Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas

Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas

Share

Ipagpapatuloy magandang nasimulan ng Kapitan Bernabe Bendaña

Photos from Municipality of Balayan - PESO's post 11/09/2025
Photos from St. Vincent Ferrer - Brgy. Lanatan Chapel's post 16/09/2024
20/06/2024

Paalala lang po mga Kabarangay! May umiikot pong nag aalok o nag ooffer ng regulator ng gasul sa ating barangay na walang permit galing munisipyo at hindi dumaan sa ating Kapitan. Huwag po natin ito ientertain at hanapan po natin ng permit mula sa munisipyo para po sa seguridad ng ating mga tahanan.

03/05/2024

PATALASTAS:

Halina at mag-alay ng bulaklak kay Maria ❤️

24/04/2024

ANNOUNCEMENT || Satellite Registration

Para sa mga magpapa-rehistrong bagong botante
(kung ikaw ay hindi bababa sa edad na 18 taong gulang sa May 12, 2025) magpapa-transfer, magpapa-reactivate, mapapa-correction of entry, mapapa-change of name/status sa kanilang voters registration record.

📍Barangay Hall, Brgy. Lanatan Balayan Batangas

🗓 May 04, 2024 - 8:00AM-3:00PM

Kita kits po tayo!





Photo credits to comelec

Photos from Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas's post 03/04/2024

Maraming salamat po Mayor Jr Fronda sa aming request na 20 street lights. Salamat sa aming Kapitan Benjie Bendaña sa walang sawang pagmamahal sa ating Barangay. Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa iyong sipag at pagmamahal. Maliwanag na muli ang ating daan. Salamat po 🥰

31/03/2024

Sa pagdaraos po ng Kapistahan ni San Vicente Ferrer sa darating na April 05, 2024 ang Sangguniang Barangay ng BRGY.LANATAN, BALAYAN BATANGAS ay magkakaroon ng SINGING CONTEST. Live Band po ang tutugtog, start po ang registration on the same date at 7pm. Ang ating venue po ay sa Brgy. Basketball Court. Thank You and see you there!!!

Photos from Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas's post 23/03/2024

Samahan ng Kababaihan ng Barangay Lanatan celebrates 2024 National Women’s Month with the theme LIPUNANG PATAS SA BAGONG PILIPINAS: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng mga kababaihan, naghandog ang ating Pangulo ng Kababaihan/ Kapitana Jean Rose Bendaña ng isang symposium at libreng gupit para sa mga kababaihan. Ang komprehensibong talakayan ay pinangunahan ng ating Konsehala Raquel Aniwasal at dinaluhan ng ating mga Konsehal Bernie Pantoja at Konsehal Demet Hernandez. Ito ay hindi maisasakatuparan sa tulong ng ating Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas sa pangunguna ni Kapitan Benjie Bendaña . Kasama natin sa pagdiriwang sina Kon Larry Alvarez, Kon Danilo Peñaflorida, Konsehala Rosemarie Villena at Konsehala Carina Alagao at Pangulo ng VAWC Eden De Jesus, BHW, Brgy Tanod at higit sa lahat ang BIDA ng araw na ito ang mga KABABAIHAN. Maraming Salamat po sa paraffle na binigay ng ating mga konsehal ng bayan. Lagi naten tatandaan tayo ay hindi BABAE LAMANG, BABAE TAYO! Mabuhay ang mga KABABAIHAN!

Photos from Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas's post 24/02/2024

A leader is one who knows the way, goes the way, and show the way - John Maxwell

General Assembly
02/24/24

Photos from Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas's post 06/01/2024

KALINISAN DAY
(Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan)

Isinagawa ngayong araw na ito ganap na 6 ng umaga hanggang 10 ng umaga ang paglilinis ng ating barangay kasama ang inyong Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas. Laging kaisa ang inyong lingkod para sa patuloy na pangangalaga at pagaayos ganundin ng pagpapaganda ng ating barangay. Ito din ay nagpapakita ng “BAYANIHAN” na tradisyon nating mga Pilipino. Lubos na pasasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at nakiisa.

02/01/2024

Balayan Mps Balayan PNP Sangguniang Barangay- Brgy. Lanatan, Balayan Batangas

Want your business to be the top-listed Government Service in Balayan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Lanatan Balayan Batangas
Balayan
4213