Municipality of Ballesteros

Directions Website

Municipality of Ballesteros Official FB page of the Local Government of BALLESTEROS led by the incumbent Municipal Mayor ROBERT H. OGALINO MD.

  | 75 DAYS TO CHRISTMAS! ✨Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigaya...
10/10/2026

| 75 DAYS TO CHRISTMAS! ✨

Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakaisa. 💙🎁

  | Taos-pusong nakikiramay ang LGU-Ballesteros sa pangunguna ni Mayor Robert H. Ogalino, sa pagpanaw ni Cagayan Provinc...
10/10/2026

| Taos-pusong nakikiramay ang LGU-Ballesteros sa pangunguna ni Mayor Robert H. Ogalino, sa pagpanaw ni Cagayan Provincial Information Officer Sir. Rogelio “Rogie” Sending, Jr. Hindi malilimutan ang iyong malaking kontribusyon sa larangan ng pamamahayag at pagpapaabot ng tapat at makabuluhang impormasyon sa mga Cagayano. SALAMAT KA ROGIE. 🙏💐

SALAMAT SA LABAN, KA ROGIE! 🕊️🕊️🕊️

Ikinalulungkot naming ipaalam sa ating mga minamahal na Cagayano ang pagpanaw ng haligi ng CPIO-TeleRadyo na si Rogelio P. Sending Jr.

Masakit man tanggapin pero mananatili sa aming mga puso ang mga alaala, masasayang sandali, at mga aral na iniwan mo sa amin. Maraming salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, sa iyong paggabay, at sa mga alaalang habambuhay naming dadalhin, Ka Rogie.

Patuloy tayong magbabalitaan sa susunod na kabanata, Ka Rogie.

Hanggang sa muli. Maraming salamat sa iyong paglilingkod at sa laban na buong tapang mong hinarap.

Paalam, Ka Rogie. Hindi ka namin malilimutan.

  | MATAGUMPAY NA NATAPOS ANG PAGSASANAY SA PAGKAKABIT NG SOLAR HYBRID AT WATER PUMP! ☀️Naisagawa na ang limang araw (Oc...
10/10/2026

| MATAGUMPAY NA NATAPOS ANG PAGSASANAY SA PAGKAKABIT NG SOLAR HYBRID AT WATER PUMP! ☀️

Naisagawa na ang limang araw (October 5-9, 2026) na masusing pagsasanay sa Solar Hybrid at Water Pump Installation na isinagawa ng TESDA Regional Training Center, sa pamumuno nina Mayor Robert H. Ogalino, kasama sina SB Member Rogelio Yapit at SB Member Aldwin Ramirez. Si Ginoong Rowel Cansejo ang nagsagawa ng pagsasanay sa dalawampu’t limang kalahok.

Sa inyong sipag at tiyaga, natapos ninyo ang unang yugto ng inyong paghahanda. Ngayon naman, ang susunod na hakbang ay ang limang araw na pagsasanay para sa pagsusuri at pagsusulit upang makamit ninyo ang inyong National Certificate II (NC2) — isang patunay ng inyong husay at kakayahan!

Ang inyong bagong kasanayan ay hindi lamang para sa inyong sariling pag-unlad, kundi para rin sa mas maliwanag at masaganang kinabukasan ng ating komunidad. Kaya’t ipagpatuloy lamang ang pagsisikap — malapit na ang inyong tagumpay!

  | 76 DAYS TO CHRISTMAS! ✨Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigaya...
09/10/2026

| 76 DAYS TO CHRISTMAS! ✨

Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakaisa. 💙🎁

  | 77 DAYS TO CHRISTMAS! ✨Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigaya...
08/10/2026

| 77 DAYS TO CHRISTMAS! ✨

Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakaisa. 💙🎁

  | 78 DAYS TO CHRISTMAS! ✨Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigaya...
07/10/2026

| 78 DAYS TO CHRISTMAS! ✨

Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakaisa. 💙🎁

  | 79 DAYS TO CHRISTMAS! ✨Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigaya...
06/10/2026

| 79 DAYS TO CHRISTMAS! ✨

Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakaisa. 💙🎁

  | MGA BASURA PATULOY NA BUMIBIDA SA BOULEVARD!Nakikita nating may mga patuloy na iniiwan ang kanilang basura sa ating ...
05/10/2026

| MGA BASURA PATULOY NA BUMIBIDA SA BOULEVARD!

Nakikita nating may mga patuloy na iniiwan ang kanilang basura sa ating boulevard at maging sa tabing dagat — parang wala lang itong halaga sa kanila.

“SANA TUBUAN NAMAN KAYO NG HIYA!”

Ang ganda ng ating baybayin ay para sa lahat — kaya panatilihin din nating malinis ito para sa lahat. Ang pagtatapon at pag-iiwan ng basura kung saan-saan ay hindi lamang nakakasira sa tanawin, kundi nakakasama rin sa ating karagatan at sa mga yamang-dagat na pinagkukunan natin ng kabuhayan.

Ang disiplina ay nagsisimula sa sarili. Huwag nating hayaang maging basurahan ang ating tahanan. Tandaan: ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa.

  | 80 DAYS TO CHRISTMAS! ✨Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigaya...
05/10/2026

| 80 DAYS TO CHRISTMAS! ✨

Sa bawat araw na lumilipas, mas palapit nang palapit ang panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakaisa. 💙🎁

  | MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS NG 2-ARAW NA ANNUAL INVESTMENT PLANNING (AIP) SA BAGUIO Matagumpay na isinagawa ang 2-araw ...
05/10/2026

| MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS NG 2-ARAW NA ANNUAL INVESTMENT PLANNING (AIP) SA BAGUIO

Matagumpay na isinagawa ang 2-araw na Annual Investment Planning (AIP) na ginanap sa Baguio City noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 1, 2026 sa pangunguna ni Mayor Robert H. Ogalino at pagtutulungan ng LGU-Ballesteros sa pamamagitan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) at DILG-Municipal Local Government Operations Office (MLGOO).

Nagbunga ito ng mas tiyak at mas detalyadong plano ng pamumuhunan ng LGU-Ballesteros para sa taong 2027.

Ang mga inihandang plano at panukalang “budget”— na binubuo ng mga proyektong pang-imprastraktura at mga serbisyong panlipunan na nakalaan para sa mamamayan ng Ballesteros — ay isusumite pa sa Sangguniang Bayan para sa pagpapatibay, at kasunod nito ay ipapasa sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagsang-ayon at pinal na pag-apruba.

Layunin ng bawat proyektong nakasaad sa AIP 2027 na maghatid ng tunay na pag-unlad, ginhawa, at mas maayos na kinabukasan para sa lahat ng taga-Ballesteros! 💙🤝

Address

Centro East Poblacion
Ballesteros
3516

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Ballesteros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share