29/09/2026
๐๐ข๐ค๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง | ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ ๐ ๐โค๏ธ๐
๐ฆ๐น๐ฎ๐๐น๐ฎ๐ป๐ฒ ๐ถ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐๐' ๐ข๐๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ฒ
โNapapakain na rin ako ng fashion na โto.โ Oo, tama kaโat tila mali ang mga naunang kataga, pero para kay Princess, 20, isang third-year Accountancy student at batang negosyante sa likod ng Slaylane Collection, iyan ang pinakatumpak.
Nagsimula noong Pebrero ang kaniyang online clothing business kasama ang boyfriend, bunga ng kanilang hilig at pagmamahal sa ibaโt ibang klase ng damit. Mula sa curated at discounted pieces na direktang kinukuha mula sa SHEIN, unti-unting naging negosyo ang simpleng pagkahilig sa fashion.
Hindi naging madali ang unang hakbang ni Princess. Mula sa sariling allowance ang unang puhunan nila sa buy-and-sell, habang hamon naman ang paghahanap ng buyers, kakulangan sa funds, at pagbabalanse ng negosyo at pag-aaral. Ngunit sa tulong ng pananalig, paghahanap ng solusyon, at maayos na time management, nalampasan nila ang mga pagsubok. Dumating ang mga araw na napakarami ng orders sa loob lamang ng isang arawโkasabay ng pagtaas ng kita at, higit sa lahat, pagbuo ng tiwala ng kanilang customers.
Para kay Princess, ang pagiging student entrepreneur ay patunay na hindi madaling kumita ng pera, ngunit mas nagiging makabuluhan ang hirap kapag ginagawa mo ang bagay na mahal mo. Patuloy nilang pinapalago ang Slaylane sa Facebook at Instagram, at pinapangarap ding magkaroon ng physical store balang araw. Sa kaniyang kapwa kabataan, payo niya: โStart early, embrace your talents, skills, and passions.โ Sapagkat sa sariling lane ni Princess, ang bawat slay ay hindi lamang fashion statement, ito ay hakbang patungo sa pangarap.
page: https://www.facebook.com/share/18weEYE33V/?mibextid=wwXIfr
๐๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐, ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ! ๐โค๏ธ๐
๐๐๐ ๐ ๐, ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐พ๐๐ก๐๐ฃ!โจ
๐ฅ Kgg. Janray Vincent Alcantara, LPT | SK Chairperson
โ๏ธ Bb. Hannah Joy D. Isar | SK Journalist (Feature Writer)
๐ป Bb. Rayza Joy Izar | SK Journalist (Lay-out Artist)
____________________________________________________
Para manatiling updated, i-like at i-follow ang opisyal na page ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calan โ SK Barangay Calan.