29/10/2025
Mula po sa aming pamilya - ang amin pong taos pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa kapistahan ni San Judas Tadeo! Nawa po ay patuloy tayong pagpalain ng Panginoon, sa pamamagitan ng panalangin ni San Judas, ng kapayapaan, lakas, at matatag na pananampalataya. ๐ Muli po, Maraming Maraming Salamat po ๐
27/10/2025
๐๐ท๐ด ๐ต๐ด๐ฐ๐๐ ๐ผ๐พ๐ฝ๐๐ท ๐พ๐ต ๐๐. ๐น๐๐ณ๐ด!
As we celebrate this blessed month, let us come together in faith, hope, and prayer. May St. Jude intercede for us, bringing peace, strength, and miracles to our lives.
๐๐ฉ. ๐
๐ช๐๐ ๐๐ง๐๐ฎ ๐๐ค๐ง ๐ช๐จ.
Mass | 4:00 PM at Immaculate Conception Parish Church Balayan
Procession after mass
22/06/2025
Nais ko pong ipabatid sa publiko na may pekeng Facebook account na ginagamit ang aking pangalan. Wala po akong kinalaman sa anumang aktibidad o mensahe mula sa account na ito.
Pakiusap po lamang na huwag tangkilikin o kausapin ang pekeng account na ito. Kung maaari, i-report po natin ito sa Facebook bilang fake account upang agad itong ma-take down.
Maraming salamat po.
Fake account: https://www.facebook.com/share/1CVX6Lgs5t/?mibextid=wwXIfr
15/05/2025
Lubos po ang aming papasalamat sa bawat isa na sumuporta, nagdasal, at naniwala sa buong paglalakbay po natin. Ang bawat pintong nagbukas, mga kamay na nakadaupang palad, mga ngiting sumalubong at mga kwentong pinagsaluhan, ay ang atin pong naging lakas sa gitna ng pagod at hamon. Sa inyo ko po nakita ang tunay na diwa ng sakripisyo - na kailanman ay hindi po namin makakalimutan.
Hindi man po natin nakamit ang inaaasahan, taos puso po natin itong tinatanggap. Kinulang man po sa numero, panalo po tayo sa pagmamahal, suporta at tiwalang inyo pong ipinakita. Ang karanasang pong ito ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa po nating pagbutihin ang sarili at maging mas matatag sa hamon ng buhay.
Tapos na po ang halalan. Tapos na po ang ating laban at sa susunod na buwan, matatapos na din po ang panunungkulan ng aking asawa. Nawa po sa puso ng bawat isa, ay hindi mabaon sa limot ang iniwang legasiya ng Pamilya Fronda - ang serbisyong from the heart na sinimulan ni Mayor Manny at ipinagpatuloy ni Mayor JR. Nagtapos man po sa pagkabigo ang ating laban, ang tangi ko pong hiling, para sa lahat - wag po kayo magkahiwa hiwalay. Nawa po ngayon ay maging simula ng paghilom ng mga sugat na naidulot ng magkakaibang pananaw at paniniwala. Ang inyo pong pagkakaisa ang magdadala ng tunay na liwanag para sa mas progresibong bayan ng Balayan.
Ang akin din pong pagbati sa lahat po ng mga nagwagi na magiging bagong lingkod bayan. Dasal po namin ang gabay ng ating Panginoon sa inyong pamumuno sa ating bayan. "-
Muli po, ako po si Leslee Ellao Fronda - babae, mananatiling may bahay ๐ซข, mananatiling ina ng aking mga anak ๐ at mananatili pong inyong kaagapay - na ngayon po bilang mga pribadong mamamayan.
Walang hanggang pasasalamat po Balayeรฑos! Dalangin po natin ang kaligtasan at ang patuloy na pagpapala ng Poong Maykapal sa bawat isa. Mahal po namin kayo! Lesgo!