Turismo ng Baliwag

Turismo ng Baliwag

Share

The official page of the Baliwag Tourism Office

Photos from Turismo ng Baliwag's post 02/06/2026

๐Ÿฝ๏ธ ๐‘ณ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ต๐‘จ, ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ๐‘ฎ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฐ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐’€ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘พ๐‘จ๐‘ฎ ๐Ÿฝ๏ธ

Nagtagisan ng husay, pagkamalikhain, at pagmamahal sa lutuing Baliwagenyo ang iba't ibang barangay sa ginanap na LASA: Tasting Baliwag Tradition and Culture โ€“ Barangay Cooking Competition bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buntal Festival 2026.

Sa bawat inihandang putahe ay muling naipakita ang mayamang tradisyon ng Baliwag at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga pagkaing bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang isang komunidad. Mula sa mga paboritong lutuing namana pa sa ating mga ninuno hanggang sa mga makabagong presentasyon nito, tunay na naging makulay at masarap ang paligsahan.

๐Ÿ† CATEGORY A โ€“ OKOY AT BIBINGKA
๐Ÿฅ‡ Brgy. Tiaong
๐Ÿฅˆ Brgy. Tibag
๐Ÿฅ‰ Brgy. Makinabang

๐Ÿ† CATEGORY B โ€“ MENUDONG BUKID AT PAKAM
๐Ÿฅ‡ Brgy. Pinagbarilan
๐Ÿฅˆ Brgy. Calantipay
๐Ÿฅ‰ Brgy. Sta. Barbara

Sa bawat kagat ay lasa ng tradisyon, at sa bawat putahe ay kuwento ng ating pagkakakilanlan bilang mga Baliwagenyo.





26/05/2026

Maligayang ika-293 Anibersaryo ng Baliwag!

Itinatag noong 1732 ng mga paring Agustino, ang Baliwag ay opisyal na kinilala at isinama bilang isang bayan ng Gobernador-Heneral ng Espanya noong Mayo 26, 1733. Bago ito naging isang hiwalay na bayan, ang Baliwag ay dating bahagi ng bayan ng Quingua, na kilala ngayon bilang Plaridel.

Sa loob ng halos tatlong siglo, nasaksihan ng Baliwag ang ibaโ€™t ibang yugto ng kasaysayan, mula sa panahon ng Kastila at Himagsikan hanggang sa modernong pag-unlad nito bilang lungsod. Mula sa pagiging isang pamayanang agrikultural, naging mahalagang sentro ito ng pananampalataya, kalakalan, at kalinangan.

Sa pagdiriwang na ito, ating parangalan ang mayamang kasaysayan ng Baliwag at ang patuloy nitong pag-usbong tungo sa mas makulay at makabuluhang hinaharap.

Photos from Turismo ng Baliwag's post 26/05/2026

๐Ÿ๐Ÿ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐Ž๐ฉ๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ

โ€œAng Pamana ng Baliwag, Ang Ating Sama-samang Kinabukasanโ€

Matagumpay na isinagawa ang Opening Program ng ika-22 Taon ng Buntal Festival sa Baliwag City Hall Grounds bilang hudyat ng pagsisimula ng makulay na pagdiriwang ng kultura, sining, at pamana ng Baliwag.

Naging tampok sa programa ang mga kahanga-hangang pagtatanghal mula sa BTECH Singing Ambassadors, Baliuag University Cultural Dance Troupe, at Hinabing Indak Baliwagenyo.

Ang pagbubukas ng programa ay pinangunahan ni Mayor Sonia V. Estrella sa pagbibigay ng kanyang mensahe. Nagbigay rin ng mensahe at pagbati sina Vice Mayor Ferdinand V. Estrella, Congw. Augustina Dominique Pancho, Vice Gov. Alexis C. Castro at Gov. Daniel R. Fernando na kinatawan ni Mr. Crispin de Luna. Nakasama rin sa pagbubukas ng Buntal Festival si Dr. Richard Daenos, Department of Tourism Region III Director, bilang panauhing pandangal kung saan kanyang ibinahagi ang malaking potensyal ng Baliwag bilang destinasyon sa faith/pilgrimage at cultural tourism.

Ang taunang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa sa pagpapanatili at pagpapayabong ng pamana ng ating lungsod para sa susunod na henerasyon.



25/05/2026

Maraming salamat, EJ Knows, sa pakikibahagi sa Buntal Festival!

23/05/2026

Ngayong araw, Mayo 23, 2026, ay ating ginugunita ang ika-108 taong kamamatayan ng isa sa mga bayaning Baliwagenyo na si Mariano Ponce Y Collantes.

----

Mariano Ponce

(March 22, 1863 - May 23, 1918)

Si Mariano Ponce ay isa sa mga pinakatanyag at iginagalang na bayani na nagmula sa Baliwag, Bulacan. Ipinanganak noong Marso 23, 1863, siya ay hindi lamang isang mag-aaral ng medisina kundi isang mahusay na mananalaysay, manunulat, at isa sa mga pangunahing haligi ng Kilusang Propaganda. Matapos ang kanyang panimulang pag-aaral sa Pilipinas, nagtungo siya sa Espanya, ngunit ang kanyang atensyon ay nahatak mula sa medisina patungo sa pag-ibig sa tinubuang lupa. Kasama sina Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, bumuo sila ng isang matibay na samahan na naglayong ipaglaban ang pantay na karapatan ng mga Pilipino at ilantad ang mga pang-aabuso ng mga prayle at ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas.

