27/07/2026
𝗗𝗥𝗨𝗚𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗚, 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔!
Aside from the efforts of our PNP to provide an all-out campaign against illegal drugs in our City, isa rin po sa mandato ng ating pamahalaan ang patuloy na maging modelo ng mabuting pamamahala at tapat na paglilingkod. Kaya minabuti po nating isulong ang isang ordinansa na alam nating lalo pang magpapatibay ng tiwala ng bawat Baliwagenyo sa mga lingkod-bayan at kawani ng ating pamahalaan.
Bilang pagtanggap sa hamon na ito, kami po muna ang unang sasailalim sa drug testing upang masiguro na mahikayat ang lahat na sumunod sa polisiyang tayo mismo ang unang nagpapatupad at isinasabuhay.
Muli po, ang lahat ng ito ay bunga ng paniniwalang hindi sapat na mahusay lamang ang isang pamahalaan dapat din po itong maging malinis.
Kaisa po ang buong Sangguniang Panlungsod, patuloy nating itataguyod ang good governance sa ating mahal na lungsod sa abot ng ating makakaya.