11/10/2026
IN PHOTOS | October 11, 2026
Nakibahagi si Vice Mayor Alma C. Mirano sa pagdiriwang ng 20th Founding Anniversary ng Pag-asa National High School na may temang “Pag-asa NHS @ 20: Dalawang Dekada ng Sama-samang Paglilingkod, Pagkakaisa, Paglago at Tagumpay.”
Sa naturang pagdiriwang, naghatid ng mensahe si Vice Mayor Alma C. Mirano bilang pagbibigay-pugay sa dalawang dekadang puno ng dedikasyon, paglilingkod, at tagumpay ng paaralan. Binigyang-halaga rin ang mahalagang papel ng edukasyon, pagkakaisa ng komunidad, at patuloy na pagsuporta sa paghubog ng mga kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Maligayang ika-20 Founding Anniversary, Pag-asa National High School! Nawa'y patuloy kayong maging tanglaw ng kaalaman, inspirasyon, at pag-asa para sa susunod na henerasyon. 🩷🩷
Mabuhay ang Pag-asa National High School!