NEW BARANGAY STO CRISTO

Call Directions Contact the organization

NEW BARANGAY STO CRISTO Public servant

10/10/2026
HINDI SALITA KUNDI SA GAWA —ANG TUNAY NA SANDIGAN NG BARANGAY STO. CRISTO!Ramdam ang matinding pride ng buong komunidad!...
01/09/2026

HINDI SALITA KUNDI SA GAWA —ANG TUNAY NA SANDIGAN NG BARANGAY STO. CRISTO!

Ramdam ang matinding pride ng buong komunidad! Sa pangunguna ng ating ABC Pres. Kap. Michael R. Lopez katuwang ang Sangguniang Barangay, inuwi lang naman natin ang mga panalong parangal na ito:

1st Place – Financial Administration
Dito talaga tayo nangingibabaw! Ito ang pinakaimportanteng parangal sa lahat dahil napatutunayan natin ang totoong dangal sa pamamahala—hindi sa salita, at hindi sa larawan lamang! Dahil tapat, transparent, at malinis ang paghawak sa kaban ng bayan, mas napagaganda at naitataas natin ang antas ng serbisyo para sa lahat!

3rd Place – Health and Nutrition
Syempre, pangmalakasan din ang ating alaga sa kalusugan ng bawat pamilyang Sto. Cristo—ramdam ang totoong malasakit sa aksyon at hindi sa porma lang!

Basta Sto. Cristo, totoong dangal at gawa—hindi lang sa litrato o salita! Mabuhay ang ating barangay!

20/08/2026

Magandang araw po sa ating mga mahal na Kabarangay. Sana po ay nasa ligtas kayong kalagayan sa kabila ng pagbaha sa nagdaang pag-ulan.
Batid po ng ating Punong Barangay at Sangguniang Barangay ang hirap ng bawat pamilya sa pagbaha, at mabigat din po ito sa aming kalooban.
Nais po naming ipaalam na nakapagpalinis na po tayo ng mga kanal bago pa man ang tag-ulan. Subalit dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan at dahil sadyang catch basin ang ating lugar, hindi po maiwasang maipon ang tubig. Ang mga naipatupad na drainage system ay ginawa para sa kaginhawaan ng lahat at kailanman ay hindi natin ginusto ang ganitong sitwasyon.
Pakiusap po na iwasan natin ang pagpapakalat ng mga akusasyong walang basehan o ang pag-post sa social media para lamang makakuha ng pansin. Kung mayroon po kayong katanungan, maaari po kayong magtungo sa ating himpilan ng barangay upang pormal na pag-usapan at alamin ang ukol sa inyong concern.
Ang atin pong pagkakaisa at magalang na pakikipag-ugnayan ang magtatawid sa atin sa pagsubok na ito. Manatili po tayong ligtas at alerto.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

23/06/2026

fr e3₱₱

20/05/2026

🌧️ Keep safe, everyone! 🌧️

Biglang bumuhos ang ulan kaya dobleng ingat po sa pagmamaneho o paglalakad dahil madulas ang mga kalsada. Kung abutan po kayo ng malakas na ulan, humanap muna ng ligtas na masisilungan. Umiwas din po sa mga bahaging madaling bahain.

Ang importante, makauwi tayo nang ligtas. Ingat po!

09/04/2026

We service complete set-up mobile lights and sounds system. Live band equipments also available!

🩺 MEDICAL MISSION: HANDOG NA PASASALAMAT SA IKA-45 NA BIRTHDAY NI ABC PRES. MICHAEL R. LOPEZ! 🎂Bilang pasasalamat sa mga...
11/03/2026

🩺 MEDICAL MISSION: HANDOG NA PASASALAMAT SA IKA-45 NA BIRTHDAY NI ABC PRES. MICHAEL R. LOPEZ! 🎂

Bilang pasasalamat sa mga biyaya ng buhay at kasaganaan, handog ni ABC President Michael R. Lopez ang libreng serbisyong medikal para sa lahat ng mga kabarangay sa Sto. Cristo!

📍 SAAN: New Barangay Hall, Lopez Jaena St., Sto. Cristo
🗓️ KAILAN: March 15, 2026 (Linggo)
⏰ ORAS: 8:00 AM – 12:00 NOON

LIBRENG SERBISYO (Para sa Bata at Matanda)
✅ Medical Check-up
✅ Dental Services
✅ Libreng Gamot
☕ FREE ALMUSAL (Para sa lahat ng magpapacheck-up)
🍽️ MAY DINNER PA!

Isang tapat na paglilingkod at pasasalamat para sa malusog na Sto. Cristo! Magkita-kita po tayo!

Marso 5, 2026PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BRGY. STO. CRISTO​Kasalukuyan pong nagsasagawa ng paghahakot ng basura sa Malam...
05/03/2026

Marso 5, 2026
PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BRGY. STO. CRISTO
​Kasalukuyan pong nagsasagawa ng paghahakot ng basura sa Malamig Lopez Jaena St. ngayong umaga.
​Dahil sa dami ng kinokolektang basura, inaasahan po ang pagkaantala ng paglipat ng truck sa iba pang mga kalsada sa ating barangay.
​Hinihiling po namin ang inyong ibayong pang-unawa habang tinatapos ang pagkulekta sa nasabing area.
​Maraming salamat po. 🚛

25/01/2026

Address

J. Buizon
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639281707622

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NEW BARANGAY STO CRISTO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NEW BARANGAY STO CRISTO:

Shortcuts

Share