Kuya Jave Christon Reyes Fabian

Kuya Jave Christon Reyes Fabian

Share

Official page of Kuya Jave Christon "Kuya ng Lahat" Reyes Fabian

23/05/2026

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐈𝐄𝐒 🎒📒

Magandang araw, Barangay Pagala! Bukas, ika-24 ng Mayo, sa ganap na ika-7:30 ng umaga, maghahandog po ang inyong lingkod, "Mommy ng Lahat", Mommy Cecille Reyes Fabian katuwang ang UNO Kabataan sa pangunguna ng "Kuya ng Lahat", Kuya Jave Christon Reyes Fabian ng 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐈𝐄𝐒 para sa mga kabataan ng Barangay Pagala!

Ang ihahandog po ng inyong likod na mga school supplies ay limitado lamang, kaya ito po ay ipapamigay kung hanggang saan lamang aabutin ang ating libreng school supplies.

Para naman po sa mga magulang na pipila bukas, narito po ang aming mga alituntunin:

- Amin pong ipinatutupad ang "𝗡𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁/𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱𝗶𝗮𝗻, 𝗡𝗼 𝗚𝗶𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗶𝗲𝘀" upang mapanatili ang kaayusan lalo na sa mga kabataan.

- "𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗰𝗼𝗺𝗲, 𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗲𝗱" po tayo, kaya po kung sino ang unang nakapila nang maayos ay siya rin pong unang mabibigyan nang maayos.

- Isama po ang inyong mga anak sa pagpila, upang malaman namin kung anong grade level ang supplies na aming ibibigay.

Magkita-kita po tayo bukas ng umaga, mga Ka-Barangay! Maraming salamat po! 💚





Photos from UNO Kabataan's post 18/05/2026

𝐁𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐓𝐨𝐭𝐨𝐲! 👦

Matagumpay na naisakatuparan ng "Mommy ng Lahat" Konsehala Cecille Reyes Fabian katuwang ang UNO Kabataan sa pangunguna ng "Kuya ng Lahat" Kuya Jave Christon Reyes Fabian ang programang 𝗢𝗽𝗹𝗮𝗻 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝘂𝗹𝗶 2026 nitong Mayo 17, 2026 kung saan ay dalawampung (20) bata ang maayos na natuli sa ating programa.

Ang "Mommy ng Lahat" Konsehala Cecille Reyes Fabian at ang buong UNO Kabataan ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga naging katuwang at katulong upang maging maayos ang pagsagawa ng programang ito. Maraming salamat din po sa mga magulang na nakiisa sa programang 𝗢𝗽𝗹𝗮𝗻 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝘂𝗹𝗶 2026.





14/05/2026

𝐕𝐢𝐯𝐚, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐕𝐢𝐯𝐚! 🌾💚

Ang buong UNO Kabataan kasama si Konsehala Cecille "ATE NG LAHAT" Reyes Fabian ay taos pusong bumabati ng 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 sa ating mahal na patron, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫! Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng bawat isa ngayong araw ng kapistahan. 𝐕𝐢𝐯𝐚, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐕𝐢𝐯𝐚! 🌾💚




𝐕𝐢𝐯𝐚, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐕𝐢𝐯𝐚! 🌾💚

Ang buong UNO Kabataan kasama si Konsehala Cecille "ATE NG LAHAT" Reyes Fabian ay taos pusong bumabati ng 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 sa ating mahal na patron, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫! Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng bawat isa ngayong araw ng kapistahan. 𝐕𝐢𝐯𝐚, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐕𝐢𝐯𝐚! 🌾💚



09/05/2026

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐃𝐚𝐲! 💐🩷

Malugod ko pong binabati ang mga ilaw ng tahanan ng 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐃𝐚𝐲! Salamat po sa inyong pagmamahal na lagi naming natatanggap. Papugay para sa lahat ng nanay! 💚



01/05/2026

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎! 🇵🇭

Ngayong araw, ating binibigyang dangal ang bawat Manggagawang Pilipino! Saludo po ako sa inyong sakripisyo, sipag, at tiyaga sa araw araw na hamon ng buhay. Maraming salamat sa inyo!




Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


049 Zone 3 Pagala, Baliuag City, Bulacan
Baliuag
3006