Barangay Talisay, Balanga City, Bataan

Barangay Talisay, Balanga City, Bataan

Share

Sangguniang Barangay ng Talisay

Photos from Barangay Talisay, Balanga City, Bataan's post 24/03/2026

πŸ“’ ANUNSYO

Magandang araw po!

Ipinababatid sa lahat ng nasa listahan na kayo po ay gagawan ng BataeΓ±o Pass sa darating na:

πŸ“… Huwebes, March 26, 2026
πŸ“ Barangay Hall ng Talisay
⏰ 8:30 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon

πŸ“Œ Paalala:

Maaaring magtungo sa Barangay Hall kasama ang apat (4) na miyembro ng pamilya.
Magdala ng anumang valid Government Issued I.D.
Para sa mas mabilis na proseso, mas mainam kung National I.D. ang dalhin.

Inaanyayahan ang lahat ng kabilang sa listahan na makiisa at dumalo sa itinakdang oras.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay Talisay, Balanga City, Bataan's post 15/03/2026

Taos-pusong pagbati sa Barangay Talisay sa inyong kahanga-hangang tagumpay bilang 2nd Runner-Up sa City of Balanga 10th Fire Olympics. Ang inyong dedikasyon, disiplina, at pagtutulungan ay tunay na nagpapakita ng kahandaan at malasakit sa kaligtasan ng ating komunidad.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng inyong sipag sa pagsasanay, tibay ng loob, at malasakit sa paglilingkod sa bayan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang kakayahan sa pagtugon sa mga sakuna at pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat mamamayan.

Muli, binabati namin ang buong koponan ng Barangay Talisay sa inyong tagumpay. Ipinagmamalaki kayo ng buong komunidad!

Mabuhay ang Barangay Talisay! πŸ”₯πŸ†πŸ‘

11/03/2026

πŸ“£ ANUNSYO PARA SA IKALAWANG PA-AUDITION πŸ“£
Para sa Banga Festival Street Dance – Barangay Talisay

Inaanyayahan ang lahat ng nais maging bahagi ng Banga Festival Street Dance na sumali sa ikalawang pa-audition na gaganapin sa:

πŸ“… Petsa: Sabado, March 14, 2026
πŸ•• Oras: 6:00 ng gabi
πŸ“ Lugar: Talisay Covered Court

Mga maaaring mag-audition:

Mga Bonafide Resident ng Barangay Talisay (priority)

Mga residente ng Balanga City

Mga residente ng Bataan

πŸ“Œ Paalala:
Ang mga mapipili sa audition ay diretsong sasama na sa practice sa araw ding iyon, kaya inaasahan na ang mga kalahok ay handa na ring makilahok sa ensayo pagkatapos ng audition.

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng ating makulay na pagtatanghal para sa Banga Festival 2026!
Sumali, makiisa, at ipakita ang galing ng Barangay Talisay!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Barangay Talisay Officials.


Photos from Barangay Talisay, Balanga City, Bataan's post 10/03/2026

CONGRATS πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰1BATAAN SEAL HEALTHY BARANGAY WINNER for the Month of SEPTEMEBER TO DECEMBER 2025 at isa po tayo sa mapalad na napasama sa mga nanalo.

08/03/2026

πŸ“’ PAUNAWA SA PUBLIKO: BAGONG OFFICE HOURS

Para sa kaalaman ng lahat, magkakaroon ng pagbabago sa office schedule ng Office of the Provincial Social Welfare and Development Officer (OPSWDO) simula Lunes, Marso 9, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 (Four-Day Work Week).

🏒 OPSWDO Main Office (Capitol Compound)
Para sa technically assisted groups at sectoral organizations
πŸ“… Lunes – Huwebes
⏰ 7:00 AM – 6:00 PM
🚫 Biyernes: Walang Pasok

πŸ₯ Crisis Intervention Section
Para sa financial assistance (medical, hospital, burial)
πŸ“ 1Bataan Bagong Pilipinas Integrated Action Center
πŸ“… Lunes – Biyernes
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM

Maraming salamat po. Mangyaring i-share para sa kaalaman ng lahat.

Photos from Barangay Talisay, Balanga City, Bataan's post 04/03/2026

Isang karangalang maibahagi na ang Barangay Talisay, City of Balanga, Bataan ay pinarangalan bilang Passer ng CY 2025 Building Excellence in Service and Transparency for Barangay (BEST Barangay) ng Department of the Interior and Local Government Region III.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng sama-samang pagsusumikap, tapat na pamumuno, at malinaw na pamamahala sa ilalim ng liderato ni Barangay Captain Teresito Remo O. Camacho, katuwang ang masipag na Barangay Secretary Jhonny Cervantes, kasama ang buong Sangguniang Barangay at mga kawani.

