Benhur Abalos

Directions

Benhur Abalos Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Benhur Abalos, Government Official, Balamban.

29/09/2026
The legacy of Balangiga reveals an enduring truth: Filipinos are never defined by the trials that confront us, but by th...
29/09/2026

The legacy of Balangiga reveals an enduring truth: Filipinos are never defined by the trials that confront us, but by the fierce resolve, unity, and courage with which we choose to stand.

The challenges we face, whether historical oppression or modern adversity, do not dictate our identity. Instead, our spirit is forged in how ordinary citizens come together, bound by love for country and a commitment to one another, to turn moments of hardship into triumphs.

Yet, history reminds us that standing up is only half the battle. Learning from the lessons of our past, we must act not only with courage, but also with the wisdom needed to navigate complex challenges and avoid the pitfalls that lie ahead. We are defined not by the storms we encounter, but by our capacity to overcome them with strategic foresight and unwavering strength.

It was quite an eye-opening trip to Eastern Samar, and my hope is that this part of our nation’s history will continue to be taught to the youth, inspiring future generations to stand with courage, resolve, and wisdom.


Isang malaking karangalan ang makatayo rito sa makasaysayang Balangiga.Ang lugar na ito ay patunay ng sakripisyo at tapa...
29/09/2026

Isang malaking karangalan ang makatayo rito sa makasaysayang Balangiga.

Ang lugar na ito ay patunay ng sakripisyo at tapang ng mga Pilipino laban sa pang-aapi ng mga dayuhan.

Noong Setyembre 28, 1901, ang mga mamamayan ng Balangiga, gamit lamang ang mga bolo at ang tunog ng kampana bilang hudyat, ay nagkaisa upang lumaban sa pang-aabuso ng mga sundalong banyaga.

Ang tagumpay na ito ay naging isa sa pinakadakilang simbolo ng ating paglaban para sa kalayaan.

Tatlong mahalagang aral ang iniwan sa atin ng Balangiga Encounter:

1. Ang tapang ay nagmumula sa mga ordinaryong mamamayan.

2. Walang papantay sa lakas at tapang ng isang komunidad kapag ang mga tao ay nagkaisang ipaglaban ang kanilang karapatan.

3. Kailangang ipasa ang kasaysayang ito sa mga susunod na henerasyon.

Noong 1901, ang Kampana ng Balangiga ay tumunog bilang hudyat ng laban. Ngayon, ang tunog ng Kampana ng Balangiga ay panawagan upang tumindig ang bawat Pilipino nang may buong tapang, pagmamahal sa bayan, kahandaan, at paglilingkod.

The Philippines will not be defined by the challenges that confront us, but by how we, as Filipinos, choose to face them.

Maraming salamat. Mabuhay ang Balangiga at ang Eastern Samar!


28/09/2026

The Office of the Cabinet Secretary recognizes the vital role of community volunteers in strengthening disaster preparedness and emergency response as the Anti-Crime and Community Emergency Response Team (ACCERT) holds its 10th founding anniversary.

I would like to thank the ACCERT officers and volunteers from Luzon, Visayas, and Mindanao for a decade of service to communities.

Volunteer organizations are especially important in a country regularly exposed to typhoons, earthquakes, flooding, fires, and other emergencies, where government personnel and resources may not always be enough to immediately cover every affected community.

The first response is always local. That is why our neighbors, barangays, and trained community volunteers are often the first to assist even before formal emergency teams arrive.

When organized and properly trained, volunteers help extend the reach of government by providing additional personnel, local knowledge, equipment, and immediate support during emergencies.

Organization and training are essential for volunteer groups to effectively complement police, firefighters, medical personnel, and disaster-response agencies.

ACCERT’s nationwide network of volunteers is an important force multiplier in helping government respond to emergencies and build community resilience. Volunteerism should be the broader goal of ensuring that government is felt at the community level.


Sa bawat sakuna, ang unang pagtugon ay laging nagmumula sa lokal na antas, kung kaya't napakahalaga ng papel ng ating mg...
28/09/2026

Sa bawat sakuna, ang unang pagtugon ay laging nagmumula sa lokal na antas, kung kaya't napakahalaga ng papel ng ating mga trained volunteers na siyang force multiplier ng pamahalaan. Kayo ang agarang saklolo bago pa man makarating ang pormal na rescue teams. Saludo ako sa ACCERT sa sampung taon ninyong walang-sawang paglilingkod at dedikasyon sa taumbayan.

Mabuhi ang tanan!


27/09/2026

Ilan lamang po ito sa napakaraming kaganapan na ating nilahukan nitong mga nagdaang araw.

Ito ay mga inisyatibong ating patuloy na tinututukan at itinutulak.

