportasyong abot-kaya, ligtas, maaasahan, at makatao. Dapat suportahan, hindi itulak sa pagkalugi, ang mga tsuper at operator. Dapat ding bigyang-puwang ang mga lokal na operator at manufacturer na patuloy na maghanapbuhay at makilahok sa pagpapaunlad ng pampublikong transportasyon.

NO TO CORPORATE TAKEOVER!
SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER!




SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER! KABATAAN SUMAMA SA KONSULTAHAN KEN KAPEHAN!Sa pangunguna ng PISTON Metro Baguio...
28/09/2026

SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER! KABATAAN SUMAMA SA KONSULTAHAN KEN KAPEHAN!

Sa pangunguna ng PISTON Metro Baguio, inaanyayahan ng Anakbayan Metro Baguio ang kabataan, bukas, Martes, September 29, sa ganap na 12 PM ng tanghali para sa konsultahang drayber at operator, sa Japanese Garden staging area, sa likod ng University of the Philippines Baguio!

Sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng diesel at iba pang pangunahing bilihin, lalong bumibigat ang pasanin ng mga tsuper at operator. Samantala, itinutulak ng pamahalaan ang World Bank-funded Jeepney Phaseout na nagbabanta sa kabuhayan ng maliliit na operator at nagbubukas ng pampublikong transportasyon sa malalaking negosyo at dayuhang institusyong pinansyal. Sa gitna ng taas-presyo, mababang sahod, at pagpapatupad ng World Bank-funded Jeepney Phaseout, makiisa sa laban ng tsuper at mamamayan!

DUMALO AT MAGPADALO!

SAAN: Japanese Garden
KAILAN: September 29, 2026 | 12 PM




๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง | ๐—™๐—ข๐—–๐—จ๐—ฆ๐—˜๐—— ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—•๐—ฅ๐—”, ๐—ก๐—”๐—š๐——๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐— ๐—•๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ข๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐——Muli na namang nakatanggap ng ulat mula sa ...
27/09/2026

๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง | ๐—™๐—ข๐—–๐—จ๐—ฆ๐—˜๐—— ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—•๐—ฅ๐—”, ๐—ก๐—”๐—š๐——๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐— ๐—•๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ข๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐——

Muli na namang nakatanggap ng ulat mula sa mga lokal ng Luba at Villaviciosa, Abra patungkol sa muling pagpapatuloy ng military operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing lugar mula pa kahapon, Setyembre 26.

Malaki ang pangamba ng komunidad para sa kanilang kaligtasan dahil sa focused military operations ng AFP sa Abra magmula pa noong nakaraang buwan.

NAGPAPATULOY ANG TAKOT AT PANGAMBA SA ABRA

Malaking bahagi ng tumitinding militarisasyon sa Abra ang pagtutulak sa pagtatayo ng 2000 ektrayang military complex sa lugar. Sakop ng pinaplanong military complex ang mga lupang ninuno ang sakahan sa Luba at Villaviciosa. Bukod pa rito, magiging panibagong base ito ng AFP kasama ng mga naghaharing uring amo ng mga ito. Mula dito, malaki ang pagtutol ng komunidad sa nasabing military complex dala ng epekto nito sa kanilang kaligtasan at lupang ninuno.

Hindi na bago ang patuloy na militarisasyon sa kanayunan, gayundin kung paano nito ilarawan ang nasabing military complex. Taliwas sa sinasabi ng estado na para ito sa โ€œkaayusanโ€, ang tunay na layunin ng military complex na ito ay palalain ang militarisasyon sa Abra at maging malaking salik upang mapadali ang pagpasok ng mga malalaki at dayuhang proyekto na naglalagay sa alanganin sa kaligtasan ng komunidad, sa lupang ninuno, at kabuhayan ng mamamayan. Sa halip, lalo lamang nitong pinatutunayan na ang pinagsisilbihan ng AFP ay ang intereres ng malalaki at dambuhalang korporasyon.

PUGAD NG MGA PASISTANG MILITAR ANG MGA LUPANG KINAKAMKAM NG MALALAKING KORPORASYON

Sa ganitong konteksto, hindi na rin iba sa Abra ang ganitong hitsura ng pamamasismo ng estado. Ilang taon man ang makalipas, hinding-hindi natin malilimutan ang mga masaker ng mga pasistang militar sa mga mamamayang lumalaban para sa kanilang lupa. Nariyan ang masker sa mga munisipalidad sa Abra tulad ng nangyari sa Tineg noong 2008, sa Lacub noong 2014, ang pagpaslang kay Antonio Diwayen noong 2023 na isang sibilyan, at ang nangyaring enkwentro sa Licuan-Baay nitong nakaraang buwan. Ang mga ito ay patunay kung gaano karahas ang estado at ang mga galamay nitong militar.

Sa halip na makinig ang estado sa hinaing ng mamamayan, patuloy na ang tugon nito ay walang habas na militarisasyon at pamamasismo sa taumbayang lumalaban para sa kanilang lupa at kabuhayan.

