Uminom ng Sapat na Tubig, Iwas Dehydration, Lalo na sa Tag-Init!
Napakahalaga ng sapat at regular na pag-inom ng tubig upang mapanatiling malusog at ligtas ang ating katawan. Tuwing sobrang init ay maaaring magdulot ng dehydration, pagkahilo, panghihina, at iba pang komplikasyon sa kalusugan, lalo na sa mga bata, matatanda, buntis, at may sakit.
Narito ang ilang paalala:
✅ Uminom ng hindi bababa sa 8 basong tubig bawat araw, o higit pa kung kayo ay aktibo o laging nasa labas.
✅ Iwasan ang sobrang matatamis na inumin at soft drinks—mas mainam pa rin ang malinis na tubig.
✅ Siguraduhing may malinis na inuming tubig sa mga tahanan, paaralan, at mga pampublikong lugar.
✅ Alagaan ang kalusugan—panatilihing hydrated upang maging alerto, masigla, at malayo sa sakit.
Sa tag-init, tubig ang kaagapay sa kalusugan!
Mula sa inyong City Nutrition Office – sama-sama nating itaguyod ang malusog na pamayanan!
Baliwag Nutrition Office
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Baliwag Nutrition Office, Government Organization, BS Aquino Street, Bagong Nayon, Baliuag.
The Baliwag Nutrition Office through the City's Nutrition Committee aim to realize its vision to attain optimum health and nutritional well-being for all Baliwagenyos across all ages through sustained and scaled up multi-sectoral nutrition interventions.
04/05/2026
HAPPY BIRTHDAY 🎂🎂
Lingkod Lingap sa Nayon
Jocelyn Rivera & Ma. Elena Pareja
From: City Nutrition Office💚💙
17/04/2026
Happy Birthday!! 🥳🎂
Ma'am Rose Anne Cuyco
Nutrition Officer II
From: City Nutrition Office🩵💙💚💚
08/04/2026
𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝, 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐑𝐎𝐖𝐍 𝐌𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞.
Isinagawa ang National Validation Visit ng Monitoring Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI Pro) sa lungsod bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri sa implementasyon ng mga programa sa nutrisyon. Layunin ng aktibidad na matiyak ang kalidad, bisa, at pagpapatuloy ng mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa larangan ng nutrisyon, lalo na sa hangaring makamit ang ikalawang taon ng Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Maintenance.
Pinangunahan ang validation ng mga kinatawan ng National Nutrition Council (NNC) at Department of the Interior and Local Government (DILG), na bumubuo sa Nutrition Evaluation Team (NET). Kabilang sa mga dumalo sina:
• Christine Jane B. Almira, Nutrition Officer II, NNC
• Llana Angela C. Mata, Nutrition Officer II, NNC
• Rommferri R. Baluyot, Local Government Operations Officer V, DILG-BLGS
Sa isinagawang validation, sinuri ang mga dokumento, programa, at aktwal na implementasyon ng mga nutrition-specific at nutrition-sensitive interventions ng lungsod. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng multi-sectoral approach sa paglaban sa malnutrisyon.
Malaki ang naging papel ng pamunuan ng lungsod sa matagumpay na pagsasagawa ng validation. Kinikilala ang walang sawang suporta nina City Mayor Sonia Viceo Estrella at Mayor Vice Ferdinand Estrella, gayundin ang aktibong partisipasyon ni CNC Vice Chairperson Marie Nelle Imperial at ng buong City Nutrition Committee (CNC).
Ang matagumpay na validation ay patunay ng matibay na commitment ng lungsod sa pagpapabuti ng kalagayan ng nutrisyon ng mamamayan. Patuloy ang adhikain ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang mataas na pamantayan ng serbisyo at maisakatuparan ang mga programang magdudulot ng mas malusog at mas maunlad na komunidad.
Sa huli, ang bawat hakbang tungo sa mas maayos na serbisyo ay alay para sa kapakanan ng bawat mamamayan—isang patunay ng dedikasyon sa tunay na diwa ng paglilingkod na may Serbisyong may Malasakit.
08/04/2026
13/03/2026
HAPPY BIRTHDAY!🥳🎂
March Celebrant's
Normita Dela Cruz
Bernardo Reyes
Roliver De Guzman
Rosemarin Beran
Jeany Tamayo
From: City Nutrition Office 💙💚💚💙
12/03/2026
So grateful and proud of you Mommy Danica! 🥰🤱
Thank you for seeking breastfeeding counseling and donating your extra breastmilk! Btw, Mommy Danica is 1 month post-delivery.
To anyone who needs supplemental breastmilk, you may visit our Breastfeeding station located opposite the Treasury office of Baliwag City hall compound.
Libre po ito ;)
08/03/2026
Pagdiriwang ng Women's Month
Ang unang 1000 araw ng buhay ng isang bata , mula sa pagbubuntis hanggang ika-2 taong gulang ay napakahalaga sa kanyang paglaki at kinabukasan.
Malaki ang gampanin ng mga KABABAIHAN, lalo na ng mga ina, sa pagbibigay ng tamang nutrisyon, pag-aaruga, at pagmamahal sa panahong ito.
1. Tamang nutrisyon sa pagbubuntis
2. Ligtas na panganganak
3. Eksklusibong pagpapasuso sa loob ng 6 na buwan
4. Wastong pag-aalaga at pagpapakain sa bata
Sa pagtutulungan ng pamilya at komunidad, makakamit natin ang malusog, matalino, at malakas na susunod na henerasyon.
"Kung ano ang nasa Puso mo, sundin mo!" ❤️
This February, hindi lang ito Love Month, kundi Heart Month din! kaya para turuan tayo ng mga paraan paano mabuting alagaan ang puso, kasama natin si Mrs. Brenda Balaga, ang City Nutrition Action Officer ng Lungsod ng Baliwag, para ipaalam sa atin ang Kumainment No. 8, kung saan sinasabi nito na mag hinay-hinay tayo sa pagkain ng Maalat, Mamantika at Matatamis.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
BS Aquino Street, Bagong Nayon
Baliuag
3006
Opening Hours
| Monday | 8am - 5am |
| Tuesday | 8am - 5am |
| Wednesday | 8am - 5am |
| Thursday | 8am - 5am |
| Friday | 8am - 5am |
