Sangguniang Kabataan Barangay Sto Cristo

Sangguniang Kabataan Barangay Sto Cristo

Share

ANG LAKAS NG KABATAAN , PAG-ASA NG BAYAN ��

Photos from RGoodies's post 04/03/2024
10/02/2024

May you and your whole family be filled with happiness in the Year of the Dragon.🐉
Happy Chinese New Year. 🎇
Sending happiness your way in the Year of the Dragon. May the magic of the Lunar New Year be with you always.🥰

Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Sto Cristo's post 18/11/2023

Magandang Araw Kabataang Sto. Cristo ❤️

November 18, 2023

Ngayong araw po isinagawa ng Sangguniang Kabataang Sto. Cristo ang Payout ng mga opisyal na benipisyaro ng Educational Assistance ng Aral Kabataan Project.

Ito na po ang huling proyekto ng SK. Sto. Cristo batch 2018-2023 inaasahan namin na sana magtuloy tuloy pa ang ganitong mga project na naging mas kapaki-pakinabang para lahat ng kabataang mag aaral ng Barangay Sto. Cristo.

Sa pangunguna po ni SK Chairman CJ Timoteo at Committee on Education SK Councilor Krishia Charise Aquino at buong Sangguniang Kabataan Council. Kasama din po natin ang mga bagong halal ng Sangguniang Kabataan Sto. Cristo sa pangunguna ni SK Chairman Iya Co at ng kanyang mga SK kagawad.

Muli po kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa aming proyekto. Maraming Salamat Barangay Sto. Cristo ☺️


17/11/2023

𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐓𝐎. 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐓𝐑𝐘 𝐎𝐔𝐓. 🏀

𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐫𝐲𝐨𝐮𝐭𝐬

𝗪𝗵𝗲𝗻: November 19, 2023 (Sunday)
𝐓𝐢𝐦𝐞: 7:00PM - 10:00 PM
𝗪𝗵𝗲𝗿𝗲: Barangay Sto. Cristo Covered Court


Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Sto Cristo's post 13/11/2023

ARAL-KABATAAN YEAR II OFFICIAL LISTS OF AK MEMBERS!

Paalala po!
- Sa mismong araw ng Pay-out (November 18, 2023 - Sabado | 10AM), kailangan ipresinta ng AK member ang ibinigay na AK Form noong nakatapos sila sa screening.
- Tanging ang mga pangalan lamang na nakatala sa Official Listing ng Aral-Kabataan ang makakatanggap ng Educational Assistance.
- Tanging ang mga mag-aaral lamang ang maaaring mag claim ng Educational Assistance. Hindi po papayagan ang magulang o kapatid o sinuman maliban sa mismong AK member sa pagtanggap ng Educational Assistance.
- Ang mga AK member na hindi makakadalo sa Sabado ay maaaring mag message sa ating Official page para sa pag claim ng kanilang Educational Assistance.

Kabataan, Tara Aral Na!

Maraming Salamat Po!

13/11/2023

❤️💙
REMINDER!

Padala po ng inyong mga Aral-Kabataan (AK) Member Form na ibinigay noong kayo po ay nakatapos sa ating screening.

05/11/2023

Magandang Araw mga Kabataan ng ating Barangay Sto. Cristo!

Ang araw at oras ng pay-out ay ilalabas po ng SK sa susunod na linggo kasabay ng paglalabas ng opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng programa. Pahantay lamang po ng anunsyo.

Maraming Salamat Po!
Kabataan, Tara Aral Na!

03/10/2023

Magandang Araw mga Kabataan!

Para sa muling pagbubukas ng SK Sto. Cristo Aral-Kabataan Program, narito ang ilan sa mga dapat ninyong tandaan para sa darating na APPLICATION, RENEWAL AT SCREENING SCHEDULE.

Ang Skedyul para sa mga estudyante ng SENIOR HIGH SCHOOL
October 14, 2023 - Sabado
Mula 9AM hanggang 12NN

Ang Skedyul para sa mga estudyante ng COLLEGE
October 15, 2023 - Linggo
Mula 9AM hanggang 12NN

REQUIREMENTS:
1. Original Copy ng Certificate of Enrollment o Registration
2. Original Copy of Grades (Pwede yung Last Semester)

- Yung pinakalatest na Certificate at Copy ng Grades ang need ninyong dalhin.
- Ipre-presinta lamang ito at hindi kukuhanin sa inyo ng SK.
- Dumalo lamang sa itinakdang araw para makapagpatala.

Sa mismong araw ng inyong skedyul ay malalaman na ninyo kung kayo ay tanggap at ganap ng AK Member.

Tandaan:
1. Walang requirements, hindi tatanggapin.
2. Kulang requirements, hindi tatanggapin.
3. Personal kayo na dadalo sa screening.
4. Sa araw ng screening kayo kukuhanan ng picture ng SK.
5. Hindi rin tatanggapin kung magulang, kapatid o kamag-anak ang magdadala ng requirements.
6. Para lamang sa mga lehitimong taga Brgy. Sto. Cristo.

Kung may katanungan, maaaring mag message sa SK Sto. Cristo Official page. Maraming Salamat po!

Hatid sa inyo ng Sangguniang Kabataan Barangay Sto Cristo sa pangunguna ni SK Chairman Chris James S. Timoteo, Councilor Krisha Charise L. Aquino at ng buong SK Sto. Cristo.

Kaya Tara Kabataan, Aral Na!

02/10/2023

👨‍🏫🎓📢

Photos from Sangguniang Kabataan Barangay Sto Cristo's post 18/08/2023

Do what ever you can do and Help as much as you CAN! 🤝

Brigada Eskwela 💙❤️ Baliwag South Central



!

Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


J BUIZON Street
Baliuag