Nananawagan ang Anakbayan UP Baguio sa lahat ng mga iskolar ng bayan at kabataan na makiisa sa paglalantad at pagtutol sa militarisasyon sa mga komunidad sa Abra. Gayundin ay makiisa sa laban ng mamamayan para sa kanilang lupa, buhay, at karapatan.

Ito ay nagpapatuloy na kwento at pahayag.

MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!



26/09/2026

๐‘ป๐‘ผ๐‘ด๐‘จ๐‘จ๐‘บ ๐‘ต๐‘จ ๐‘ฉ๐‘จ ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐’€๐‘ถ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ฏ๐‘ฌ ๐‘ด๐‘ถ?

Sa pagtatapos ng Septyembre, muli na namang ginulantang ang mga tsuper at komyuter sa muling pagtaas ng presyo ng langis.

Matatandaan na noong Abril ay dumanas ang buong bansa ng krisis, sa pagtaas rin ng presyo ng langis dulot ng matinding gyera ng US-Israel laban sa Iran. Matinding apektado dito ang naging daloy at kalakalan ng langis mula sa Middle East patungo sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa.

Kung sa kasalukuyan, nananatiling dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ang gyerang agresyon ng US. Ngunit, kaakibat nito ay ang patuloy na palpak na pagtugon ng rehimeng Marcos sa krisis ng lipunan. Hanggang ngayon, hindi pa rin naibabasura ang Oil Deregulation Law na nag-aalis ng kontrol ng bansa sa pagtaas ng presyo at pangkalahatang daloy ng kalakalan. Gayundin, hindi pa rin naibabasura ang VAT at Excise Tax na nagdadagdag ng pasakit sa bulsa ng mamamayang Pilipino.

Karugtong nito, patuloy din ang panggigipit ng gobyerno sa mga tsuper sa muling pagratsada ng World Bank funded na jeepney phaseout. Wala itong sapat na konsultasyon sa mga tsuper na primaryang apektado. Kung sa lokalidad ng Baguio, pinaplanong gawing pilot area ang lungsod sa pagbabasura ng mga traditional jeepneys at pagpasok ng mga modern jeepneys.

Patunay ito na hindi pa rin tapos ang laban ng mga tsuper at mga komyuter!

DUMALO AT MAGPADALO!

๐Ÿ—“๏ธ September 27-29: Terminal Pakat

๐Ÿ—“๏ธ September 29: Kapihan Sa Terminal
๐Ÿ“Japanese Friendship Park
๐Ÿ•• 12 NN - 1 PM

OIL DEREGULATION LAW, IBASURA!
VAT AT EXCISE TAX, TANGGALIN!





PWEDE MAGTANONG? ISA KA BANG KABATAANG GALIT SA KORAPSYON?Sumali na sa Anakbayan UP Baguio! Dumalo at magpadalo sa mass ...
23/09/2026

PWEDE MAGTANONG? ISA KA BANG KABATAANG GALIT SA KORAPSYON?

Sumali na sa Anakbayan UP Baguio!

Dumalo at magpadalo sa mass oryentasyon ng pinaka komprehensibong pambansang demokratikong pangmasang organisasyon ng mga kabataan!

Mula Malcolm Square hanggang Mendiola, hinding hindi pa tapos ang laban ng taumbayan, kaya't muling inaanyayahan namin ang mga estudyante ng UP Baguio na makiisa sa pagsusulong ng libu-libong estudyante sa lipunang malaya!

LUMALAKAS, LUMALAWAK, LUMALABAN!
SUMALI NA SA ANAKBAYAN UP BAGUIO!
๐Ÿ—“๏ธ 9.24.2026
๐Ÿ•ง 6PM
๐Ÿ“ ALUM LOBBY


๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ต ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฉ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต ๐‘ผ๐‘ท ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ผ๐‘ฐ๐‘ถ!Galit ka na ba sa bulok na sistema? Galit ka na ba sa korapsyon?Galit ka na ba sa tamb...
23/09/2026

๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ต ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฉ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต ๐‘ผ๐‘ท ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ผ๐‘ฐ๐‘ถ!

Galit ka na ba sa bulok na sistema?
Galit ka na ba sa korapsyon?
Galit ka na ba sa tambalang Marcos - Duterte?

Sa gitna ng tumitinding krisis panlipunan, dalhin ang galit sa pagkilos at pag-oorganisa. Sumali sa ANAKBAYAN UP BAGUIO!

๐Ÿ”— https://forms.gle/Szgwsa9TQDhr3GeS9
๐Ÿ”— https://forms.gle/Szgwsa9TQDhr3GeS9
๐Ÿ”— https://forms.gle/Szgwsa9TQDhr3GeS9

LUMALAKAS. LUMALAWAK. LUMALABAN.


Address

Baguio City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan UP Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan UP Baguio:

Shortcuts

Share