Ang buhay at mga panulat ni Mariano Ponce ay malinaw na patunay na ang kalayaan ay hindi lamang ipinaglalaban sa pamamagitan ng pag-aaklas at sandata, kundi pati na rin sa talas ng isipan at galing sa pluma. Ang kanyang mga naiambag bilang isang repormista, mananalaysay, diplomatiko, at tagapagtaguyod ng kulturang Pilipino ay nananatiling buhay hanggang sa kasalukuyan. Ang kanyang dedikasyon sa pagsasaliksik at pangangalaga ng ating kasaysayan at mga kwentong-bayan ay nagsisilbing matibay na pundasyon ng panitikang Pilipino at isang walang-hanggang inspirasyon para sa mga taga-Baliwag at sa buong bansa.

22/05/2026

MULA SA KUSINA NG KASAYSAYAN: TIKMAN ANG TUNAY NA LASA NG BALIWAG!
LASA: TASTING BALIWAG TRADITION AND CULTURE - BARANGAY COOKING COMPETITION

Likas sa ating mga Baliwagenyo ang pagiging mairugin sa masasarap na pagkain. Ngunit higit sa busog na tiyan, ang bawat putahe natin ay may kalakip na kuwento, tradisyon, at pamanang nagpasalin-salin sa ating mga lahi.

Sa darating na LASA: Tasting Baliwag Tradition and Culture โ€“ Barangay Cooking Competition, ating itatampok at bibigyang-buhay ang mga pagkaing Baliwagenyo na humubog sa ating kultura:

OKOY โ€“ Malutong at masarap kapares ng timpladong s**a.
PAKAM โ€“ Ang tradisyonal na chicken stew ng Baliwag na may kakaibang asim at tamis mula sa kamatis at luya.
MENUDONG BUKID โ€“ Pinayaman ng galing sa paggisa gamit lamang ang mga simpleng sangkap mula sa bukid.
BIBINGKA โ€“ Ang mainit, malambot, at mabangong kakaning dinadayo sa Lungsod ng Baliwag.

Aling barangay kaya ang makakapagbigay pinakamasarap na bagong interpretasyon at inobasyon sa mga pagkaing ito?

๐Ÿ—“๏ธ May 28, 2026
โฐ 3:00 PM
๐Ÿ“ Heroes Park, Poblacion, Baliwag City, Bulacan

TARA na! Suportahan ang inyong pambatong barangay at sama-sama nating buhayin ang lasa ng ating kultura at pamana!

20/05/2026

TARA NA! BUNTAL FESTIVAL NA!

Saksihan ang masaya at makulay na pagbubukas ng Buntal Festival 2026 na may temang โ€œAng Pamana ng Baliwag, Ang Ating Sama-samang Kinabukasan.โ€

๐Ÿ—“๏ธ May 25, 2026 | 8:00 AM
๐Ÿ“ Baliwag City Hall Grounds, Bagong Nayon, Baliwag City, Bulacan

TARA naโ€™t makisaya, makilahok, at ipagdiwang natin ang sining, kultura, at pagkakaisa ng Lungsod ng Baliwag!



Training-workshop on Disaster Preparedness, Response, and Recovery in Libraries, Museums, and Archives 20/05/2026

Disasters and emergencies can damage not only buildings and collections, but also the stories, records, and memories that define our communities.

In celebration of National Heritage Month, the National Commission for Culture and the Arts โ€“ National Committee on Archives, together with the City Government of Baliwag through the Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office and the Baliwag City Library, will conduct the "Training and Workshop on Disaster Preparedness, Response, and Recovery in Libraries, Museums, and Archives" on May 28โ€“30, 2026 at the Baliwag Star Arena, Barangay Pagala, Baliwag City, Bulacan.

The three-day event will bring together librarians, archivists, museum workers, cultural workers, and heritage advocates for lectures, demonstrations, and hands-on workshops on the preservation, conservation, and recovery of archival and documentary materials. Participants will also learn practical techniques in disaster management, book repair, cleaning, deacidification, lining, and encapsulation of archival materials.

For interested individuals, you may register through this link:
https://forms.gle/B4R3yuChmnyMFK61A


Training-workshop on Disaster Preparedness, Response, and Recovery in Libraries, Museums, and Archives May 28 to 30, 2026 8:00am to 5:00pm Baliwag Star Arena, Brgy. Pagala, Baliwag City, Bulacan

20/05/2026

Disasters and emergencies can damage not only buildings and collections, but also the stories, records, and memories that define our communities.

In celebration of National Heritage Month, the National Commission for Culture and the Arts โ€“ National Committee on Archives, together with the City Government of Baliwag through the Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office and the Baliwag City Library, will conduct the "Training and Workshop on Disaster Preparedness, Response, and Recovery in Libraries, Museums, and Archives" on May 28โ€“30, 2026 at the Baliwag Star Arena, Barangay Pagala, Baliwag City, Bulacan.

The three-day event will bring together librarians, archivists, museum workers, cultural workers, and heritage advocates for lectures, demonstrations, and hands-on workshops on the preservation, conservation, and recovery of archival and documentary materials. Participants will also learn practical techniques in disaster management, book repair, cleaning, deacidification, lining, and encapsulation of archival materials.

For interested individuals, you may register through this link:
https://forms.gle/B4R3yuChmnyMFK61A

Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm