08/10/2026
Hindi dapat maging araw-araw na panganib ang simpleng pag-uwi sa sariling tahanan.
Isang mahalagang hakbang ang ating isinagawa kahapon (ika-7 ng Oktubre) para sa mga residente ng Barangay Dalig sa pamamagitan ng groundbreaking ceremony para sa Improvement of Footbridge.
Matagal nang ginagamit ng ating mga kababayan ang sirang hanging bridge bilang daanan papunta at pauwi sa kanilang mga tahanan. Labing-isang pamilya at maging ang mga batang nag-aaral ay araw-araw na dumaraan dito, kaya mahalagang matugunan ang kanilang kaligtasan, lalo na kapag umuulan at tumataas ang tubig sa ilog.
Sa proyektong ito, sisikapin po nating magkaroon sila ng mas maayos at mas ligtas na tawiran. Para sa akin, mahalagang unahin natin ang mga proyektong direktang nakatutulong at nagbibigay ng seguridad sa ating mga kababayan.
Patuloy po tayong kikilos at tutugon sa mga pangangailangan ng bawat Balayeรฑo. Sa bagong Balayan, laging una ang mamamayan.
#๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก โฅ๏ธ๐ซฐ๐
๐