DepEd City of Baliwag

DepEd City of Baliwag

Share

The official page of the Schools Division of City of Baliwag, the 21st schools division of DepEd Region III.

02/06/2026

Ang buong pamilya ng DepEd City of Baliwag ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Sir Miguelito P. Rapsing, Administrative Assistant III ng Accounting Unit, sa kanyang pagpanaw.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa kanyang tapat at mahusay na paglilingkod sa kagawaran. Ang kanyang dedikasyon, sipag, at malasakit sa trabaho ay magsisilbing inspirasyon at mananatiling bahagi ng kanyang iniwang pamana.

Maraming salamat, Sir Migs, sa iyong paglilingkod na may Dangal at Husay. Nawa'y matagpuan mo ang walang hanggang kapahingahan, at nawa'y bigyan ng lakas at kapanatagan ang iyong pamilya sa panahong ito ng pagluluksa.

โ€œ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’‚๐’‚๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’‚๐’ ๐’‚๐’š ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’–๐’”๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’•๐’‚๐’๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’Œ๐’–๐’“๐’‚๐’.โ€



02/06/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Bahagi ng makabuluhang mensahe ni Regional Director Tolentino G. Aquino ng DepEd Regional Office III bilang Keynote Speaker sa ginanap na BUKLOD Year 3 (BaliwagHenyos Unites for Knowledge, Learning Opportunities and Dialogue) ngayong araw, ika-2 ng Hunyo 2026, sa Star Arena Gymnasium.





02/06/2026

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—ฑ๐—ฎ๐˜†! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚๐ŸŽŠ

Warmest birthday greetings to ๐——๐—ฅ. ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—๐—”๐—ก๐——๐—ฅ๐—ข ๐—ฅ. ๐—™๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ก๐——๐—ข ๐—œ๐—œ๐—œ,
Public Schools District Supervisor-District 6,

May this special day be filled with joy, good health, and Godโ€™s abundant blessings. Thank you for your exemplary leadership and unwavering dedication to advancing quality education, carried out with Dangal at Husay, as you continue to inspire excellence among schools, educators, and learners.

Greetings from your SDO City of Baliwag Family.๐Ÿ’™๐Ÿ’š๐Ÿ’™



Photos from DepEd City of Baliwag's post 01/06/2026

๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Š๐ข๐œ๐ค-๐Ž๐Ÿ๐Ÿ ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ 

Matagumpay na inilunsad ngayong araw ng DepEd City of Baliwag ang ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Š๐ข๐œ๐ค-๐Ž๐Ÿ๐Ÿ ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒbilang hudyat ng pagsisimula ng taunang bayanihan para sa paghahanda ng mga paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Nagsimula ang programa sa Brigada Walk (Alay Lakad para sa mga Paaralan) mula sa Tilapayong Elementary School hanggang Dr. Guillermo Dela Merced Memorial School, kung saan nakiisa ang mga kawani ng DepEd, mga g**o, magulang, mag-aaral, mga stakeholder, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng komunidad.

Nagbigay ng higit na sigla sa programa ang pagdalo at pakikiisa ni Mayor Mommy Sonia Viceo-Estrella, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Baliwag, bilang pagpapakita ng kanilang matibay na suporta sa mga programang pang-edukasyon ng DepEd. Sa kanilang pakikilahok, muling pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang pangako nitong makatuwang ang mga paaralan sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral.

Tampok din sa programa ang pagpapahayag ng suporta mula sa mga partner stakeholders na patuloy na nakikiisa sa mga adhikain ng DepEd para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa lungsod. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas napagtitibay ang adhikaing makapaghatid ng dekalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa lahat.




Photos from DepEd City of Baliwag's post 01/06/2026

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ | ๐†๐€๐–๐€๐ƒ ๐†๐ˆ๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐‹๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐“๐’

Malugod na binabati ng buong DepEd City of Baliwag ang ating mga kapwa Lingkod BaliwagHenyo na pirangalan ngayong araw sa Regional Brigada Kick-Off Ceremony sa Gabaldon Nueva Ecija bilang ๐“๐จ๐ฉ ๐“๐ก๐ซ๐ž๐ž ๐…๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐†๐š๐ฐ๐š๐ ๐†๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐€๐ฅ๐š๐› ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐๐ซ๐ž๐š๐ค๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ฌ ๐ข๐ง ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐€๐ฉ๐จ๐ฒ ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ข๐ง๐  ๐€๐ฅ๐š๐ ๐š๐-๐๐š๐ฒ๐š๐ง).