Mula sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng agrikultura, pagpapaigting ng lokal na pamamahala, pakikipag-ugnayan sa sektor ng kababaihan sa negosyo, at pagtaguyod sa lokal na kalakalan, hanggang sa pagpapadala ng tulong mula sa MMDA para sa bumagsak na tulay sa Tarlac, nakahanda tayong magsumikap at makipagbayanihan upang masiguro na ang bawat programa, tulong, at proyekto ng pamahalaan ay direktang nararamdaman ng bawat pamilyang Pilipino.

Tuloy tuloy lang po tayo sa walang sawang serbisyo. Trabaho lang po tayo ng todo.


26/09/2026

Agad tayong kumilos sa malinaw na utos ng ating Pangulong Bongbong Marcos upang siguraduhing ligtas ang bawat mamamayan ng Tarlac.

Hindi maaaring hayaan na maitaya ang buhay ng ating mga kababayan, lalo na ng mga estudyanteng pumapasok sa paaralan, dahil lamang sa nasirang tulay.

Sa pagtutulungan ng Office of the Cabinet Secretary, MMDA, at ng Tarlac City Government, agad nagpadala ang pamahalaan ng mga rubber boats, pontoons, at rescue equipment para magsilbing ligtas at pansamantalang tawiran.

Ang aksyong ito ay patunay na kapag may krisis, buo ang koordinasyon at mabilis ang responde ng ating gobyerno.

Habang patuloy ang pagkumpuni sa Aquino Bridge, mananatili ang mga kagamitan at tauhan sa lugar upang gabayan at tulungan ang mga residente.

Nakikiisa ang ating Pangulo sa buong Tarlac, at makakasa kayo na hindi natin kayo iiwan hangga't hindi ganap na naibabalik ang maayos at ligtas na daanan para sa lahat.


No major crisis in our history was ever solved by a single individual working alone. Real, lasting solutions require all...
26/09/2026

No major crisis in our history was ever solved by a single individual working alone. Real, lasting solutions require all of us at the table.

As a designated bridge-builder and troubleshooter in my line of work, my priority in the Office of the Cabinet Secretary is to bring together diverse political forces, civil society sectors, and varied perspectives toward one shared goal: a stronger, more steadfast Philippines.

Political differences should never stand in the way of efficient public service.

When we dismantle the walls that divide us and focus on what unites us, we turn fragmented efforts into decisive, nationwide action.

Through collective cooperation, we ensure that every government response is comprehensive, inclusive, and truly felt by every Filipino.


24/09/2026

Isang karangalan ang makasama kayo sa makasaysayang okasyong ito at maging bahagi ng inyong opisyal na panunumpa sa tungkulin.

Ang araw na ito ay may natatanging kahalagahan hindi lamang para sa inyo kundi para sa buong rehiyon.

Ang inyong panunumpa ay kasunod ng makasaysayang unang Bangsamoro Parliamentary Election na isang mahalagang yugto sa pagpapatibay ng demokrasya at self-autonomy sa Bangsamoro.

Nais ko ring ipaabot ang aking taos-pusong pagbati at pakikiisa sa buong pamayanan ng Poon-A-Bayabao, Lanao del Sur, na saksi sa inyong walang sawang pagmamalasakit at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Ang inyong kakayahan at puso para sa paglilingkod bilang kinatawan ng 4th District ng Lanao del Sur ay isang malaking asset sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaunlaran, at magandang pamamahala sa buong lalawigan at sa BARMM.

Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Maykapal sa inyong bagong kabanata ng pamumuno. Makaaasa kayo sa aking patuloy na suporta sa inyong mga layunin at programa para sa mamamayan.

Isang mainit na pagbati sa inyo, MP DOC LAMPA PANDI! Mabuhay kayo at ang mga taga Poon-A-Bayabao!


Taos-puso ang aking pakikiramay sa pamilya, mga mahal sa buhay, at mga kababayan ni Quirino Province Governor Dax Cua sa...
17/09/2026

Taos-puso ang aking pakikiramay sa pamilya, mga mahal sa buhay, at mga kababayan ni Quirino Province Governor Dax Cua sa napakalaking pagkawala na ito.

Masakit para sa akin ang pagpanaw ni Dax, hindi lamang bilang isang gobernador at lingkod-bayan, kundi bilang isang kaibigan na aking pinahalagahan at iginalang.

Mananatili sa aking puso ang mga alaala ng aming pagkakaibigan, gayundin ang kanyang malasakit at dedikasyon sa kanyang mga kababayan.

Nawa’y bigyan ng Panginoon ang kanyang pamilya ng lakas at kapanatagan sa panahon ng matinding pagluluksa.

Makakaasa kayo sa aming panalangin at pag-alala 🙏🏻

Address

Balamban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Benhur Abalos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share