27/07/2023
Pagbati! Dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha sa Lalawigan ng Bulacan na dulot ng paghatak ng Bagyong Egay sa Habagat, bagamat nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ipinababatid sa lahat na suspendido pa rin ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan at trabaho sa mga pampubliko at pribadong tanggapan sa Lungsod ng Baliwag bukas, araw ng Biyernes, ika-28 ng Hulyo, 2023.
Samantala, ang mga tanggapan na may kinalaman sa paghahatid ng pangunahing serbisyo at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko ay pinapapasok
Para sa inyong emergency situation, mangyaring tumawag sa Baliwag City Hotline 0917-505-7827 at 0939-999-7827.
25/07/2023
Dahil sa patuloy na pananatili ng buong Lalawigan ng Bulacan sa TCWS No. 1, suspendido pa rin ang klase sa elementarya (K-Grade 6) ngunit hinihikayat din ang mga paaralang may kakayahan na magsagawa ng online classes na gawin ito ayon sa regulasyon at patakaran ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ang mga mag-aaral na nasa mas mataas na antas; mga kawani ng pamahalaan ay may pasok pa din bukas. Patuloy na maging mapagmatyag ang publiko at tumawag sa Baliwag Hotline 0917-505-7827 at 0939-999-7827 kung may emergency.
24/07/2023
Kaugnay ng pinakahuling pahayag ng PAGASA ngayong alas 8:00 ng gabi, petsa Hulyo 24, 2023, na naglalagay sa buong Lalawigan ng Bulacan sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, WALANG PASOK mula Kinder hanggang Grade 6 sa mga paaralan sa Lungsod ng Baliwag. Ayon din sa PAGASA, Mayroong 36 na oras upang lubos na maramdaman ang lubos na epekto ng bagyong Egay na inaasahang magdadala ng ulan mula 10 mm hanggang 50 mm.
Samantala, may pasok na sa mga pribado at pampublikong tanggapan bunsod sa anunsyo ng Baliwag Jeepney Operators Drivers Association na hindi ito makikilahok sa 72 oras na tigil pasada.
Ang pinagsamang pwersa ng mga tanggapan sa kumpol ng paghahanda sa kalamidad. kaayusan at kaligtasan ay naka alerto at nakahanda sa epekto ng habagat. Tumawag sa BALIWAG HOTLINE 09175057827 o 0939-9999-7827 kung emergency
23/07/2023
PABATID!
Pagkansela ng trabaho sa lahat ng Pampubliko at Pribadong Tanggapan sa Lungsod ng Baliwag para bukas, Haraw ng Lunes, ika-24 ng Hulyo, 2023.
06/07/2023
Nais ng Punong Lungsod, Mayor Ferdie V. Estrella na ang lahat ng mamamayan na magkaroon ng ligtas at masaganang komunidad kung saan malaya at masaya silang makakikilos. Bunga nito, ay nagpatupad siya ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10, taong 2023 na may titulong " Establishing Safety Culture in the Community, Workplaces, Intitutions of Learning Establishments and Organizations.
Para sa sipi pindutin lamang ang link na ito:
https://dts.baliwag.gov.ph/documents/b349f5e6cdacd9deb47cf93d050044ba.pdf
05/07/2023
Bunsod ng nararansang krisis, ang ating Punong Lungsod, Mayor Ferdie Estrella ay bumuo ng Technical Working Group o TWG on Water and Climate Change Resiliency Programs for Baliwag City upang matugunan ang mga kinahaharap na probrema at masigurong ligtras sa anumang banta sa ating kalikasan at kalusugan.
para sa sipi ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 16, t. 2023 pindutin lamang ang link na ito:
https://dts.baliwag.gov.ph/documents/740b15aac2eb9719ee6e1722ea03ddaa.pdf
04/07/2023
Nais mo bang hilingin na isara ang kalsada para sa kasal, birthday, binyag, libing o burol at iba pa?
Narito ang ilan sa mga patakaran at alituntunin na dapat sundin!
para sa sipi ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 21, T. 2023 pindutin lamang ang link sa ibaba
https://dts.baliwag.gov.ph/documents/a1539019b1383ae89067e51e961bfb3f.pdf
para sa application form pindutin lamang ang link
https://dts.baliwag.gov.ph/documents/fc10e7a214cfad8eb99612d0be4cee26.pdf
09/08/2022
Pagdedeklara sa Ika-15 ng Agosto, 2022 bilang Special Non-Working Day sa Bayan ng Baliwag. Ipagdiriwang ang Ika-444 na Anibersaryo ng pagkakatatag ng Bulacan bilang isang lalawigan_ Bulacan Foundation Day
09/08/2022
Pagdedeklara sa Ika-30 ng Agosto 2022 bilang Special Non-Working Day sa Bayan ng Baliwag. Upang ipagdiwang ang Ika-172 taon ng kapanganakan ni Marcelo H. Del Pilar.