Balanga City Administratör's Office
HOTLINE #0977-026-8067
MISSION : “To implement strategies for dynamic administration where all programs are properly implemented thru efficient monitoring of public services and coordination of work of all offices of the City Government.”
29/05/2026
𝘾𝙊𝙉𝙂𝙍𝘼𝙏𝙐𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝙎, 𝙅𝙀𝙎𝙎 𝙎𝙔𝙍𝘼𝙃 𝘿𝙀 𝙅𝙀𝙎𝙐𝙎: 𝙂𝙊𝙇𝘿 𝙈𝙀𝘿𝘼𝙇𝙄𝙎𝙏 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙇𝘼𝙍𝙊𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙈𝘽𝘼𝙉𝙎𝘼 2026!
Isang napakalaking karangalan at kasiyahan para sa Lungsod ng Balanga na makita ang isa nating kabataang atleta na patuloy na umaangat at nagdadala ng inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng kanyang husay, dedikasyon, at tagumpay.
Sa una pa lang kitang nakita, ramdam ko na ang taglay mong lakas ng loob, determinasyon, at puso ng isang tunay na kampeon. At ngayon, mas lalo mong pinatunayan na kayang abutin ng kabataang Balangueño ang kanilang mga pangarap basta may sipag, tiyaga, at paniniwala sa sarili.
Hindi lang medalya ang naiuwi mo, kundi dangal at malaking pagmamalaki para sa buong lungsod ng Balanga. Isa kang inspirasyon sa kapwa mo kabataan na mangarap nang mataas, magsumikap, at patuloy na lumaban para sa kanilang mga pangarap.
Ipagpatuloy mo lang ang pag-abot sa mas marami pang tagumpay. Nandito lang kami, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod, na sumusuporta at naniniwala sa iyo.
We are truly proud of you!
𝘗𝘢𝘨𝘣𝘢𝘵𝘪 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘢 𝘔𝘢𝘺𝘰𝘳 𝘙𝘢𝘲𝘶𝘦𝘭 𝘎𝘢𝘳𝘤𝘪𝘢 𝘢𝘵 𝘝𝘪𝘤𝘦 𝘔𝘢𝘺𝘰𝘳 𝘍𝘳𝘢𝘯𝘤𝘪𝘴 𝘎𝘢𝘳𝘤𝘪𝘢, 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘺𝘦𝘮𝘣𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘯𝘪𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘭𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘢𝘵 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘸𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢
28/05/2026
𝘽𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂𝘼 𝙈𝘼𝙄𝙉𝙏𝘼𝙄𝙉𝙎 𝙄𝘿𝙀𝘼𝙇 𝙇𝙀𝙑𝙀𝙇 𝙊𝙁 𝙁𝙐𝙉𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇𝙄𝙏𝙔 𝙁𝙊𝙍 𝘾𝙃𝙄𝙇𝘿 𝙋𝙍𝙊𝙏𝙀𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉 2026
Good news para sa City of Balanga!
Very proud po akong i-share na na-maintain ng ating lungsod ang IDEAL LEVEL OF FUNCTIONALITY sa 2026 LCPC Functionality Assessment. Ito po ang pinakamataas na level kaya't napakalaking achievement po ito.
Ibig sabihin, nananatiling ligtas at child-friendly ang Balanga, kung saan laging inuuna ang karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat bata.
Hindi ito tagumpay ng LGU lamang. Malaking pasasalamat po sa ating mga barangay, schools, partner agencies and organizations, at sa buong community. Dahil sa sama-samang efforts at support ng bawat isa, naabot at napanatili natin ito.
Bilang lungsod na kahanga-hanga at mapagkalinga, patuloy tayong magpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga bata upang sama-sama nating masiguro ang mas ligtas, maayos, at mas magandang kinabukasan ng bawat bata sa ating lungsod.
28/05/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Balanga
2100
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
