09/10/2026
Mahalagang Anunsiyo Mula sa BCTMO
Nais ipabatid ng Baliwag City Traffic Management Office sa publiko and higit na paglilinaw ukol sa isinasakatuparang traffic re-routing ng mga byahe ng tricycle sa B. Aquino Avenue na naglalayong maibsan ang bigay ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Ang lahat ng mga non-Baliwag TODA tulad ng Bahay Pare, Manga, DT, BTS, BTC, SLB, Basal, at Duyong na maghahatid ng pasahero papuntang Pamapanga na magmumula sa Aรฑo St. ay dapat lumiko sa pakaliwa sa Lopez Jaena St., tapos ay kakanan sa Access Road, lalabas pakanan sa DRT highway, kakaliwa sa Zone 4 at 5 Pagala, at muling kakanan palabas ng B. Aquino gamit ang J. Ponce St. na lagpas sa Montessori De Sagrada Familia. Ang mga byaheng ito na magmumula naman sa pampanga papuntang City Proper ay dapat ding gamitin ang nasabing ruta.
Para naman sa mga TODA ng Baliwag na ang biyahe ay patungong bukid tulad ng Pagala, Sulivan, Tangos, Paitan, Barangca, Piel, Hinukay, San Roque, at Tilapayong; ang mga maghahatid ng pasahero sa nasabing lugar ay dapat lumiko sa Lopez Jaena St. at tumungo sa Access Road. Mula dito ay maaari silang kumanan sa NIA Road at lumabas sa may likuran ng Jollibee Junction o lumabas pakanan sa DRT highway, kumaliwa sa Zone 4 at 5 Pagala, at muling kakanan palabas ng B. Aquino gamit ang J. Ponce St. na lagpas sa Montessori De Sagrada Familia. Kung sakali naman na ang mga pasahero ng mga biyaheng ito ay ihahatid lamang sa mga establisimyento na kahanay ng City Hall (na hindi lalampas ng Hi-Precision), pinapayagan ang mga nasabing TODA na magbaba ng pasahero sa lugar at pagkatapos ay maaaring dapat lumiko pakaliwa sa Mapagmahal St. pabalik ng Access Road.
At para sa mga TODA ng kabayananan, gayun din para sa mga pribadong tricycle o karmachog, lahat ng may pasahero, ihahatid, o delivery sa gawi ng City Hall o kahelerang establisimyento ay papayagang bumagtas ng B. Aquino Ave. hanggang makapagbaba ng sakay o makapagdiskarga ng gamit. Pagkatapos nito dapat kumaliwa sa Mapagmahal St. patungong Access Road.
Inaasahan po namin ang pag-unawa at kooperasyon ng lahat para sa lalong ikaaayos ng ating mahal sa lungsod.