13/05/2025
Naguumapaw po ang aking pasasalamat sa inyong lahat sa inyong patuloy na tiwala sa akin. Sa ikalawang termino ko bilang Konsehal ng ating Lungsod, asahan po ninyo na kami ay walang sawang aalalay sa inyo. Sa ngalan din po ng TEAM LEON NG BALIWAG sa pangunguna ni Vice Mayor Cris Clemente, MARAMING SALAMAT PO sa inyong lahat. Baliwagenyo mahal po namin kayo...
10/05/2025
Dalawang tulog na lang Baliwagenyo? Dito na tayo sa siguradong maglilingkod sa inyo. Ang totoong survey ay nasa puso at konsiyensiya ng bawat isa. Huwag matakot at magpadikta, MAYOR CRIS CLEMENTE ang solid na makamasa!!!
08/05/2025
#11 po tayo sa balota, muli po sana ninyo akong pagkatiwalaan upang kayo ay pagserbisyuhan. Baon ko po sa labang ito ang inyong pag-asa at pangarap para sa pagbabago at malawakang pag-unlad. KONSEHAL CAROL DELLOSA po ang inyong lingkod!
08/05/2025
Simpleng tao, madaling hanapin at madaling lapitan. Walang yabang at mapagkumbaba. Sa bawat ngiti ni Mabel Pascual ay kaakibat ang pagtulong at pag-aalala sa bawat Baliwagenyo. Walang duda na siya ang karapat-dapat na maging Vice Mayor ng ating Lungsod. VOTE FOR MABEL PASCUAL!
07/05/2025
Tara po at samahan niyo kami! Ilang araw na lang ay mapapatunayan na ang Baliwagenyo ay hindi kayang bilhin ang prinsipyo. Mahuhusgahan na ang ating paniniwala at dignidad sa pagboto. Sa patas na laban po tayo, huwag padaig sa kinang ng piso!!!
30/04/2025
Ang Abogado ng Masa at ang Doktora ng Bayan, magkatuwang para kayo ay paglingkuran.
#11 DRA. CAROL DELLOSA
#8 ATTY. ANDY CUNANAN
29/04/2025
Ang tunay na survey ay nasa puso at daliri sa oras ng halalan. Basta naniniwala po kami na kayo ay boboto ng tama at base sa inyong karanasan at kunsiyensiya. Malinaw po ang aming plataporma, may resibo at ebidensiya. Walang bola at pagsisinungaling. Dahil sa TEAM LEON, ISANG HAKBANG LANG PO TUNGO SA ATING TAGUMPAY, ISUNOD NATIN ANG ISA PANG HAKBANG TUNGO SA KAUNLARAN NG ATING BAYAN! GISING NA BALIWAGENYO, ITO NA ANG TAMANG PANAHON....KAMI NAMAN NGAYON!
Charm Clemente
Cris Clemente
Mayor Mabel Pascual
Milo Alabado
Ron Cruz
Andy Cunanan
Carol Dellosa
Otay Dulay
Edwin Garcia
Mitch Gonzales
21/04/2025
Bigyang puwang ang bagong pamunuan para sa Lalawigan ng Bulacan at Lungsod ng Baliwag. TEAM LEON 2025, suportahan po natin sa darating na halalan. Walang masama sa bago lalo na kung tunay ang pagseserbisyo.
16/04/2025
Kwalipikado, serbisyong walang bahid ng korapsiyon. Dito na tayo sa hindi bolero, solido ang plano para sa Baliwagenyo. Ipanalo po natin si Mayor Cris Clemente sa halalan sa Mayo.
13/04/2025
Pangarap sa ngayon, katuparan pagkatapos ng eleksiyon. Suportahan po natin ang MAYOR na may aksiyon.