21/09/2026
Sa paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, muling binibigyang-diin ng ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐๐น๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐จ๐ป๐ถ๐ณ๐ถ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐๐๐จ๐ ๐จ๐ฃ๐) na hindi kailanman dapat burahin, baluktutin, o pagtakpan ang madilim na kabanatang ito ng ating kasaysayan. Sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr., ang ipinangakong โkaayusan at kapayapaanโ ay naging tabing sa isang rehimen na dumakmal ng kapangyarihan, sumupil sa kalayaan, at lumabag sa mga karapatang pantao. Ipinasara at ikinontrol ang midya, dinakip at nakaranas ng tortyur ang mga kritiko at aktibista, at may mga desaparecidos pa rin na hinahanap ng kani-kanilang mga pamilya kahit na ilang dekada na ang lumipas. Sa halip na protektahan ang mamamayang Pilipino, ginamit ang makinarya ng estado upang patahimikin ang mga kumakalaban at kumukuwestiyon sa rehimen. Kasabay nito, naging instrumento rin ang diktadura sa pagkakamkam ng kapangyarihan at yaman ng pamilyang Marcos at kanilang mga ka-alyado, habang ang mga ordinaryong Pilipino ay patuloy na nagdusa sa epekto ng korapsyon, pang-aabuso, at krisis pang-ekonomiya.
๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ธ ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ธ๐๐ฎ๐ฑ๐๐ฟ๐ฎ.
Iniwan din nito ang mga pamilyang patuloy na naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay, mga patuloy na humihingi ng katarungan, at isang bansang patuloy na humaharap sa epekto ng korapsyon, pag-aabuso sa kapangyarihan, at pagkakait sa mamamayan ng kanilang mga karapatan.
Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Sa gitna ng mga isyu at imbestigasyon kaugnay ng mga flood control projects, muling lumilitaw ang problema ng korapsyon sa paggamit ng pondo ng bayan. Habang bilyun-bilyong piso ang inilalaan para sa mga proyektong dapat sana ay magsisilbing proteksyon sa mga Pilipino laban sa baha, marami pa rin ang nagtatanong kung saan napupunta ang pera ng bayan at kung sino ang tunay na nakikinabang dito. Hindi katanggap-tanggap na may mga Pilipinong nalulubog sa baha habang ang pondong inilaan para sa kanilang kaligtasan ay nasasangkot sa korapsiyon. Ang pondo ng bayan ay para sa bayan at hindi para sa bulsa ng mga tiwali. Hindi natin hahayaang maging normal ang ganitong kalakaran kung saan ang mga nasa kapangyarihan ay patuloy na nakikinabang habang ang mga normal na mamamayan ang nagdurusa dahil sa inkompetensiya ng mga nakaluklok.
Hindi dapat maging instrumento ang paglimot upang burahin ang patuloy na hinahanap na pananagutan. Sa pag-alala ng Martial Law ay hindi lamang basta-basta ang naiwan na aral ang ating kailangang tandaan datapwat ito ay dapat maging isang kaalaman sa bawat isa kung bakit mahalaga ang malayang pamamahayag, kalayaan sa pagpapahayag, at isang pamahalaang naglilingkod sa mamamayan.
Kaya naman, nananawagan ang CADUA UPB at bilang mga kabataan at mag-aaral sa sambayanang Pilipino na huwag manahimik at huwag makalimot. Hindi natin hahayaang mabura sa kasaysayan ang mga krimen ng Martial Law at hindi rin natin hahayaang maulit ang kultura ng korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan sa kasalukuyan. ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐ต๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ธ๐๐ถ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป. Hindi tayo titigil sa paghahabol at paniningil sa mga nagkasala at kumamkam sa kaban ng bayan. Hindi natin papayagang ang kasinungalingan at pagtatakip-sala ang mananaig. Mananatili tayong mga bantay ng kasaysayan at patuloy na lalaban para sa isang lipunang may tunay na pananagutan, kalayaan, at hustisya.
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
๐๐๐๐ฟ๐ ๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐!