Bataan Provincial Health Office

Directions

Bataan Provincial Health Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bataan Provincial Health Office, Government Organization, Old Capitol Building, Capitol Compound, Balanga.

10/10/2026

HEALTH TIPS: KALUSUGAN MO, USAP TAYO! | OCTOBER 10, 2026

Na-kumusta mo na ba ang mga mahal mo sa buhay?Maging safe space tayo ng isa’t isa, lalo na ng ating pamilya. 👨‍👩‍👧‍👦✅Mak...
10/10/2026

Na-kumusta mo na ba ang mga mahal mo sa buhay?

Maging safe space tayo ng isa’t isa, lalo na ng ating pamilya. 👨‍👩‍👧‍👦

✅Makinig nang may pag-unawa upang maiparamdam na hindi sila nag-iisa
✅Makipag-usap kung may mabigat na pinagdadaanan
✅Magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar



Kumusta?
Na-kumusta mo na ba ang mga mahal mo sa buhay?

Maging safe space tayo ng isa’t isa, lalo na ng ating pamilya. 👨‍👩‍👧‍👦

✅Makinig nang may pag-unawa upang maiparamdam na hindi sila nag-iisa
✅Makipag-usap kung may mabigat na pinagdadaanan
✅Magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar





06/10/2026

STAY ALIVE: STRENGTHENING SU***DE RISK ASSESSMENT AND DEBRIEFING SKILL FOR HEALTHCARE WORKERS

Upang masigurong nagpapatuloy ang abot-kamay na paghahatid ng serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, ginanap ang isang workshop para sa mga healthcare workers ng mga RHUs dito sa Bataan.

Ito rin ay bilang tugon sa banta ng pagtaas ng kaso ng su***de sa bansa.

Kabilang sa mga ibinahagi ay ang kasanayan sa pagbibigay ng tamang gabay at pag-alalay sa mga indibidwal na nagtangka at nakaligtas mula sa su***de.

Ipinapaalam naman ng Bataan Provincial Health Office sa lahat ang ang 12 LGUs sa Bataan ay mayroon nang accredited Meantal Health Access Sites na bukas at handang magbigay serbisyo para sa mga nangangailangan ng libreng propesyonal na tulong.

Magtungo lamang sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar para sa schedule. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masayang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

HUWAG KALIMUTAN IPA-NEWBORN SCREEN SI BABY!Ang newborn screening (NBS) ay isang pagsusuri na isinasagawa sa mga sanggol ...
05/10/2026

HUWAG KALIMUTAN IPA-NEWBORN SCREEN SI BABY!
Ang newborn screening (NBS) ay isang pagsusuri na isinasagawa sa mga sanggol makalipas ang 24 oras pagkapanganak. Ito ay upang malaman kung ang sanggol ay mayroong congenital metabolic disorder at nang sa ganon ay mabigyan ng agarang aksyong medikal sakaling magpositibo siya sa congenital metabolic disorders at maagapan din ang maagang pagkamatay.

Kung kaya't ngayong National Newborn Screening Week, sigaw ng Bataan Provincial Health Office ay "Iligtas si baby sa intellectual disability at maagang pagkamatay, ipa-Newborn Screening si baby!"

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at mapagkalingang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

ALAK, DAGDAG PANGANIB SA PUSO!Ayon sa Department of Health, ang pag-inom ng alak ay nagpapataas ng blood pressure at maa...
29/09/2026

ALAK, DAGDAG PANGANIB SA PUSO!
Ayon sa Department of Health, ang pag-inom ng alak ay nagpapataas ng blood pressure at maaaring pataasin ang panganib ng stroke at atake sa puso.

Pangalagaan ang puso, umiwas sa alak dahil kahit pa ang katamtaman at bihirang pag-inom nito ay may kaakibat na panganib sa mga organo.

Kumustahin na rin ang estado ng inyong kakilala, kaibigan, at kapamilya. Oras na para sila'y tumanggi sa alak. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masaya at malusog na komunidad para sa matatag na pamilyang Bataeño.

ALAMIN ANG MGA SINTOMAS NG DENGUE!Kung ikaw o miyembro ng inyong pamilya ay may lagnat, lalo na kung may kasamang matind...
29/09/2026

ALAMIN ANG MGA SINTOMAS NG DENGUE!
Kung ikaw o miyembro ng inyong pamilya ay may lagnat, lalo na kung may kasamang matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagsusuka, o pagkakaroon ng pantal, magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility.

Ang maagang pagpapatingin at tamang gamutan ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng dengue.

Ugaliin ding gawin ang Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang maiwasan ang pagdami ng lamok at pagtaas ng panganib na dulot nito.

Ang banta ng rabies ay maaaring maiwasan kung ang tagapangalaga ay responsable. Upang makaligtas sa pangamba, sundin ang...
28/09/2026

Ang banta ng rabies ay maaaring maiwasan kung ang tagapangalaga ay responsable. Upang makaligtas sa pangamba, sundin ang 4 na simpleng gawain:

1. Makipag-ugnayan sa beterinaryo o sa barangay/LGU para sa bakuna ng alaga
2. Huwag hayaang gumala ang alagang hayop
3. Huwag hawakan o lapitan ang 'di kilalang hayop
4. Sumali sa mga barangay/LGU pet vaccination drives para sa libreng bakuna

Ngayong World Rabies Day, mas patatagin ang responsableng komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño. Maging ResPAWnsible Pet Owner to Stay PAW-tected!

Stronger Together! Sama-samang labanan ang rabies!

MOVE MORE, EAT RIGHT!Upang hindi maging obese at maiwasan ang tyansang magkaroon ng non-communicable disease gaya ng sak...
23/09/2026

MOVE MORE, EAT RIGHT!
Upang hindi maging obese at maiwasan ang tyansang magkaroon ng non-communicable disease gaya ng sakit sa puso, type 2 diabetes, hypertension, stroke, cancer, at osteoarthritis. Bigyan ang sarili ng oras para gumalaw, maglakad, mag-ehersisyo o sumayaw; at sundin ang 10 Kumainments:

I. Kumain ng iba't-ibang pagkain.
II. Sa unang 6 months ni baby, breastfeeding lamang; mula 6months, bigyan din siya ng ibang angkop na pagkain.
III. Kumain ng gulay at prutas araw-araw.
IV. Kumain ng isda, karne, at ibang pagkaing may protina.
V. Uminom ng gatas; kumain ng pagkaing mayaman sa calcium.
VI. Tiyaking malinis at ligtas ang ating pagkain at inumin.
VII. Gumamit ng iodized salt.
VIII. Hinay-hinay sa maaalat, mamantika at matatamis.
IX. Panatilihin ang tamang timbang.
X. Maging aktibo. Iwasan ang alak; huwag manigarilyo.

Bigyang pansin ang timbang hindi lamang para sa panlabas na itsura, kundi para na rin sa kalusugan at haba ng buhay. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang aktibong komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

Ang leukemia ay nananatiling isa sa Top 5 killer cancers sa Pilipinas at ika-9 sa mga pinakakaraniwang uri ng kanser sa ...
22/09/2026

Ang leukemia ay nananatiling isa sa Top 5 killer cancers sa Pilipinas at ika-9 sa mga pinakakaraniwang uri ng kanser sa bansa batay sa mga huling ulat ng Global Cancer Observatory (GLOBOCAN). Sa kaso ng Chronic Myeloid Leukemia (CML), naitala na mas bata ang average age ng mga pasyente sa Pilipinas (edad 38–50) kumpara sa pandaigdigang average na nasa edad 60 pataas.

Bagama't itinuturing na rare cancer ang CML dahil kadalasang walang nararamdamang sakit sa simula, mahalagang gawing habit ang regular na pangkalahatang blood checkup tulad ng Complete Blood Count (CBC).

Paalala: Kapag may napapansing hindi karaniwang pagbabago sa katawan, huwag mag-atubiling magpatingin sa pinakamalapit na healthcare provider.

HUWAG BALEWALAIN ANG MGA SINTOMAS, MAGPASURI UPANG MAKASIGURADO

Ang leukemia ay nananatiling isa sa Top 5 killer cancers sa Pilipinas at ika-9 sa mga pinakakaraniwang uri ng kanser sa bansa batay sa mga huling ulat ng Global Cancer Observatory (GLOBOCAN). Sa kaso ng Chronic Myeloid Leukemia (CML), naitala na mas bata ang average age ng mga pasyente sa Pilipinas (edad 38–50) kumpara sa pandaigdigang average na nasa edad 60 pataas.

Bagama't itinuturing na rare cancer ang CML dahil kadalasang walang nararamdamang sakit sa simula, mahalagang gawing habit ang regular na pangkalahatang blood checkup tulad ng Complete Blood Count (CBC).

Paalala: Kapag may napapansing hindi karaniwang pagbabago sa katawan, huwag mag-atubiling magpatingin sa pinakamalapit na healthcare provider.





ANO BA ANG MGA DAPAT IWASAN PARA HINDI MAGKA-CANCER?Bagamat may mga pagkakataong maaaring manahin ang sakit na cancer, a...
22/09/2026

ANO BA ANG MGA DAPAT IWASAN PARA HINDI MAGKA-CANCER?

Bagamat may mga pagkakataong maaaring manahin ang sakit na cancer, ang iyong lifestyle ay isang malaking salik pagdating sa usaping CANCER. Dahil ang paraan ng iyong pamumuhay ay maaaring magpababa o magpataas ng tyansang magkaroon ka nito.

Ayon sa World Health Organization, mayroong tatlong kategorya ang external agents na nagpapataas ng tyansang baguhin ang mga normal cells ng katawan na kalaunay nagdudulot ng cancer:

1. Chemical Carcinogens - mga kemikal gaya ng benzene na makukuha sa krudo at usok ng sigarilyo; asbestos na karaniwang ginagamit sa construction industy; formaldehyde na karaniwang nakahalo sa mga panlinis sa bahay; mga toxic fungi na makikita sa mga amag; at mga alcoholic na inumin

2. Physical Carcinogens - ultraviolet radiation na mula sa araw o sa ilaw; ionizing radiation na mula sa mga high-energy rays gaya ng x-ray.

3. Biological Carcinogens - mga virus gaya ng HPV, Hepatitis B, Hepatitis C, Epstein-Barr Virus; bacteria gaya ng H. pylori; parasitiko gaya ng blood fluke.

Ang panganib na dulot ng mga ito ay depende sa dami, dalas at tagal ng exposure kung kaya't hinihikayat ng Bataan PHO ang lahat na maging maingat, at laging piliin ang healthy lifestyle.

Address

Old Capitol Building, Capitol Compound
Balanga
2100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bataan Provincial Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share