Baliwag City Environment & Natural Resources Office

Baliwag City Environment & Natural Resources Office

Share

Preserve our planet. Cherish nature. Embrace sustainability. Together, let's create a greener future

Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

Weekly Clean Up Drive

Clean Up Drive of Barangay Sabang Baliwag City, Bulacan







Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

Weekly Clean Up Drive

Clean Up Drive of Barangay Catulinan Baliwag City, Bulacan







Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ต๐—ถ | ๐—–๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—–๐—–๐—”๐— )

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Environment Day 2026, matagumpay na nagsagawa ang Baliwag CSWDO katuwang ang City Government of Baliwag Agencies ng Climate Change Action and Mitigation (CCAM) Activity sa pamamagitan ng NIA Canal and Roads Cleanup Drive na naglalayong mapanatili ang kalinisan ng mga patubigan, kanal, at mga daanang nakapalibot dito.

Sa isinagawang cleanup drive, sama-samang nilinis ang mga NIA Canal at mga karatig na kalsada sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga naipong basura, damo, at iba pang sagabal na maaaring magdulot ng polusyon, pagbabara sa daluyan ng tubig, at pagkasira ng kapaligiran. Ang gawaing ito ay mahalagang hakbang upang mapanatiling maayos ang ating mga daluyan ng tubig at mapangalagaan ang kalinisan ng komunidad.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng ibaโ€™t ibang ahensya at organisasyon na may iisang layunin na pangalagaan ang ating kapaligiran. Taos-pusong pasasalamat sa mga kawani ng Baliwag City Social Welfare and Development Office (CSWDO),
Baliwag City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), National Irrigation Administration (NIA) Bulacan, DENR Estero Rangers, Baliwag City Public Order and Safety Office (BCPOSO), at sa lahat ng volunteers at stakeholders na naglaan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng bawat isa, patuloy nating naipapakita ang ating malasakit sa kalikasan at ang ating pananagutan sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at mas napapanatiling Lungsod ng Baliwag para sa susunod na henerasyon.

Bayanihan para sa Kalinisan!




Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

๐Ÿก ๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ง: ๐‘ด๐’‚โ€™๐’‚๐’Ž ๐‘ฑ๐’–๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐‘ช๐’“๐’–๐’› โ€“ ๐‘ฉ๐’“๐’ˆ๐’š. ๐‘ด๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’•๐’–๐’ƒ๐’Š๐’ˆ Ang Green Tahanan Winner ngayong World Environment Day 2026 ๐Ÿ…

Isang makulay na mini garden ang matagumpay na naitayo ni Maโ€™am Juanita ng Brgy. Matangtubig sa pamamagitan ng pagre-recycle ng mga water container bilang mga paso ng kanyang mga tanim. Sa kanyang pagkamalikhain, ang mga plastik na lalagyan na maaari sanang maitapon ay naging bahagi ng isang maayos at kaaya-ayang hardin. Bukod sa pagpapaganda ng kanilang bakuran, nakatutulong din ang kanyang inisyatiba sa pagbabawas ng plastic pollution.

~ Congratulations! ๐ŸŽ‰

Ang iyong dedikasyon ay nagbigay-inspirasyon sa ating komunidad na magsimula rin ng mga proyektong makakatulong sa kalikasan. Bilang pagkilala, pinarangalan siya ng City ENRO Baliwag sa programang โ€œGreen Tahananโ€ at binigyan ng token bilang pasasalamat. Patunay ito na ang simpleng pagkilos ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa kalikasan at kabuhayan. Saludo kami sa inyo!
Salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng luntiang pamumuhay. Sama-sama nating gawing luntian at malinis ang Baliwag City! ๐ŸŒฑ




Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

๐Ÿก ๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ง: ๐‘ด๐’‚โ€™๐’‚๐’Ž ๐‘ฎ๐’๐’‚๐’…๐’š๐’” ๐‘ด๐’†๐’๐’…๐’๐’›๐’‚ โ€“ ๐‘ฉ๐’“๐’ˆ๐’š. ๐‘ท๐’Š๐’๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’‚๐’ Ang Green Tahanan Winner ngayong World Environment Day 2026 ๐Ÿ…

Agaw-pansin ang tahanan ni Maโ€™am Gladys ng Brgy. Pinagbarilan dahil sa kanyang hanging garden na matatagpuan sa bubong ng bahay. Sa kabila ng limitadong espasyo, matagumpay niyang napapalago ang ibaโ€™t ibang gulay at fruit-bearing plants na nagsisilbing dagdag pagkain para sa kanilang pamilya. Ang mga ani mula sa kanyang hardin ay nakatutulong sa kanilang pang-araw-araw na hapag-kainan at nakababawas din sa gastusin sa pamimili.

