Library-Virgen Delas Flores High School

Library-Virgen Delas Flores High School

Share

A gateway to knowledge and culture,
VDFHS offers services and create opportunities for supplemental learning and creativity.

Photos from LRMDS SDO City of Baliwag's post 25/11/2025
Photos from DepEd Tayo Virgen Delas Flores High School's post 24/11/2025

BAWAT FLORESKAN, MAY LIBRONG MAIUUWI AT MABABASA!

Kasabay ng masiglang pagdiriwang ng National Reading Month, matagumpay na inilunsad ng Virgen Delas Flores High School (VDFHS) ang isang Book Pantry kanina.

Sa pamamagitan nito, ang bawat estudyanteng Floreskan, maging ang ating mga kaguruan, ay nabigyan ng pagkakataong makapili at makapag-uwi ng mga libro nang libre.

Ang makabuluhang proyektong ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Bulacan State University (BulSU) Bustos Campus.

Kaalinsabay nito, pormal ding pinasinayaan ang tatlong bagong Reading Hubs na magsisilbing pook ng karunungan para sa ating paaralan:

๐Ÿ”น The English Corner
๐Ÿ”น The School Library
๐Ÿ”น The Science Hub

Isang malaking pasasalamat din sa LRMDS Team ng Schools Division of City of Baliwag sa kanilang buong-pwersang pakikiisa. Pinangunahan ito ni Ma'am Rosalie S. Santos (Education Program Supervisor), kasama sina Ma'am Jennifer Caballero at Sir Melwin San Pedro.

Layunin ng mga programang ito na ilapit ang libro sa bawat mag-aaral at pagtibayin ang kultura ng pagbabasa. Naniniwala ang VDFHS na sa bawat pahinang binubuklat, mas lumalawak ang kaalaman at mas tumataas ang pangarap ng bawat Floreskan.

Happy Reading Month! ๐Ÿ“–

09/08/2025

Today we celebrate stories, ideas, and the magic of books. Happy Book Lovers Day Floreskans! ๐Ÿ“–๐Ÿ’–

Photos from Library-Virgen Delas Flores High School's post 03/03/2025

Hello Floreskans!

This womenโ€™s month, we are featuring women empowerment novels and non-fiction literature in line with the celebration of Womenโ€™s Month 2025.

Abante, Babae!!!

What is your fave women empowerment book?
Comment your entry, floreskans!

Photos from DepEd Tayo - Virgen Delas Flores High School's post 14/07/2024

FLoreskans, arangkada na tayo sa taunang Brigada Eskwela! ๐Ÿšด

Ngayong taon, inihanda namin ang exciting events na maaari ninyong lahukan para ipakita ang pakikiisa sa ating paaralan.

Students, alumni, parents, community leaders, at iba pang stakeholders, tara na at maki-join sa week-long preparation natin para sa pagbubukas ng school year 2024-2025. ๐Ÿฅณ

Makisayaw, maki-ride, makilakad, makipinta, at makilinis sa ating masayang Brigada Eskwela.

Welcome po kayong bumisita sa Virgen Delas Flores High School para mag-volunteer, magbigay ng donasyon, o tumulong para sa pagsasaayos ng ating paaralan. ๐Ÿซ

๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™–๐™ฎ๐™ค๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ!

Makilahok, magboluntaryo, at maghandog sa ating VDFHS Brigada Eskwela 2024!

19/06/2024

Kapamilya, paano mo unang nakilala si Dr. Jose Rizal?

Photos from Library-Virgen Delas Flores High School's post 19/01/2024

BASA WELL, FLORESKANS!
Patunayan ninyong kayo ang pag-asa nitong bayan!

Ngayong ikalawang araw ng โ€œCatch-upโ€ Friday, ipinamahagi na sa mga mag-aaral ng baitang 9 at 10 ang mga bagong-dating na aklat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Kagawaran ng Edukasyon.

Nakatakdang talakayin ang mga nasabing dakilang akdang pampanitikan ni Dr. Jose Rizal sa ikaapat na markahan ng asignaturang Filipino.





๐Ÿ“ธ (kuha ng mga tagapayo)

17/01/2024

Walang rewind sa totoong buhay, kaya mag-review ka na!

Rooting for our luck!

Don't forget to say goodluck to your friends or si crush^^ (malay mo i-goodluck karin niya๐Ÿคฉ) mention them at the comment section below!

High/passing scores cutiee!โœจ๐Ÿคž



15/01/2024
Photos from Library-Virgen Delas Flores High School's post 12/01/2024

โ€œJam-packedโ€ tayo today, Floreskans!

Sunod-sunod ang dating ng mga floreskan sa ating silid-aklatan ngayong ika-12 ng Enero upang manghiram at magbasa ng aklat bilang kanilang pakikiisa sa programang DEAR (Drop everything and Read) ng Kagawaran ng Edukasyon na inilunsad upang lalong mahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.

Floreskans, nawaโ€™y patuloy niyo pang pag-alabin ang kagustuhang maglayag sa malawak na karagatan ng pagtuklas at pagkatuto sa pamamagitan ng pagbasa.

๐Ÿฉต๐Ÿ’œ๐Ÿฉท

Sulong Floreskan!

11/01/2024

Drop Everything and Read! ๐Ÿ“–

In line with the implementation of the National Reading Program as an integral component of the National Learning Recovery Program (NLRP), the Department of Education implements Catch-up Fridays.

Starting this January 12, 2024, through the Drop Everything and Read (DEAR) Day, this initiative aims to provide learners with the opportunity to engage in independent silent reading of their preferred material.

Catch-up Fridays is designed to strengthen the foundational, social, and other relevant skills necessary to actualize the intent of the basic education curriculum by focusing on the development of learner's reading, critical thinking, analytical, and writing skills.

For more information and guidelines of the program, read DepEd Memorandum No. 001, s. 2024: bit.ly/DM001S2024




Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Luyong Street , Alido Phase II, Brgy. Virgen Delas Flores
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm