31/05/2026
ππππ 3 ππ πππππππ ππ πππππππ π
πππππ! ππ₯ππ¦
Isang matikas na pagtatapos sa Elimination Round ang ipinamalas ng Santiago Braves Men's Volleyball Team matapos talunin ang Barangay Rizal via straight sets ngayong araw. π
Dahil sa krusyal na panalong ito, tayo ay nag-rank 3 at didiretso na tayo sa QUARTER FINALS! π―
Hindi pa dito nagtatapos ang laban, mga ka-Braves. Mas lalo pa nating hihigpitan ang kapit at rarakrakin ang QF! Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta at naniniwala! π«ΆπΌ
Tuloy ang laban, Barangay Tibay! π¦β
30/05/2026
πππππ πππ πππππππππ! π€π₯
Isa na namang panalo ang ibinulsa ng Santiago Braves Men's Volleyball Team matapos talunin ang Barangay San Jose! Tuloy-tuloy ang win streak at lalong nag-aalab ang determinasyon ng pusong Braves. π¦β€οΈβπ₯
Dahil sa matinding teamwork at walang katulad na puso sa laro, hawak na natin ngayon ang beat (charot!) ang isang matibay na 6-2 standing! πͺ
Tuloy ang trabaho patungo sa ginto!
29/05/2026
π’ Santiago Braves Weekend Game Schedule π¦π
Narito ang opisyal na iskedyul ng laro ng ating Santiago Braves Volleyball Teams para sa darating na May 30-31, 2026.
ποΈ MAY 30 (Sabado)
π₯ Men's vs Brgy. San Jose β 9:00 AM (1st Game)
ποΈ MAY 31 (Linggo)
π₯ Men's vs Brgy. Rizal β 10:00 AM (3rd Game)
π₯ Women's vs Brgy. Rizal β 2:00 PM (3rd Game)
Ipakita ang bagsik ng Braves! Sama-sama nating ipagmalaki at suportahan ang galing ng atletang Santiago! Kita-kits sa gym at walang iwanan sa hiyawan! π£οΈπ―
29/05/2026
πππππ ππ πππππππ ππ. πππππ πππ πππππ, πππππ ππππ ππ π
πππππ! π§Ήπ₯π¦
Isang nagbabagang pagbati sa ating Santiago Braves Junior Basketball Team para sa isang malinis na SWEEP sa Semis kontra Barangay Concepcion! Walang binigay na pagkakataon, walang pinalampas na segundoβpinatunayan ng ating mga kabataan kung sino ang mas mapuso, mas determinado at mas matapang! πͺ
Papunta na tayo sa dulo, Barangay Tibay! Isang hakbang na lang at tutungo na tayo sa huling kabanata upang depensahan ang ating tropeyo at panatilihin ang kampeonato sa ating teritoryo! Hindi natin basta-basta ibibigay ang titulo na pinaghirapan natin. β€οΈβπ₯
Braves Nation, patuloy nating suportahan, isigaw, at ipagmalaki ang ating mga kabataang atleta sa kanilang laban para sa dangal at bandera ng ating barangay. Iba talaga ang puso, determinasyon, at tapang ng DUGO at PURONG Santiago! π¦
BRAVES COMMUNITY, ITODO NA NATIN 'TO! β
27/05/2026
SANTIAGO BRAVES β HINDI PA RIN MAPIGILAN! STILL UNDEFEATED! π§Ήπ₯
Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa ating magigiting na Santiago Braves Junior Basketball Team matapos nilang muling ipakita ang kanilang lakas at husay sa hardcourt kontra Brgy. Concepcion sa nakakamanghang iskor na 91-80 sa ginanap na Semi Finals! ππ½π
Ipinakita ng Santiago Braves ang kanilang determinasyon at tibay ng loob upang mapanatili ang kanilang malinis na rekord at manatiling UNDEFEATED! π¦πͺ
Isa na lamang na hakbang at maaabot na nila ang pinakahihintay na FINAL ROUND! Patuloy nating ipagdasal, suportahan, at palakasin ang loob ng ating mga kabataang atleta habang buong tapang nilang hinaharap ang huling laban tungo sa kampeonato. Sama-sama nating ipakita ang pagkakaisa at pagmamalaki para sa ating barangay!
π£ Abante, Santiago!Patuloy ang pag-ROAR ng ating mga Braves patungo sa gintong tagumpay! π₯π₯β€οΈ
26/05/2026
Na para bang... FINALS REMATCH SA SEMIS!
BARANGAY TIBAY, ORAS NA PARA MAG-ROAR! π¦π£πͺ
Matapos nating dominahin ang buong elimination round, pormal nang umabante ang ating Santiago Braves sa SEMI-FINALS! At para sa isang epic na tapatan, muli nating makakasalpukan ang Barangay Concepcionβang koponang tinalo natin sa Finals last year.
ποΈ THE SEMI-FINALS SCHEDULE:
π GAME 1: May 27, 2026 (Wednesday) | 7:00 PM
π GAME 2: May 29, 2026 (Friday) | 6:00 PM
π GAME 3 (If necessary): May 31, 2026 (Sunday)
BRAVES NATION, alam niyo na ang gagawin! Oras na para mag-ROAR ng mas malakas! Ipakita at iparamdam natin ang nagbabagang suporta para sa ating defending champions. Walang bibitiw, walang aatrasβang tropeyo at kampeonato ay mananatili sa Santiago! ππ¦
Isigaw ang inyong suporta sa comments section at magkita-kita tayo sa hardcourt! DEPENSAHAN NATIN ANG KAMPEONATO! πβοΈ
24/05/2026
The Santiago Braves take down Brgy. San Juan and improve to 5-2 on the season. All the hard work is showing, but weβre staying hungry. Time to focus on the next battle! ππ¦