๐Œ๐€ ๐€๐”๐‘๐„๐€ ๐‘๐‡๐Ž๐ƒ๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐‚. ๐†๐„๐‘๐Ž๐๐ˆ๐Œ๐Ž, ๐๐ก๐ƒ
Outstanding Chief Education Supervisor

๐‘๐Ž๐’๐€๐‹๐ˆ๐„ ๐’. ๐’๐€๐๐“๐Ž๐’
Outstanding Education Program Supervisor

๐„๐๐†๐‘. ๐‹๐‡๐ˆ๐Ž ๐‘๐Ž๐„๐Œ ๐‘. ๐ƒ๐„๐‹๐€ ๐‚๐‘๐”๐™, ๐๐ก๐ƒ
Outstanding Public Schools District Supervisor Category

๐‹๐Ž๐‘๐๐€ ๐. ๐ˆ๐†๐๐€๐‚๐ˆ๐Ž
Outstanding Master Teacher Category

๐Œ๐Ž๐ ๐„๐‘๐ˆ๐‚ ๐€. ๐‹๐Ž๐Œ๐„๐ƒ๐€
Outstanding Teacher Category

Ang inyong dedikasyon, husay, at walang sawang paglilingkod sa larangan ng edukasyon ay patunay ng kahusayan ng mga Lingkod Baliwaghenyo. Nawaโ€™y magsilbi kayong inspirasyon sa patuloy na paghubog ng mga mag-aaral at pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon.

Mabuhay kayo at nawaโ€™y magpatuloy ang inyong ningning bilang mga tanglaw ng karunungan at serbisyo publiko!






31/05/2026

Tara na Brigada na!

31/05/2026

๐–๐€๐†๐ˆ ๐€๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐–๐€๐†๐‡๐„๐๐˜๐Ž!

Taos-pusong pagbati kina ๐‚๐š๐ซ๐ฅ ๐“๐ข๐ฆ๐จ๐ญ๐ก๐ฒ ๐’. ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ, mula sa Living Angels Christian Academy at ๐‘๐š๐ฅ๐ฉ๐ก ๐๐š๐ข๐ฅ๐ž๐ฒ ๐‚. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ mula sa Grace Christian Academy sa pagkamit ng ๐๐ซ๐จ๐ง๐ณ๐ž ๐Œ๐ž๐๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ฒ๐ฌ ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐„๐ฏ๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ซ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!

Pagbati rin kay ๐‚๐จ๐š๐œ๐ก ๐–๐š๐ฅ๐๐ง๐ž๐ซ ๐’๐ž๐ญ๐ก ๐Œ. ๐Œ๐ž๐ซ๐œ๐š๐๐จ mula sa Living Angels Christian Academy sa kanyang mahusay na paggabay.

Patuloy ninyong pagningasin ang husay at galing ng Atletang BaliwagHenyo sa larangan ng palakasan. Ang inyong medalya ay patunay na ang tiyaga at determinasyon ay susi sa tagumpay.

Mabuhay Buntal Warriors!




29/05/2026

๐—ช๐—˜ ๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—›๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š!

The Schools Division of City of Baliwag is seeking interested and qualified applicants for vacant positions in the schools in the SDO.

๐Ÿ“Œ (1) School Principal IV-Elementary Level
๐Ÿ“Œ (1) School Principal III-Elementary Level

Interested applicants may submit their applications to the ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜, ๐—ฆ๐——๐—ข ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ด, ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—™๐—น๐—ฟ. ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—น๐—ฑ๐—ด., ๐——๐—ฅ๐—ง ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜„๐—ฎ๐˜†, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ด, ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป or email thru [email protected].

Evaluation of documents, through an open ranking process, will be based on DepEd Order no. 07, s. 2023

For more details please visit: https://www.facebook.com/share/p/1A5xnGaf11/


Photos from DepEd Philippines's post 29/05/2026

Ka-DepEd, nagsimula na nitong Mayo 28 ang National Flag Days bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat ng tanggapan, ahensya ng pamahalaan, paaralan, establisimyento, at tahanan na maglagay o magsabit ng Pambansang Watawat bilang pagmamahal, paggalang, at pakikiisa sa pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, alamin ang ilang gabay sa tamang pag-display ng Pambansang Watawat alinsunod sa Republic Act No. 8491. Maaari ring mabasa ang mga ito sa DepEd Order No. 60, s. 2007: bit.ly/DO60S2007

Mobile uploads 29/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | Buong pusong binabati ng DepEd City of Baliwag ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pamumuno ni Mayor Mommy Sonia Estrella at Mayor Vice Ferdie Estrella sa pagkakamit ng ๐Ÿญ๐˜€๐˜ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ sa 2026 Local Government Unit Compliance Assessment (LGUCA) Regional Top Performers sa ilalim ng ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐‚๐š๐ญ๐ž๐ ๐จ๐ซ๐ฒ.

Ang natamong pagkilalang ito ay patunay ng mahusay, masinop, at makakalikasang pamamahala ng lungsod na tunay na nagsusulong ng malinis, ligtas, at maunlad na komunidad para sa bawat Baliwagueรฑo.

Nawaโ€™y magsilbi pa itong inspirasyon upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkapaligiran at serbisyong publiko para sa kapakanan ng mamamayan.

Mabuhay ang Lungsod ng Baliwag!



Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Baliwag North District School Compound, J. Buizon Street, Poblacion
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm