28/07/2026
Totoo nga bang ligtas ang Nukleyar power plant? Totoo nga bang bababa na ang presyo ng kuryente dahil sa Nukleyar?
Ito ang mga binigyang-diin kahapon sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Ayon sa Pangulo, "we are confident in nuclear energy's capacity to reinforce energy security, bring down electricity cost" at "perhaps it's time for us to revisit nuclear energy production."
Ang NFBM ay naninindigan na hindi ligtas ang nuclear power plant at hindi rin nito maibababa ang presyo ng kuryente.
Taliwas ito sa mga aral at karanasan ng ibang mga bansa tulad ng Japan na hanggang ngayon ay malaking suliranin ang radioactive wastewater mula sa Fukushima. Samantala ang BNPP ay lumobo ng 2 Bilyon dollar ang utang dahil sa gastos sa construction na taumbayan ang pumasan.
Mariing binanggit ng NFBM na ang mga trahedyang naganap sa Chernobyl, Three Mile Island, at Fukushima ay malinaw na nagpapakita na kahit sa mga bansang may mataas na antas ng teknolohiya, hindi kailanman ganap na maaalis ang panganib ng aksidente sa mga nuclear power plant. Bilang bansang matatagpuan sa Pacific Ring of Fire at regular na dinaraanan ng malalakas na lindol, pagputok ng bulkan, at humigit-kumulang dalawampung bagyo bawat taon, higit na nalalagay sa panganib ang Pilipinas sakaling magkaroon ng nuclear accident.
Binigyang-diin din ng NFBM na ang nuclear energy ay kabilang sa pinakamahal na pinagkukunan ng kuryente dahil sa napakalaking gastos sa pagtatayo, operasyon, seguridad, at pamamahala ng radioactive waste. Iginiit din ng kilusan na hindi nito matitiyak ang tunay na energy security ng bansa sapagkat umaasa pa rin ito sa imported na uranium bilang pangunahing fuel. Sa halip na maglaan ng bilyun-bilyong piso sa isang teknolohiyang may mataas na panganib at mahabang panahon bago maging operasyonal, nananawagan ang NFBM na ituon ang pamumuhunan sa renewable energy sources tulad ng solar, wind, geothermal, at hydropower, na mas ligtas, mas mabilis maipatupad, mas abot-kaya, at mas makakalikasan.
Pakinggan ang panawagan ng NFBM na inilahad sa isinagawang protesta, kasama ang iba't ibang organisasyon sa Kilusan para sa Pambansang Demokrasya, na ginanap kahapon sa Mendiola.
Basahin ang buong statement ng NFBM: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1534648235080988&id=100056074770101