Patunay ito na ang dedikasyon sa serbisyong may integridad, transparency, at malasakit ay nagbubunga ng tagumpay para sa ating komunidad.

Maraming salamat sa suporta ng bawat mamamayan ng Barangay Talisay. Ang parangal na ito ay para sa ating lahat!

23/02/2026

πŸ“£βœ¨ AUDITION NA! BANGA STREETDANCE 2026 βœ¨πŸ“£
Para sa mga kabataang handang rumampa, sumayaw at magpasiklab! πŸ”₯πŸ’ƒπŸ•Ί

Ang Barangay Talisay ay naghahanap ng mga energetic, talented at game na dancers na magiging proud representative natin sa darating na Banga Streetdance Competition 2026! πŸŽ‰πŸ†

πŸ“… Date: February 28, 2026
⏰ Time: 5:00 PM
πŸ“ Venue: Talisay Covered Court

Kung ikaw ay:
βœ… Mahilig sumayaw
βœ… May energy at stage presence
βœ… Handang mag-training at magbigay ng commitment
βœ… Proud maging representante ng Barangay Talisay

πŸ‘‰ Ito na ang chance mo! Ipakita ang galing, ilabas ang confidence, at patunayan na ang Talisay ay may pusong panalo! πŸ’šπŸ’›

Magdala lamang ng:
βœ”οΈ Comfortable dance attire
βœ”οΈ Tubig
βœ”οΈ Good vibes at malaking ngiti πŸ˜„

Tara na at sabay-sabay nating isigaw:
β€œTALISAY, GALING AT DISIPLINA!” πŸ”₯

23/02/2026

πŸ“’ ANUNSYO SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY TALISAY πŸ“’

Ipinababatid po ng Pamahalaang Barangay ng Talisay sa lahat ng mga residente na hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ang kanilang NATIONAL I.D. (PhilSys ID) na maaari na po itong kunin sa ating Barangay Hall.

πŸ“ Lugar: Barangay Hall ng Talisay
πŸ•— Oras: Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon

Mangyari lamang pong magdala ng anumang valid ID o dokumento na maaaring magpatunay ng inyong pagkakakilanlan.

Para sa mga magulang o kinatawan na kukuha para sa kapamilya, kinakailangan pong magdala ng authorization letter at valid ID ng may-ari ng National ID.

Inaanyayahan po ang lahat na agad na kunin ang kanilang National ID upang maiwasan ang abala at para magamit sa mga transaksyon sa pamahalaan at pribadong institusyon.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

β€” Pamahalaang Barangay ng Talisay

1. June Tuazon Mercado
2. Ludanie Abelgas Remis
3. Francheska Louisse Galeria Aguirre
4. Fatima Casamayor Tumlos
5. Jan Venice Cruz Punzalan
6. Jean Cyra Azurin Perez
7. Catherine Nirel Buenaventura Malibiran
8. Ronaldo Cruz Sanchez
9. Efren Cari Lizardo
10. Jasmin Santiago Paule
11. Romalyn Santos Delos Santos
12. Kimverly Magsino Pineda
13. Marilyn Beninsig De Leon
14. Kyrie Jrue David Simundac
15. Renato Rodis Bautista Jr.
16. Ayesha Mae Quiaoit Taclan
17. Kyle Jane Dionisio Mendoza
18. Ma. Celestina Malibiran De Leon
19. Erickson Sagum Santos
20. Mary Grace Dimla Velasco
21. Leslie Perio Gonio
22. Beanca Denise Mendoza Sico
23. Jessie Tungcul Ballad
24. Robert Arandia Sierra Jr.
25. Joshly Baluyot Santos
26. John Lorenz Gerella Izon
27. Rommel Castro Santos

Philippine Statistics Authority

18/02/2026

https://www.facebook.com/share/p/181ResQrXa/

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA

Ang SPES Balanga City ay magbubukas ng SPES Registration para sa:

βœ”οΈ Incoming Grade 11
βœ”οΈ Incoming Grade 12
βœ”οΈ Incoming 1st Year College / Applying for "NEW" Iskolar ng Bataan

πŸ“… February 23, 2026 (Lunes)
⏰ 6:00 PM

⚠️ Limited slots lamang at ito ay first come, first served basis.

πŸ”” Mangyaring maghintay ng hiwalay na post kung saan ilalabas ang official registration link.

πŸ“Œ PAALALA:
Pinapayuhan ang lahat ng interesadong aplikante na maghanda na ng Certified True Copy ng kanilang Class Card (hanggang 3rd Grading Period) sakaling magtakda ng schedule para sa submission ng requirements.

πŸ“Œ Para sa OLD at NEW Iskolar, mangyaring maghintay ng hiwalay na anunsyo para sa inyong SPES registration.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Want your business to be the top-listed Government Service in Balanga?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


JP Rizal Street, Talisay
Balanga
2100

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm