11/10/2026
HAPPY TEACHER'S DAY!
Noong October 5, 2026, ipinagdiwang natin ang isang espesyal na araw para sa mga taong patuloy na nagbibigay ng kaalaman, inspirasyon, at gabay sa bawat estudyante, ang ating mga minamahal na g**o.
Sa likod ng bawat aral ay ang kanilang tiyaga, sakripisyo, at dedikasyon upang masig**ong may matututuhan kami hindi lamang sa loob ng silid-aralan, kundi pati na rin sa buhay. Sila ang mga taong patuloy na naniniwala sa aming kakayahan, kahit minsan ay kami mismo ang nagdududa sa aming sarili.
Sa aming mga dear teachers, maraming salamat po sa inyong pasensya, pag-unawa, at walang sawang paggabay. Hindi man namin palaging naipapakita o nasasabi, lubos po naming pinahahalagahan ang lahat ng inyong ginagawa para sa amin. Bawat paalala, payo, at aral ay may malaking bahagi sa aming paglaki at pag-unlad.
You are more than just teachers, you are our second parents, role models, and inspirations. Hindi sapat ang isang araw upang masuklian ang lahat ng inyong pagmamahal at sakripisyo, kaya sana ay patuloy ninyong maramdaman kung gaano kayo kahalaga sa amin.
Happy Teacher's Day po! Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming mga pangarap at sa pagtulong sa amin na maabot ang mga ito. We are truly grateful to have teachers like you. Your efforts will always be remembered and appreciated.