27/05/2024
𝐌𝐀𝐘 𝐅𝐋𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 2024
Ang SK ng Barangay Lote ay naki-isa sa pag-diriwang ng May Flower Festival. Ito ay ginanap nung nakaraang linggo (May 25).
Maraming salamat po sa ating masipag na Punong Barangay Kapt. Ricardo Sioson Jr., pati na rin ang buong Sangguniang Barangay, barangay tanod at sa ating Hermana Beth Enriquez. Maraming salamat po sa naging parte ng ating selebrasyon!
24/03/2024
𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 𝐃𝐚𝐲 | March 23,2024
Sa pangunguna ni Hon. Ricardo Sioson, punong barangay ay matagumpay na nairaos ang Barangay Assembly Day.
Ang Sangguniang Kabataan ay nakilahok sa programa na ito bilang pakiki-isa at partipasyon upang mas maging maalam sa mga usapin na kinakaharap ng ating komunidad.
Ang Barangay Assembly ay isinasagawa dalawang beses kada taon, ayon sa ipinag-uutos ng lokal na pamahalaan. Ito ay para mapag usapan ang mga isyu at problema ng ating Barangay at mabigyan aksyon. Ang mga residente ay malayang naki-isa sa mga gawain na isinagawa.
Makialam! Makilahok! Makiisa!
19/03/2024
Kilalanin natin ang — Pederasyon ng Lungsod ng Balanga.
Mula sa mga opisyal nito hanggang sa iba pang mga kasapi nito, ang Sangguniang Kabataan Federation of the City of Balanga (SKF-COB) ay binubuo ng 25 SK chairpersons mula sa bawat barangay ng ating siyudad.
Karamihan sa kanila ay mga kasalukuyan pang nag-aaral, habang ang iba naman ay mga nakapagtapos na at nagtatrabaho na rin.
Pero kahit pa man may mga kani-kaniyang pinagkakaabalahan, sinisikap pa rin ng bawat isa sa kanilang matugunan ang tawag ng paglilingkod sa kapwa nila kabataan.
Kaya kilalanin silang mabuti, para alam ninyo kung sino ang sasabihan ninyo ng:
SK, BAKA NAMAN?
11/02/2024
𝐂𝐎𝐋𝐎𝐑 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐑𝐔𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐙𝐔𝐌𝐁𝐀 2024
Sa pagdaraos ng Buwan ng Pag-ibig, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Lote Puerto Rivas ay nagsagawa ng "Color Love Run and Zumba" ngayong ika-11 ng Pebrero, taon 2024. Sa pakikiisa ng ating punong barangay Kgg. Ricardo Sioson Jr, mga iskolar, mga barangay tanod, at ang masisipag na mamamayan ng ating barangay bawat purok.
Itong aktibidad ay isinagawa upang magkaraon ng mabuting kalusugan at pangangatawan sa pamamagitan ng pagtakbo at pagsayaw.
Nawa'y ang lahat ng nakilahok ay nasiyahan, at ang Sangguniang Kabataan ng Lote ay nagalak sa suporta na inyong ibinigay. Kami po ay patuloy na maghahandog ng pagmamahal at kasiyahan.Maraming Salamat po!
09/02/2024
𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗥𝗨𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔 🏃♂️❤️🌈
TA-RUN NA BESHY! Ngayong nalalapit na araw ng Pag-Ibig, Iniimbitahan namin kayo na makitakbo at hataw sa darating na Linggo, February 11,2024 alas 5 ng umaga.
SINGLE? MAY JOWA?
THIRDWHEEL?
No problem! Maaari mong isama ang iyong kaibigan o pamilya.
WHERE: Barangay Hall of Lote Pto. Rivas
WHAT TO WEAR?
- White T Shirt
- Jogging Pants/ Shorts / Leggings
- Rubber Shoes
- Sunglasses (Optional)
WHAT TO BRING
- Extra Shirt
- Towel
Read the images below for more information.
27/01/2024
𝐀𝐒𝐈𝐀𝐍 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑𝐁𝐈𝐑𝐃 𝐂𝐄𝐍𝐒𝐔𝐒 2024
Ang ating Sk Chairperson, Kgg. Ranilo Jr. T. Cahutay ng Barangay Lote Pto. Rivas ay nakiisa sa Asian Waterbird Census na ginanap rin ngayong ika-27 ng Enero, taon 2024.
Ang pag c-census na ito ay taon-taong isinasagawa tuwing buwan ng Enero.