~ Congratulations! ๐ŸŽ‰

Ang iyong dedikasyon ay nagbigay-inspirasyon sa ating komunidad na magsimula rin ng mga proyektong makakatulong sa kalikasan. Bilang pagkilala, pinarangalan siya ng City ENRO Baliwag sa programang โ€œGreen Tahananโ€ at binigyan ng token bilang pasasalamat. Patunay ito na ang simpleng pagkilos ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa kalikasan at kabuhayan. Saludo kami sa inyo!
Salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng luntiang pamumuhay. Sama-sama nating gawing luntian at malinis ang Baliwag City! ๐ŸŒฑ




Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

๐Ÿก ๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ง: ๐‘ฎ๐’Š๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’–๐’Š๐’…๐’ ๐‘จ๐’Ž๐’‘๐’‚๐’“๐’ โ€“ ๐‘ฉ๐’“๐’ˆ๐’š. ๐‘ท๐’๐’ƒ๐’๐’‚๐’„๐’Š๐’๐’ Ang Green Tahanan Winner ngayong World Environment Day 2026 ๐Ÿ…

Sa kanyang paniniwala, ang wastong paghihiwalay ng basura ay isang simpleng paraan upang makatulong sa kalikasan. Nababawasan ang basura sa kanilang tahanan at lumakas ang kamalayan ng pamilya sa kahalagahan ng recycling. Sa kanyang simpleng halimbawa ng waste segregation, pinatutunayan ni Ginoong Guido ng Brgy. Poblacion na angmalinis na kapaligiran ay nagsisimula sa disiplina at malasakit ng bawat mamamayan sa loob ng ating tahanan.

~ Congratulations! ๐ŸŽ‰

Ang iyong dedikasyon ay nagbigay-inspirasyon sa ating komunidad na magsimula rin ng mga proyektong makakatulong sa kalikasan. Bilang pagkilala, pinarangalan siya ng City ENRO Baliwag sa programang โ€œGreen Tahananโ€ at binigyan ng token bilang pasasalamat. Patunay ito na ang simpleng pagkilos ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa kalikasan at kabuhayan. Saludo kami sa inyo!
Salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng luntiang pamumuhay. Sama-sama nating gawing luntian at malinis ang Baliwag City! ๐ŸŒฑ




Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

๐Ÿก ๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ง: ๐‘ด๐’‚โ€™๐’‚๐’Ž ๐‘ฌ๐’—๐’†๐’๐’š๐’ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’•๐’Š๐’ โ€“ ๐‘ฉ๐’“๐’ˆ๐’š. ๐‘บ๐’–๐’ƒ๐’Š๐’„ Ang Green Tahanan Winner ngayong World Environment Day 2026 ๐Ÿ…

Para kay Maโ€™am Evelyn ng Brgy. Subic, ang simpleng pagtatanim sa bakuran ay hindi lamang paraan upang magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan, kundi isa ring makakalikasang gawain na nagtataguyod ng kasapatan at responsableng pamumuhay. Sa kanyang pagsisikap, ipinapakita niya na ang pangangalaga sa kalikasan at pagtitiyak ng seguridad sa pagkain ay maaaring magsimula sa sariling tahanan.

~ Congratulations! ๐ŸŽ‰

Ang iyong dedikasyon ay nagbigay-inspirasyon sa ating komunidad na magsimula rin ng mga proyektong makakatulong sa kalikasan. Bilang pagkilala, pinarangalan siya ng City ENRO Baliwag sa programang โ€œGreen Tahananโ€ at binigyan ng token bilang pasasalamat. Patunay ito na ang simpleng pagkilos ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa kalikasan at kabuhayan. Saludo kami sa inyo!
Salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng luntiang pamumuhay. Sama-sama nating gawing luntian at malinis ang Baliwag City! ๐ŸŒฑ




Photos from Baliwag City Environment & Natural Resources Office's post 05/06/2026

๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ด, ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Environment Day 2026, matagumpay na nagsagawa ng Tree Planting Activity ang City ENRO Baliwag City, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal at kawani ng Barangay Makinabang.

Bago ang pagtatanim ng mga punla, nagsagawa muna ng paglilinis sa mga daanan at mga lugar na paglalagyan ng mga seedlings upang matiyak ang maayos at ligtas na kapaligiran para sa kanilang paglago. Ang gawaing ito ay patunay ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapalawak ng ating urban green spaces.

Sa pamamagitan ng bawat punlang itinanim at bawat lugar na nilinis, nag-iiwan tayo ng isang makabuluhang ambag para sa mas malinis, mas luntian, at mas matatag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Maraming salamat sa mga City ENRO Officers, kawani ng Barangay Makinabang, at sa lahat ng nakiisa sa gawaing ito para sa kalikasan.


05/06/2026

๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ด, iba't ibang programang naglalayong palakasin ang kamalayan, partisipasyon, at sama-samang pagkilos ng komunidad para sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

Sa buong buwan ng Hunyo, magkakaroon ng mga gawaing nakatuon sa wastong pamamahala ng basura, environmental education, biodiversity conservation, climate action, recycling initiatives, tree growing activities, at community participation upang higit pang mapalawak ang kultura ng responsableng pangangalaga sa kalikasan sa bawat tahanan, paaralan, barangay, at sektor ng lipunan.

