17/09/2026
📢 MAHALAGANG PAUNAWA | BARANGAY RIZAL
Ipinababatid sa lahat ng residente at mga bumibisita sa Barangay Rizal, Baras, Rizal na ang mga sumusunod na ordinansa ay inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Baras, Rizal:
🌿 ENVIRONMENTAL AT TOURISM FEE – UNGGA FALLS
Isang ordinansa na nagpapataw ng ₱20.00 Environmental Fee at ₱10.00 Tourism Fee, bilang entrance fee sa Ungga Falls, Sitio Putik, Barangay Rizal, Baras, Rizal, para sa kabuuang ₱30.00 bawat bisita.
Ang mga nakolektang bayarin ay gagamitin alinsunod sa mga itinakdang probisyon ng ordinansa, kabilang ang pangangalaga sa kapaligiran, kalinisan, pagpapanatili at pagpapaunlad ng lugar, at iba pang kaugnay na programa ng barangay.
🚯 MAHIGPIT NA PAGBABAWAL SA PAGTATAPON NG BASURA
Inaprubahan din ang isang ordinansa na mahigpit na nagbabawal sa pagtatapon ng basura sa anumang bahagi ng Barangay Rizal, kabilang ang mga pampublikong lugar, kalsada, kanal, ilog at mga lugar na panturismo.
Ang sinumang lalabag ay papatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa mga probisyon ng nasabing ordinansa.
💚 PARA SA KALUSUGAN AT WELLNESS NG KOMUNIDAD
Ang mga ordinansang ito ay bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang malinis, ligtas at maayos na kapaligiran at magsilbing suporta sa mga programa ng Rural Health Unit (RHU) para sa kalusugan at wellness ng ating mga mamamayan.
🙏 Hinihikayat ang lahat—residente man o bisita—na makiisa, sumunod sa mga alituntunin at maging responsable sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Magtulungan tayo para sa isang MALINIS, LIGTAS, MAAYOS at MALUSOG na Barangay Rizal! 🌱💚
BARANGAY RIZAL, BARAS, RIZAL
Alagaan ang Kalikasan. Panatilihin ang Kalinisan. Itaguyod ang Kalusugan.