12/05/2023
Mga minamahal kong kabataan, ang pagiging kabataan ang simula ng pagkahubog ng mga taong may pangarap na makapaglingkod sa kapwa. Kaya't piliin ninyo sana ang may kakayahan at abilidad na kayo' y pamunuan at maging matalino po sa pagpili ng mga mamumuno sa ating mga kabataan.
Ang namumuno ay dapat makinig sa mga hinaing ng bawat kabataang kanyang pinangakuang paglilingkuran. Kaya't Ako si Keizzer Viola ay nasa inyong harapan upang ako'y inyong lalo pang makilala at mapalapit sainyong mga puso, ating babalangkasin ang bagong pag-asa at hinaharap ng ating minamahal na baranggay.
Muli po taos puso aking pasasalamat, Baranggay Concepcion Tarcan Phase I, sa mainit na pag tangap niyo sa akin. Maraming salamat po, Mabuhay kayong lahat.
