02/06/2026
πβ¨ Bilang pagbabahagi ng mga natutunan mula sa seminar na may temang Disaster Plans, Preservation, and Conservation, ibinahagi ng ating Punong Katiwala, Ma'am Karen, ang mahahalagang kaalaman at kasanayang nakuha mula sa pagsasanay.
Kabilang sa kanyang tinalakay ang proper mechanical at chemical dry cleaning ng mga aklat, deacidification, at encapsulation mga prosesong mahalaga sa pangangalaga, pagpapanatili, at pagpapahaba ng buhay ng mga koleksiyon ng aklatan.
QUALITY EDUCATION
RESPONSIBLE CONSUMPTION AND PRODUCTION
CLIMATE ACTION
28/05/2026
π UNANG ARAW | TRAINING AND WORKSHOP ON DISASTER PREPAREDNESS, RESPONSE, AND RECOVERY IN LIBRARIES, MUSEUMS, AND ARCHIVES
Matagumpay na isinagawa ang unang araw ng Training and Workshop on Disaster Preparedness, Response, and Recovery in Libraries, Museums, and Archives. Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kaalaman, kahandaan, at kakayahan ng mga kalahok sa tamang pagtugon at pagbangon mula sa mga sakuna upang mapanatiling ligtas at mapreserba ang mahahalagang koleksyon at impormasyon.
QUALITY EDUCATION
RESPONSIBLE CONSUMPTION AND PRODUCTION
CLIMATE ACTION
20/05/2026
Mayo 19,2026. Unang Pagpupulong ng Sangguniang Pang-Aklatan.
Mayo 19 sa ganap na ika-2 ng hapon ay ginanap ang Unang Pagpupulong ng Sangguniang Pang-Aklatan sa Aklatan-Pangunahing Kampus. Tinalakay ang mga sumusunod gaya ng Acquisitions Reports/Updates, Old Books Section, Library Infrastructure, Journals, Senior High School Strengthening Curriculum (resources) at Online Resources.
Ito ay dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan upang talakayin ang mga plano, proyekto, at mga programang makakatulong sa pagpapaunlad ng serbisyo ng aklatan. Naging matagumpay ang pagpupulong sa pagbabahagi ng mga ideya at mungkahi para sa mas maayos at makabuluhang gawain ng aklatan para sa mga mag-aaral at g**o.
18/05/2026
Maraming Salamat po, Dr. Buenrostro!
Ang buong komunidad ng Aklatan ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag at BTECH ay taos pusong nakikiramay sa pagpanaw ng dating Tagapangasiwa ng Aklatan ng Baliuag University!Ang Aklatan ng Dalubhasaan ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo Dr. Buenrostro na minsan din nagbigay ng inspirasyon sa Dalubhasaan tuwing ginaganap ang Pambansang Linggo ng mga Aklat.
Kayo ay naging inspirasyon hindi lamang sa aming Aklatan kundi maging sa mga taong nakapaligid sa inyo. Ang inyong kababaang-loob at malasakit ay mananatiling alaala sa aming mga puso. Aming ipagpapatuloy ang mga aral ninyo sa aming Aklatan!
Muli,Maraming Salamat po!
08/05/2026
Ika-5 Pang Akademiko at Pang Administratibong Pagpupulong.
Ginanap ngayong Mayo 08,2026 sa Silid Awdyo-Biswal,Pagala Kampus.
06/05/2026
πβ¨ Bagong Koleksyon ng Fiction Books sa BTECH Library!
May bagong koleksyon na ng mga fiction books sa BTECH Library na tiyak na magbibigay-aliw at inspirasyon sa inyong pagbabasa. Mula sa romance at mystery hanggang sa fantasy at drama, may ibaβt ibang kwento na maaaring tuklasin ayon sa inyong interes.
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral at g**o na bumisita sa aklatan at hanapin ang susunod ninyong paboritong aklat. π«
π BTECH Library
π Sama-sama nating paunlarin ang hilig sa pagbabasa.
30/04/2026
Pagpupugay sa sipag at dedikasyon ng bawat manggagawa. ππ
Maligayang Araw ng mga Manggagawa!
15/04/2026
Ngayong Araw ay nakikiisa ang Sentrong Saliksikan ng Baliuag sa pag-alaala sa ika-114 taong anibersaryo ng kamatayan ng rebolusyonaryong Baliwagenyo na si Felipe "Apo Ipe" Salvador.
15 Abril 1912 binitay si Apo Ipe sa bilibid sa Maynila dahil sa salang bandolerismo. Si Apo Ipe ay naging bahagi ng Katipunan na nagpatuloy ng kanyang laban hanggang sa panahon ng mga Amerikano. Naging tinik sa lalamunan ng mga Amerikano si Apo Ipe kaya itinuring nila ito bilang isang "Most Dangerous Outlaw" sa buong Luzon. Sa kabila ng pakikipaglaban ni Apo Ipe nahuli siya ng pwersa ng Amerikano sa kanyang kuta sa Kamias, San Luis, Pampanga. Hanggang sa siya ay kinasuhan ng mga Amerikano ng salang bandolerismo. Nahatulan ng kamatayan si Apo Ipe kaya noong ika-15 ng Abril sa loob ng Bilibid sa Maynila siya ay binitay.
Makikita sa larawan ang naging lamay ni Apo Ipe sa pangunguna ng Paglingap-Kapatid samahang Abuluyan sa Palumpong, Tondo, Manila. Nakapalibot sa kanya ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.
Sanggunian:
Donesa, Robert John I. 2021. βBayan ng Pag-ibig: Ang Kabayanihan ni Felipe Salvador at ng Kapatirang Santa Iglesia.β In Sineliksik Bulacan Heritage Book, tomo 3, 172β180. Malolos: Bulacan Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office.
Cloma, Leo. Funeral (Paglingap-Kapatid, Samahang Abuluyan, Palumpong, Tondo, Manila). Photograph. Uploaded March 15, 2014. Accessed April 15, 2025. 28098727@N00/13165871683." rel="ugc" target="_blank">https://www.flickr.com/photos/28098727@N00/13165871683.