30/03/2026
Weekly Clean - up Drive
March 29,2026
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Poblacion Balanga City, Public & Government Service, Poblacion, Balanga.
30/03/2026
Weekly Clean - up Drive
March 29,2026
22/03/2026
📢 1st Semester Barangay Assembly CY 2026
🗓 March 22, 2026
A successful and productive gathering with our community today! 💬✨ Thank you to everyone who participated, shared their voices, and stayed committed to building a stronger and more united barangay.
Together, we move forward with transparency, cooperation, and progress. 💙
11/03/2026
PhilHealth YAKAP: Yaman ng Kalusugan Program
Magandang araw po sa mga taga Barangay Poblacion!
Inaanyayahan po namin ang lahat sa gaganaping Mass Registration para sa PhilHealth YAKAP: Yaman ng Kalusugan Program sa Biyernes, March 13, 2026. Ito po ay gaganapin sa Barangay Poblacion, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.
Maari na po ninyong ihanda ang mga sumusunod upang mas mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro:• Photocopy ng Valid ID para sa mga 21 years old pataas• Photocopy ng Birth Certificate para sa mga 20 years old pababa
Ano ang PhilHealth YAKAP?✅ Ang PhilHealth YAKAP ay programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga Pilipino na mapanatili ang mabuting kalusugan at maiwasan ang mga karamdaman sa pamamagitan ng mga serbisyong pangkalusugan.
Sino ang maaaring maging bahagi nito?✅ Lahat ay maaaring makinabang—miyembro man o dependent, bata man o matanda—bilang bahagi ng programang ito para sa kalusugan ng bawat Pilipino.
Kung may katanungan po, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating mga Barangay Health Workers.
Maraming salamat po.
10/03/2026
With great pride and gratitude, we are happy to share that our Barangay has been awarded 1 Bataan Seal of Healthy Barangay for the months of September, October, and November.
Most especially, we would like to express our heartfelt gratitude to our beloved Barangay Captain Petronilo De Jesus for the unwavering support, guidance, and leadership that helped make this achievement possible.
This achievement would not have been possible without the dedication and teamwork of everyone involved. Our sincere appreciation goes to our hardworking Barangay Health Workers Midwife Rosemay Lopez and BNS Renelia de Leon for their continuous efforts in promoting health and ensuring the well-being of our barangay. We also thank our Barangay Tanods for their tireless work in maintaining cleanliness.
We would also like to extend our special thanks to our Barangay Secretary, Zami Ocampo for her dedication, continuous support, and for diligently handling and accomplishing all the necessary paperwork for the barangay.
We also extend our sincere appreciation to the SK Chairwoman Trixie Alburo and the Sangguniang Kabataan Kagawad for their support, cooperation, and active participation in helping achieve this recognition for our barangay.
Congratulations to our Barangay Council and everyone who contributed to this success. Together, we continue to work for a healthier, cleaner, and better barangay. 🎉
📣 ANNOUNCEMENT 📣
Inaanyayahan po ang lahat sa
💃 ZUMBA FOR ALL 💃
🗓 Friday, January 30
⏰ 4:00 PM
📍 Barangay Poblacion
✨ Open po ito sa lahat — isama po ninyo ang inyong mga batang anak!
👩👧👦 Mga mommies
👵 Senior citizens
🍽 May pakain pagkatapos ng zumba para sa mga mommies at senior citizens at nga bata.
👶 Pagkatapos ng aktibidad ay magkakaroon din ng pamimigay ng:
🧼 Hygiene kits
🥛 Gatas
🍎 Mga prutas
Tara na at magsaya nang sabay-sabay sa healthy, active, at masayang zumba!
Kita-kits po sa Barangay Poblacion! 💖
27/01/2026
Weekly Clean - up Drive
Barangay Poblacion
22/01/2026
Kasabay ng pagbaba ng temperatura ngayong Enero, uso na naman ang flu! Ibig sabihin lang ay mas madaling kumakalat ang virus o bacteria na dulot ng influenza-like illnesses (ILI) o trangkaso.
Huwag mangamba, basta't siguraduhin lamang na sundin pa rin ang minimun public health standards gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at pag-disinfect ng mga gamit, pagsuot ng facemask, pa-iwas sa masisikip at mataong lugar, at pagpapanatili ng magandang air flow at bentilasyon sa silid.
Patuloy din na ipinapayo ng Bataan Provincial Health Office na takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo o babahing at siguraduhin na bakunado, protektado ang buong pamilya. Tandaan, ang trangkaso ay naipapasa sa pamamagitan ng droplets na galing sa ubo o bahing ng taong may sakit.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at produktibong komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

21/01/2026
ALAM NIYO BA?
Liver Cancer and Viral Hepatitis Awareness and Prevention Month ngayong buwang ng Enero. Dalawang sakit na may kaugnayan sa isa't-isa. Ang pagkakaroon ng hepatitis B, hepatitis C, at fatty liver ay posibleng maging sanhi ng liver cancer dahil sa pamamaga, peklat, o pagliit ng atay na dulot ng mga ito.
Ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na panatilihing magkaroon ng malusog at mayroong tamang timbang na katawan. Mahalagang umiwas sa mga unhealthy habits gaya ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng kontaminadong karayom, sobrang pagkain ng junk foods, fast foods, at matatamis na pagkain (mga pagkaing di maganda sa kalusugan), at ang hindi pag-eehersisyo.
Mahalin ang atay dahil ito ay isa sa mga pangunahing organo na may malaki at mahalagang trabaho sa ating katawan. Sama-sama nating itaas ang kamalayan, isulong ang mga hakbang para sa pamumuhay ng mahaba at may malusog na pangangatawan.

Simula na naman ng Weekly Iron and Folic Acid Supplementation! Hinihikayat ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng mga kababaihang nasa edad 10-49 na taong gulang o ang mga kababaihang nasa reproductive age na tanggapin ang Weekly Iron and Folic Acid (WIFA) supplement na maaaring makuha sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar; at sa mga pampublikong paaralan para naman sa mga kababaihang nasa ika-7 hanggang ika-10 baitang.
Ito ay dahil kadalasang tinatamaan ng anemia ang mga kababaihan dahil sa kanilang buwanang dalaw (menstruation).
Ang anemia ay isang sakit sa dugo na ang mga sintomas ay pagiging matamlay, fatigue, pagkahina at mabilis na pagkahingal.
Sa wastong pagtanggap ng IFA, makasisigurong sapat ang hemoglobin sa ating red blood cells na siyang nagdadala ng oxygen sa iba't-ibang parte ng ating katawan.
Sama-sama tayo sa paglaban sa malnutrisyon para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.