09/10/2026
Ang Alpha Kappa Rho – Balagtas Municipal Council ay nagbibigay ng pormal na paglilinaw kaugnay sa pagkakabanggit sa pangalan ng Alpha Kappa Rho sa insidenteng kinasasangkutan ni Marnie Santos, a.k.a. “Une Santos.”
Nais naming ipabatid sa lahat ng kinauukulan at sa publiko na si Marnie Santos, a.k.a. “Une Santos,” ay matagal nang hindi kabilang o kaanib sa Alpha Kappa Rho – Balagtas Municipal Council at hindi na kumakatawan sa aming organisasyon.
Dahil dito, ang anumang personal na gawain, kilos, o insidenteng kanyang kinasasangkutan ay hindi dapat iugnay o ituring na kinatawan ng Alpha Kappa Rho – Balagtas Municipal Council.
Ang memorandum na ito ay inilabas upang malinaw na maipabatid ang aming posisyon at maiwasan ang anumang maling impormasyon o pagkakaunawaan hinggil sa nasabing usapin.