11/10/2026
𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗛𝗜𝗠𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗠𝗢𝗧 𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗨𝗥𝗨𝗦𝗔
Ngayong araw, ika-11 ng Oktubre, dumalo ang 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝗲𝗱 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 (𝗔𝗖𝗦-𝗡𝗧𝗖) sa 𝘚𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘉𝘭𝘰𝘤𝘬 𝘚𝘤𝘳𝘦𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨 ng 𝗘𝗗𝗝𝗢𝗣– mula sa direksyon ni Katski Flores at pinagbidahan nina Elijah Canlas, Jodi Sta. Maria, Cedrick Juan, at Menchu Lauchengco-Yulo, na inorganisa ng 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗥𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸 at pakikipagtulungan mula sa opisina ni 𝗦𝗲𝗻. 𝗥𝗶𝘀𝗮 𝗛𝗼𝗻𝘁𝗶𝘃𝗲𝗿𝗼𝘀.❤️🤍✨
Sa bersyong ito, binigyang-buhay ang sakripisyo ni Edgar Jopson mula sa perspektibo ng kanyang minamahal na asawa’t anak. Inilarawan siya rito bilang isang lider-estudyante, rebolusyonaryo, ama, asawa, anak, kapatid, at mag-aaral sa ilalim ng mapangahas na pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr. noong panahon ng Martial Law—mga papel na nagbigay-diin na tulad natin, siya rin ay isang ordinaryong Pilipino.
Gaya ng isinambit ni Joyette, ang relay race ay hindi tinatapos ng iisang tao lamang. Kinakatawan ito ng isang grupo kung saan ang bawat tumatakbo ay humahawak sa baton, dinadala ito hanggang sa makakaya nila, at kalaunan ay ipinapasa sa susunod. Maaaring hindi na nila maabutan ang dulo at hindi rin nila alam kung mananalo sila sa huli— basta’t nagtitiwala silang ipagpapatuloy ng susunod na tatakbo ang laban.
Ito ay sumisimbolo sa nasimulan at iniwang mensahe ni EDJOP para sa bawat Pilipino: hindi pa rito natatapos ang ating laban. Subalit, hindi rin ito magsisimula hangga’t walang mangunguna upang magsalita, mag-organisa, at kumilos bilang boses ng marami. Dahil hindi makukumpleto ang isang milyon kung walang magtataguyod ng katarungan. Hindi man tayo pare-pareho ng paraan sa paglaban, may iisang layunin tayong nais makamit: ang mas makamasa at makataong lipunan.
𝗟𝗮𝗴𝗶’𝘁 𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴, 𝗺𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝗹 𝗺𝗮𝗻 𝗼 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗸𝗯𝗼. 𝗔𝘁 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗽𝗶𝗹, 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻.
✍️: Clyde Bryan Agravante