๐Ÿ“… Mga Nakatakdang Aktibidad:

๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ ECOTAKBO 2026 (June 1, 2026)
Isang environmental fun run na pinagsasama ang pagtakbo, paglalakad, at paglilinis ng kapaligiran upang hikayatin ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan habang itinataguyod ang malusog na pamumuhay.

๐Ÿก Green Tahanan Awarding Ceremony (June 5 & 25, 2026)
Pagkilala sa mga pamilyang nagsisilbing huwaran sa pagpapatupad ng maayos na solid waste management, urban gardening, kalinisan, at mga sustainable environmental practices sa kanilang tahanan.

โ™ป๏ธ Cleanup Drive (Every Saturday of June 2026)
Isang malawakang paglilinis ng mga daluyan ng tubig at pampublikong lugar upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig, maiwasan ang pagbaha, at mapangalagaan ang kalinisan ng komunidad.

๐Ÿซ Palit Basura sa Paaralan (June 8, 2026)
Programa kung saan maaaring ipagpalit ng mga mag-aaral ang mga recyclable materials kapalit ng mga school supplies at iba pang insentibo habang isinusulong ang tamang segregasyon ng basura.

๐Ÿ—‘๏ธ WACS Orientation (June 9, 2026)
Orientation program na naglalayong palakasin ang kaalaman at partisipasyon ng mga stakeholder hinggil sa pagpapatupad ng wastong solid waste management practices.

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Palit Basura sa Barangay (June 10, 2026)
Community-based recycling initiative na nagbibigay ng insentibo sa mga residente kapalit ng kanilang mga recyclable waste materials habang hinihikayat ang responsableng pagtatapon at segregasyon ng basura.

๐Ÿช Palit Basura Express Store (June 11, 2026)
Programa kung saan maaaring gamitin ng mga residente ang halaga ng kanilang recyclables bilang pambili ng mga pangunahing pangangailangan at iba pang produkto. Maaring Pumunta sa Baliwag Climate Change Center Office upang magpalit ng Recyclables.

๐Ÿ“š Eco-Caravan sa Paaralan (June 17, 2026)
Environmental education campaign na naglalayong turuan ang mga mag-aaral tungkol sa climate change, waste management, biodiversity conservation, at iba pang mahahalagang usaping pangkalikasan.

๐ŸฆŒ Wildlife Seminar (June 18, 2026)
Seminar na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pangangalaga ng wildlife, biodiversity conservation, at kahalagahan ng balanseng ekosistema.

๐Ÿ“‹ DENR Express: Permit Assistance Program (June 22โ€“23, 2026)
Programa na nagbibigay ng mas mabilis at mas maayos na access sa environmental permit assistance at regulatory services para sa mga negosyo at stakeholders.

๐ŸŒณ Arbor Tree Planting Activity (June 25, 2026)
Sama-samang pagtatanim ng puno upang makatulong sa reforestation efforts, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, climate change mitigation, at pagpapalawak ng green spaces sa lungsod.

๐Ÿญ Central MRF Lakbay-Aral (June 30, 2026)
Learning visit na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng Materials Recovery Facilities (MRF) at mga best practices sa waste diversion, recycling, at circular economy initiatives.

๐ŸŒ CCAM (Climate Change Adaptation and Mitigation) Program (Month-Long Activity)
Buong buwang programa na binubuo ng 10 araw na irrigation cleanup activities at 10 araw na tree planting activities bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang resiliency ng komunidad laban sa epekto ng climate change at mapanatili ang kalusugan ng ating kapaligiran.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, layunin nating palakasin ang bayanihan para sa kalikasan, hikayatin ang aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan, at sama-samang bumuo ng isang mas malinis, mas luntian, at mas sustainable na Baliwag para sa susunod na henerasyon.

05/06/2026

๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€, ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

Baliwagenyos, ang pagbabago ay nagsisimula sa maliliit na hakbangโ€”wastong segregasyon ng basura, pagtatanim ng puno, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics, at aktibong pakikilahok sa mga programang pangkalikasan ng ating komunidad.

Sa temang โ€œClimate Action: Fostering Community Spirit, Caring for the Environment,โ€ hinihikayat natin ang bawat Baliwagenyo na makiisa sa sama-samang pagkilos tungo sa mas matatag at mas sustenableng kinabukasan.

๐Ÿ’š Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi tungkulin ng bawat mamamayan.

Sama-sama nating isulong ang bayanihan para sa kalikasan at patuloy na maging bahagi ng solusyon para sa ating planeta.

JUNE 05, 2026





Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Baliwag Climate Change Center, DRT Highway, Barangay Pagala
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm